Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 4 | We Both Know That's Not True

157K 5.1K 3K
                                    

Chapter 4 | We Both Know That's Not True


I'm incompetent and obviously a mess. Handang-handa ako sa project na 'to dahil gusto kong may mas mapatunayan pa sa mga head namin, but I failed. My mind went automatically blank and I can't even utter a word. What in the world is happening? Bakit ako nagkakaganito?


"Suck it up. It's not the end of the world." Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Matt sa ulo ko. "Tapos na."


I excused myself a while ago dahil pakiramdam ko nasu-suffocate na ako. Sa lahat ng pinaghandaan ko ngayon, sa kanya ako hindi ready. Paano ko ba naman malalaman sa lahat ng araw ng kalendaryo na ngayon kami magkikita?


"Naghihintay sila sa lounge area."


"No." I said in disbelief.


Nginitian lang ako ni Matt at mahigpit na hinawakan sa balikat. "Just call my name—"


"And you'll be there?"


"No. I'll call the security." Seryosong sabi niya bago tuluyang makaalis ng cubicle ko. Ha-ha, funny, Ugh.


Well, I'll just make it worse if I let them wait.


At last, Art Stuff is getting out of its 'comfort zone'. The management is waiting for an initial project para masabing nagdadagdag na kami ng variety sa service at ito ang napili nila. We will be designing a store. Interior designing. Hindi kami expert when it comes to this field pero alam kong may mata kami at may utak kami na pwedeng makatulong. Buhat bangko man pero proud akong sabihing talented lahat ng employees dito.


Matt was shocked and conscious the same as I was nang makita namin ang clients namin pero naging excited siya noong naexplain na nila kung anong gusto nilang mangyari. He immediately took down notes and inhaled every detail he needs to know—including the fact that I'm having trouble. Kinalimutan niya ako. Art freak.


Nakailang hingang malalim ako nang makarating ako sa lounge area. Mindful akong dahan-dahang lumapit sa kanila. Ngumiti agad sa 'kin ang babaeng kasama niya at tinanong ako kung maasahan ako sa project na prinopropose nila. To be honest, excited din ako pero mas nangibabaw ang kaba ko.


"Gab." Tumayo siya sa sofa at lumapit sa 'kin. Inoffer ko ang kamay ko for another handshake pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Enough with the formality. Kumusta?"


Ngumiti ako at dahan-dahang gumawa ng distansya, "I'm good. Thank you for trusting us this project."


"How can I not trust you? I've seen you work."


Ngumiti ulit ako—the sincerest of all smiles I did today. But as if on cue, tumunog ang phone ng kasama niya kaya nag-excuse siya at naiwan kaming dalawa dito. Umupo ako sa sofa na katapat niya pero nagulat ako nang in-occupy niya ang upuan na malapit sa 'kin.

Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon