Chapter 8 | Rambutan
Lampas isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mag-stay ako sa apartment ni Dominique. Ayos naman kahit halos hapunan na kami nagkikita dahil sa trabaho. Inihahatid niya ako sa Art Stuff kapag maluwag ang schedule niya sa firm o kaya naman susunduin ko siya kapag mas maaga ang out ko sa kanya. We usually eat outside. Wala masyadong gamit sa apartment ni Dominique kaya hindi rin ako makakapagluto.
Marcus will tag along sometimes. Pakiramdam ko binabawasan ko ang oras nila sa isa't isa simula nang mag-stay ako sa apartment pero noong nagbusy-busihan ko 'yun, sila na rin ang nag-insist.
"We'll practically be spending our time everyday sooner. We. Need. To. Catch. Up." She always reminded me kaya nilubos-lubos ko na. Okay lang din naman kay Marcus. But he did tease me that he lost the privilege to sleep with Dominique.
I did miss my best friend. Awkward dahil naging obligasyon na ang pagtawag ko sa kanya ng bebs at aasarin niya ako tuwing Dominique o Dom ang itatawag ko sa kanya. Nakakailang kasi. Pero ayun nga, siya pa rin masusunod—though it's really an excuse since I want to be comfortable with her again.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari dati, hindi lahat pero sinabi ko ang mga dapat niyang malaman. Natakot ako nang simulan ko, nang dahan-dahanin kong mag-open up sa kanya. Akala ko iiyak ako dahil matagal na rin mula nang mangyari ang lahat. But instead, she cried on my behalf. It was good and bad at the same time knowing that she got mad and sad. Naintindihan niya kasi. Still, nagtatampo siya dahil sa nagawa ko pero naiintindihan niya rin. Sasabihin niyang okay lang, magiging okay lang ang lahat at nandyan lang siya para sa 'kin. Yes, thankful ako dahil kahit papaano, okay na. But...
Still, I didn't cry. I was expecting to but I didn't and it felt weird.
Akala ko magiging stable na ang lahat since I'm working out with my best friend at medyo okay na rin kami tuwing mag-uusap kami about the upcoming wedding pero may binalita sa 'kin si Dominique noong isang araw. Katatawag ko lang kay Papa para alamin kung kailan ang sunod na flight ni Mama at mas namroblema lang ako.
"Hindi naman kasi problema 'yang pinoproblema mo, e," sabi ni Dominique pagkababa ko telepono. Kumakain kami ngayon ng umagahan at mukhang may free ride na naman ako ngayong umaga. "When was the last time you talked to Tita?" I shrugged. Hindi ko na kasi talaga maaalala. "Naging close na kayo ni Tita at naging matagal bago kayo nagkaroon ng actual bonding. At alam kong alam mong iba ang iniisip ni Tita d'yan sa mga what ifs mo. You and tita are better than that."
"It's just that... it doesn't feel right being okay with her after what happe—"
"Then say sorry!"
"I did." Napasimangot ako. Hindi ko lang alam kung bakit ganito pa rin. "Let's just not talk about this. I'll make this work. Wag lang ngayon."
"E anong plano mo?"
Last month na ngayon ng renta sa apartment ni Dominique. Matagal ng plano 'to at kay na Marcus na siya mag-stay. Maghahanap na sila ng mas suitable place para sa kanilang dalawa. At para sa sabit na tulad ko, nakakahiyang sumama ako kay Dominique para makitira kay ng Marcus. Alam kong mago-offer si Marcus dahil best friend ako ng fiancée niya—but let's be real, we all know that he doesn't want me to be there.
BINABASA MO ANG
Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever After
Teen FictionAlexa Delos Reyes lost the 'happily ever after' she naively thought she would share with Lance Zamora forever. Years after their breakup, the ex-boyfriend returns, ready to risk it all for Alexa who isn't sure she's willing to do the same again for...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte