Narito kami ni Neil sa hotel room na pang dalawahan. Mag-isa sa kabilang hotel si Niel, ayaw ko rin kasi siyang kasama.
Nakaupo kami ni Neil sa mga kama namin at magkaharap. Nagkatitigan kaming dalawa, "Huwag ka na ngang malungkot, malay mo sumunod dito si Blake para suyuin ka,” sabi ni Neil. Natawa naman ako at nakisakay sa trip niya. ito ang madalas naming gawin dati, “Oo nga ano Neil tapos dala niya nanaman yung oh so hot niyng red car tapos hahatakin niya ako at isasakay niya ako doon tapos sasabihin niya ‘don’t leave me baby I need you’ sabay may pag titig pa siya sa akin gamit ang hazel eyes niya na nakakamesmerized, kyaaa kinikilig ako,” sabi ko.
“Baliw ka talaga Ahrianne,” sabi niya.
“Pagbigyan mo na ako, Neil,” sagot ko sa kanya.
“Oo na magpakabaliw ka na diyan,” sabi niya sabay bumaba siya ng kama, “Pupunta muna ako sa labas, mamayang alas dyes aalis na tayo, alas otso pa lang naman kaya magready ka na,” sabi niya.
Iniwan akong mag-isa ni Neil.
Nakaka-depress pero wala akong magawa. Kaya siguro willing siyang magbackout sa lakad nila dahil hindi pa naman kasama ang girlfriend niya, siguro gusto niya na sabay na silang pupunta. Gagawin niya lang akong pampalipas oras hangga’t hinihintay niya ang girlfriend niya. Siguro ganoon lang din ang ginawa niya sa akin noong sembreak. Nakakainis talaga siya.
Sa sobrang inis ko ay naibato ko yung unan sa may pinto, sakto naman may biglang kumatok, “Neil? Ahrianne?” Si Niel kumakatok. Hindi ko ba alam kung bubuksan ko ang pinto o huwag nalang, pero ang ending pa rin ay binuksan ko.
“Wala si Neil dito,” sabi ko sa kanya pagbukas ko ng pinto, at tinulak niya ako papasok ng kwarto at niyakap niya ako. Medyo hindi ako makahinga, hindi dahil sa mahigpit ang magkakakayakap niya kung hindi dahil nagpapanic ako dahil masyadong mabilis ang pangyayari.
“Niel, hindi ako makahinga,” sabi ko with a struggling voice. Binitawan niya naman ako agad.
“Pasensya na alam mo namang mahilig ako mangyakap,” sabi niya habang nakangisi. Mahilig kang mangyaka, mahilig kang magpa-fall in love, mahilig kang magpa-kilig at mahilig kang manggulo ng isip ng in love sa iyo. Pa move on na ako tapos heto nanaman siya! “Ayos ka na ba?”
“Oo, ayos na ako,” sabi ko sa kanya.
“Sure ka ayos ka na? Nakagetover ka na sa imaginary break up niyo ng imaginary boyfriend mo?” tanong niya sa akin.
“Imaginary?” medyo bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Alam niya? Bakit alam niya?!
“Wag na nga tayong maglokohan Ahrianne, oo alam ko ang tungkol kay Blake. Saka bakit ba tinatago mo pa sa akin ang totoo? Bakit ka ba kasi malungkot Ahrianne?” tanong ko sa kanya.
Na-caught off guard na ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa kanya.
“Dahil kanino ba Ahrianne? Please for once maging totoo ka naman sa akin. Kaibigan mo ako tapos ganyan ang trato mo sa akin,”
Kaibigan… ayun ang problema ko, kaibigan lang kita. Mahal kita pero hanggang friends lang tayo, mahal kita pero hanggang mahal lang kita dahil hindi pwedeng mahal mo rin ako. Hindi pwedeng maging tayo, hindi pwede dahil may girlfriend ka. Hindi pwede dahil malamang ayaw mo naman talaga sa akin.
“Dahil kay Neil,” sabi ko sa kanya.
“Kay Neil?” tanong niya sa akin.
“Oo, mahal ko si Neil, nalaman ko na may girlfriend na pala siya, ang ginawa ko kunwari may kausap ako sa phone tapos nakipagbreak siya sa akin. Naiyak nalang ako dahil ang sakit na malaman kong may girlfriend siya dahil mahal na mahal ko talaga siya. Ang ginawa ko nalang na pandahilan ay si Blake.” Josme pati si Neil naidamay ko pa sa mga kabaliwan ko.
BINABASA MO ANG
Clarity
RomanceMay mga bagay na sadyang hindi mabigyang linaw. May mga bagay rin na sadyang malinaw naman pero ayaw mo lang tanggapin kaya mukhang malabo. Pero may mga bagay na sadyang nakakalito at sobrang labo. Gaya ng sitwasyon naming dalawa. Sitwasyon na walan...