Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 13 | He Was, Wasn't

153K 5.3K 3.1K
                                    


Chapter 13 | He Was, Wasn't



I don't even know what I'm thinking. Alam kong dapat tanungin ko muna si Blu dito pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko—ah no, I can really stop myself pero ayoko namang magpapigil. After waking up this morning, I knew already that there's something off and it won't go away kahit palipasin ko ang araw. At hindi nga nawala.


Tinitigan ko ang ref dito sa convenient store. Ang dami ko ng dala pero pakiramdam ko talaga hindi gagana ang utak ko kung hindi ako bibili nito. Kung bibili ako, ilan? Naalala ko bigla yung sinabi ni Matt sa 'kin noong sinabi ko sa kanya ang balak ko gawin. "It's not even Friday!"


And I don't even give a damn.


"Uy!" Napatigil ako sa pagpili ng bibilhin ko nang biglang may tumapik sa balikat ko.


"May rambutan ka ulit?"


Obviously, hindi na ako marunong mag-hello sa kanya. Napatingin ako sa suot ni Jun. Nakaschool uniform siya ngayon. Napatunayan nga niyang mas bata siya sa 'kin. Napatingin siya sa tinitingnan ko.


"Mag-iinom ka?"


"Obvious ba?" Kumuha ako ng ilang lata. Marami pa akong dala at hindi magaan 'to. Pero ayoko namang bawasan.


"Inom tayo?" bigla niyang kinuha yung isa sa mga hawak ko.


"Not even today, Jun. Hindi talaga umeepekto 'yang mga galawan mong 'yan." Besides, I prefer drinking alone.


Bigla siyang sumimangot. "Alam mo nasasaktan na ako sa 'yo."


Kinuha ko pabalik yung beer na kinuha niya. "At least nare-realize mo nang seryoso ako."


"Joke lang naman daw kasi." Kinuha niya yung mga lata na hawak ko. "Sa'n ba kasi napunta sense of humor mo?"


Pumunta na si Jun dala-dala ang mga lata ng beer na bibilhin ko. Napatingin ako ulit sa ref tapos sa mga junk foods na nasa likod ko. Pwede namang magdagdag pa ako ng isa, 'di ba? Isa lang naman. Sumunod na'ko kay Jun at tinapik sa kanya ang isa pang lata.


"Isa lang," sabi ko na ikina-ngiti niya.


Bahala na.


Dumiretso kami sa apartment. Pasalamat na nga lang talaga at napansin ako ni Jun sa convenient store. Kung hindi ay hindi ko alam kung pa'no bibitbitin ang mga gamit ko. Minsan talaga hindi ko malaman kung anong trip ko.


As usual, walang tao sa apartment nang dumating kami. Nagpalit agad ako nang damit at sinuot ang apron ko para makapagsimula na. Si Jun? Matanda na 'yon. Bahala na siya kung paano niya ie-entertain ang sarili niya.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay KM, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni KM
@iamKitin
Alexa Delos Reyes lost the 'happily ever after' she naively thought s...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 47 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @iamKitin.
Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon