"Minsan mahal ka niya, minsan assuming ka lang," sabi sa akin ni Neil, habang share kaming kumakain kami ng isang tub ng rocky road na ice cream habang nakaupo kami sa kama sa kwarto ko. "Ganun ba ang thinking mo Ahrianne?" tanong niya sa akin.
Tumango lang ako habang sumubo ako ng isang kutsara ng ice cream at medyo pinag stay ko sa bibig ko iyon habang nag-iisip. Assuming nga lang siguro talaga ako.
Madilim na sa paligid, alas dyes na kasi ng gabi, nandito lang si bebe dahil nakikikain siya ng ice cream sa akin. Tinext ko kasi siya na bumili si mama ng ice cream, tapos mabilis pa sa alas kwatro nasa tapat na ng bahay namin.
"Pero alam mo bebe, iba yung naramdaman ko noong magkasama kami sa beach," sabi ko sa kanya.
"Ano naramdaman mo?" tanong niya.
"Na parang mahal namin ang isa't isa," sabi ko.
"Gaya nga ng nangyari dati, ramdam mong mahal ka niya, pero biglang hindi na siya nagparamdam," sabi ni Neil.
"Bakit nga ba hindi na siya nagparamdam sa akin after ng sembreak?" tanong ko kay Neil.
"Malay ko, hindi naman kasi kami nag-aabot ng shift sa McDonald's eh kaya hindi ko siya nakakausap, panggabi kasi siya eh, tapos pang umaga ako," sabi niya.
"Ah ganun, ba? So panggabi siya ngayon?" tanong ko uli kay Neil.
"Oo," tumango siya.
Kukuha na uli ako sa ice cream ng napagtanto ko na naubos na, "Neil grabe ka! Bebe nililibang mo ako inubos mo na lahat! Nakakatatlong subo palang ako!" sabi ko sa kanya.
"Ang bagal mo kasi kumuha eh," sabi niya.
"Grabe ka! Alam ko makikishare ka lang sa ice cream na binili ng nanay ko para sa akin eh tapos ang ending ako ang naki-share?! Ilibre mo ako ngayon ng McFlurry sa McDo!" sabi ko at natahimik kami parehas at nagkatitigan.
"Ayan tayo eh," sabi ni Neil, "gusto mo lang pumunta sa Mcdo para silayan si Nathaniel eh," dagdag pa niya.
"Punta na tayo bebe," sige na. Niyakap ko siya sa braso. "bebe sige na, Mcdo na tayo."
"Saan tayo dadaan? Asa ka namang palabasin ka pa ng nanay mo ng ganitong oras?"
"Ano ka ba graduate na nga ako, papayagan ako niyan." So lumabas kami ng kwarto at nakapambahay lang ako saka tsinelas, tapos naka-ponytail pa ang buhok mo na iisipin mo eh maglalaba ako. Tapos si Neil naman naka jogging pants na pantulog saka white T-shirt at cream na hoodie.
Paglabas namin ng kwarto ay sala agad ang nadatnan namin at nandoon si mama nanonood ng TV. "Oh saan kayo pupuntang dalawa? Kala ko dito matutulog si Neil?" tanong ni mama sa akin.
"Kukuha lang kami ng gamit sa bahay niya, bibisita na rin ako kila tita," sabi ni ko ay mama.
"Ah ganoon ba? Bumalik rin kayo dito bago mag alas dose sasarado ko na ang pinto," sabi ni mama.
Kumiss na ako kay mama sa cheeks, tapos umalis na kami ni Neil. Paglabas ng pinto biglang nagsalita si Neil. "Graduate na pala ah? Kailan pa naging McDo ang bahay ko?" tanong sa akin ni Neil.
"Alam naman nating lahat na hindi naman talaga ako papayagan ni mama," sabi ko sa kanya.
"Pumunta muna tayo sa bahay ko, kukunin ko yung isang helmet baka mahuli kasi tayo ng pulis."
Pumunta muna kami sa bahay ni Neil, para kuhanin yung isang helmet ko na binili ni Neil para sa akin. "Bakit mo nga pala ako binili ng helmet?" tanong ko kay Neil habang nakasakay kami sa motor at nagda-drive siya papunta sa Mcdo.
BINABASA MO ANG
Clarity
RomanceMay mga bagay na sadyang hindi mabigyang linaw. May mga bagay rin na sadyang malinaw naman pero ayaw mo lang tanggapin kaya mukhang malabo. Pero may mga bagay na sadyang nakakalito at sobrang labo. Gaya ng sitwasyon naming dalawa. Sitwasyon na walan...