Third Person's P.O.V
Nagpunta si Dawson sa mansion ng mga Myoui para kunin yung box na sinasabi ni Zahara.. Pinapasok naman agad siya ng mga katulong dahil kilala na naman kasi siya ng mga ito...
Pagkapasok niya sa kwarto ni Zahara ay may isang box na nakalagay ibabaw sa kama, agad niya naman itong binuhat atsaka lumabas sa kwarto..
Pagkarating niya sa bahay nila ay naabutan niyang nakatulala sa kawalan ang kapatid niya kaya agad niya itong nilapitan..
"Kuya Felix may pinabibigay si ate Zar sayo" agad namang naging alerto si Felix pagkarinig sa pangalan ng bestfriend niya..
Binigay na ni Dawson sa kanya yung box atsaka siya iniwang mag-isa... Pagkabukas niya sa box ay may nakita siyang scrapbook na gawa ni Zar...
Naalala niyang pinag-awayan nila to dati dahil ayaw ni Zar na makita niya ang nasa loob nito...
Pagkabukas niya laking gulat niya na mukha niya agad ang bumungad sa kanya at may kasama pa itong mga notes..
Bespren kong ngipin hehez ang gwapo mo dito af. Sare dahil I secretly took a photo of you while you're not in the mood, hobby ko na kasi talaga ang kunan ka ng stolen pix eh :*
Love,
Zahara GorgeousIniscan niya pa lalo yung scrapbook nang may mahagip ulit ang mata niya.. Letro nila dalawa yun na masaya silang nagtatawan... Sa gilid ng litrato may nakaipit na parang letter kaya agad niya itong kinuha at binuksan at di nga siya nagkamali letter nga yun...
Dear Bespren kong ngipin na mahal ko,
Alam kong corny ang sulat na'to pero sana itago mo to habang buhay dahil ililibing kita ng buhay pag di mo yun ginawa. At alam ko ring wala na ako sa tabi mo habang binabasa mo itong sulat ko. Charz ang drama hehez parang patay ganun?, pero seryoso sorry dahil di kita nainform kung kailan ang official na alis ko, ayaw ko lang kasing makita mukha mo bago ako umalis dahil baka masuka lang ako sa biyahe, di joke, actually ang totoo niyan ayaw kong nandon ka sa mismong pag-alis ko dahil baka di ko na magawang umalis, di kasi kita gustong iwan bespren ko dahil labs kita haha, oo labs kita, at oy wag kang umiyak ang pangit mo huhuez, pero bespren ko kahit na ang pangit pangit mo mahal kita, mahal kita nang higit pa sa inaasahan mo, mahal kita di lang bilang isang bestfriend kundi mahal kita dahil mahal kita, magulo noh? Gaya ng utak kong sobrang gulo huhuez, pero bespren ko mamamimiss kita, di ko alam kung kailan ulit tayo magkikita or magkikita pa nga ba tayo?
Bespren kong ngipin aaminin kong nagseselos ako sa inyo ni Leila dahil nawawalan ka ng time sa akin plus nakalimutan mo rin yung anniversary natin, masaklap yun huhuez,
Alam mo bang palagi kong hinihiling na sana ako nalang mahal mo, na sana walang Leila na umeksena, na sana di nalang ako nahulog sayo, pero bespren ko alam mo bang nahihirapan ako? Nahihirapan ako kasi ang hirap magtago ng nararamdaman, masakit, sobrang sakit na makita kang masaya kasama siya pero di eh, kailangan kong tanggapin na hanggang bestfriend zone nalang talaga ako, sana maging masaya kayo ni Leila.. Mahal kitang ngipin ka, alam kong mahal mo rin ako as bespren mong mukhang donuts...
Love,
Zahara Ryleigh Myoui na Dyosa ♡♥Di maipaliwag ng binata ang nararamdaman niya matapos niyang basahin ang mensaheng iniwan sa kanya ni Zahara.. Nagsisisi siya kung bakit di niya inamin sa dalaga ang nararamdaman niya para dito..
Matagal niya nang mahal ang dalaga pero naduduwag siyang umamin dito dahil iniisip niya ang pagkakaibigan nila kaya tinuon niya ang atensyon niya sa ibang babae,
Nakilala niya si Leila at napalapit rin naman ang loob niya sa dalaga dahil magkaugali si Leila at si Zahara kaso nga lang ang pinagkaiba may pagkamaarte at mahinhin si Leila..
Inaamin niyang nagustohan niya si Leila pero mas nangingibabaw talaga ang pagmamahal niya kay Zahara, kaya nga palagi siyang nagagalit kapag may lalaking lumalapit dito...
"Ang gago ko tangina" sabi niya atsaka hinilamos ang palad niya sa mukha..