“Sabi na nga ba friends na tayo sa FB eh, kaya pala pamilyar ka sa akin. :)” kauna-unahang chat namin ni Niel. Medyo kinilig pa ako dahil crush na crush ko siya at literal na napagulong ako sa kama ko at bigla kong hinablot ang phone koa at tinawagan ko si Bebe Neil!
“Kyaaaa bebe nag chat siya sa akin!” sigaw ko tapos ini-end call ko agad.
Nagreply ako agad sa message niya sa akin sa FB. “Ah oo nga ano?” pero sa totoo ako talaga nag-add sa kanya crush na crush ko kasi siya. Isa siyang working student, crew siya sa McDo at the same time nag-aaral siya, kaso hindi ko alam ang course. Natahaniel Almacen ang pangalan niya, sa sobrang gwapo niya ay ang daming nagpapa-picture sa kanya sa McDo.
“Kaibigan ka ni Neil diba? Ako pala si Niel.” Sabi niya uli sa akin. Magkawork kasi sila ni bebe Neil, sa McDo rin si Neil, working student rin.
“Oo, paano mo ako nakilala,” tanong ko sa kanya.
“Napansin lang kita ang dami mo kasing dalang bags kanina noong nakatambay ka sa McDo, hinihintay mo ata si Neil,” sabi niya. Nasa McDo kasi ako kanina, hinihintay ko nga si Neil, galing kasi akong manila, sabay ako uuwi sa kanya, may car kasi siya. Mahal kasi pamasahe papunta sa amin 50 pesos, lalo na at may bagahe pa ako, eh pag kay Neil ako sumabay sampung piso lang. Nagkuripot nanaman ako.
“Ah ganun ba, well atleast kahit tambay ako ang dami kong ini-order, kaysa naman yung iba doon nakiki-wifi lang,” sabi ko.
“Sabagay may punto ka doon. Kayo ba ni Neil,” medyo nagulat ako sa tanong niya. Ang weird lang na napagkamalan kaming magjowa ni Neil. Tapos si super crush pa nagsabi, FAIL!
“Huh? Hindi ah,” sagot ko.
“Bakit bebe tawag mo sa kanya?” tanong niya uli.
“Wala tawag ko lang talaga sa kanya talaga yun, pero walang meaning yun.” Sagot ko, super tanggi ako, hindi naman kasi talaga totoo.
“Ah akala ko kasi kayo na eh, taga-saan ka pala?” tanong niya uli.
“Sa Bagong Silang, sa Bliss” lugar iyon sa balanga na medyo parte na ng bundok, doon kami nakatira ni Neil. Hindi kami magkalapit bahay dahil medyo sa bungad lang ako, siya sa dulo pa.
“Ah ganun ba, medyo malayo pala, aayain pa naman sana kita gumala,” sabi niya. Noong nabasa ko iyon ay kinilig ako nang bonggang bongga!
“Gala? Saan naman?” tanong ko uli sa kanya.
“Mall sana, sabay sa Beanery, pwede ka ba?” may mall sa Bataan kaso hindi kagaya ng mga mall na ginagalaan ko sa Makati. Fifteen minutes lang ata eh maiikot mo na yung mall. Pero ang maganda magselfie sa labas ng mall, dahil plaza ang labas noon tapos ginawa nilang parang old age na Italian style ang mga building, tapos, may kemeng interactive fountain pa na pwede kang makipagbasaan. Medyo pinagbawal na nga lang iyon, dahil yung iba ginagawa ng outing-an yung fountain, nagdadala pa ng bath towel, kulang nalang eh sabon at shampoo.
“Pwede naman, ngayon na ba?” tanong ko uli sa kanya.
“Oo,” sagot niya.
“Sige, saan tayo magkita?” medyo kinikilig talaga ako. Ayain ka ba ni super crush gumala.
“Sa beanery na muna tayo, medyo nagugutom na ako eh,” yung beanery isa yung coffee shop na may mga lafang galore din na pagkain. Medyo mahal nga lang doon.”
Dali-dali akong tumayo at nagbihis, buti nalang at katatapos ko lang maligo.
Nagsuot ng asul na blouse, na medyo loose saka pink shorts na medyo above the knee pero hindi pokpok ang dating, sabay slippers na pink. Nagdala rin ako ng maliit na sling bag na pang echos lang.
BINABASA MO ANG
Clarity
RomanceMay mga bagay na sadyang hindi mabigyang linaw. May mga bagay rin na sadyang malinaw naman pero ayaw mo lang tanggapin kaya mukhang malabo. Pero may mga bagay na sadyang nakakalito at sobrang labo. Gaya ng sitwasyon naming dalawa. Sitwasyon na walan...