Chapter 3

25 3 0
                                    

---

"Seven-thirty a.m. Seven-thirty a.m. Seven-thirty a.m. Seven thi--"

Pinatay ko na ang alarm clock kong maingay. Required po kasi na may ganito kaingay na alarm clock. Yeah, that is. Required. Bawat tao rito sa Minovmatt ay required magkaroon ng ganitong alarm, para raw standardized lahat.

Tumunog bigla ang phone ko with my wangwang ringtone.

Miss Liza calling...

Tumakbo ako sa table na katabi ng couch ko. Grabe pala ang pagod ko kahapon. Kinuha ko na agad ang phone ko para sagutin ang tawag.

"Ellaine, look at the time."

Tiningnan ko ang wrist watch ko na hindi ko pa rin natatanggal.

"7:32 am na po."

"And yes, late ka." Nagulat ako nang sabihin ni Miss Liza iyon. Late? Nine-thirty nga ang pasok tapos late?

"PO?"

"Yes. Supervisors must come in the meeting room at 7:45 am."

"Supervisor? Ay, oo nga po pala. Sige po. Papunta na po ako."

Agad akong tumakbo para mag-prepare. Baka mapatalsik pa ako sa pagiging supervisor. Anyway, gusto ko naman maging agent at hindi supervisor. Sige, I have to go na.

---

Ha. Grabe, nakakahingal ang pagtakbo. Syempre nakakapagod yun. Kailangan ko na makapunta sa meeting room kasi male-late na a-.

"They need you in the meeting room." Napalingon ako at napatingin sa paligid ng hall na dinadaanan ko. Si Mr. Wilson pala. Ako ba kausap n'ya? Malamang kasi sa akin siya nakatingin.

"Mauna na po ako, Mr. Wilson." Yun lang ang nasabi ko kasi nakakahiya. Baka may gagawin pa s'ya, eh.

"Don't call me Mr. Wilson. Call me by my name." Eh, ano ba ang name n'ya? Paul? Phillip? Help me po, please. "Call me Paolo."

Sus, sasabihin n'ya rin naman pala eh. Pinaghirapan pa ako mag-isip. Hay, late na ako. Super.

"Una na po ako," ang sabi ko at naglakad na ako palayo. Hm, malamang nakatingin na naman si Mr. Wil-- I mean, Paolo.

Kailangan ko na yata itong takbuhin. Ay, hindi na pala kailangan kasi nasa harap na ako ng pinto. Yan ang epekto ng gulay.

I knocked at the door softly. Parang ito lang yata ang pintong kahoy dito sa Minovmatt. All in a sudden, the door dissolved at nakita ko ang isang mahabang table na may nakaupo na anim na tao, bukod pa sina Miss Liza, Miss Nina, at Mr. Wilson. Wait, WHAT? MR. WILSON?

Kanina lang ay nandito s'ya sa hall pero...hmph. Yamo na yun. Baka dahil lang yun sa 'tricky' technology ng Minovmatt.

"Oh, you're there, Ellaine." Ngumiti naman si Mr. Wilson, este Paolo pagkasabi n'ya nun. At isa pa, parang wala lang sa kanya na nagkita kami kanina, ah! Eh, ang weird na tawagin s'yang Paolo. Basta, ang weird.

"So you are the...the Central Team supervisor? You should have skills like us," ang sabi ng isang babae na kulot ang buhok. Aba, mayabang pa.

"Come, on, Georgina! We're here to help her, not to rant on her," ang sabi ng isang babaeng nakasalamin at ngumiti sa akin.

"Right. That's enough." Napalingon ako sa likuran ko which is ang nadi-dissolve na wooden door dahil bumalik na ito sa pagiging solid. Then I realized na si Mr. Wilso— Paolo ang nagsalita.

Tumingin ako kina Miss Liza at Miss Nina pero hindi sila nagsalita. Instead, they sat away from us, the supervisors.

"Well, you have to know us first," ang sabi ng lalaking medyo kalbo. No offense, makinis ang ulo n'ya. "I am Roger, Hydro Supervisor." Then he lend his hand. Shake hands?

Nakipagkamay na ako dahil baka magalit pa s'ya. Mukhang masungit pa naman. Pero hindi, ngumiti s'ya sa akin, ha.

"Einst Supervisor," at nakita ko ang isang lalaking medyo magulo ang buhok na may round glasses. "Albert Carreon, not Albert Einstein."

Linibot ko ang paningin ko at nakita ko ulit ang babaeng may salamin na nagsabi dun sa Georgina na, 'we're here to help her, not to rant on her.' I am one hundred point one percent sure na mabait s'ya.

"I am Bea, from Bio Team," ang sabi nung babae na may salamin na maigsi ang buhok na mabait. Of course, I didn't think twice to shake hands with her. She is way too kind!

Nakita ko namang sunod ang isang babaeng may touch of blue ang sobrang haba niyang buhok. Nakatingin s'ya sa ballpen na lumulutang — WHAT? Lumulutang yung ballpen! Oh, my gulay!

"Before you get amazed of me," ang pagsalita ng babaeng yun at nalaglag ang ballpen nang alisin n'ya ang tingin n'ya doon, "I am Strata, Atmos Supervisor."

Matapos nun ay bigla s'yang lumutang sa ere. Wow lang.

"Andrewmeda, I am. Constell Team Supervisor, nice meeting you," ang sabi n'ya at biglang nag-alok ng shaking of hands. "But my name is not spelled as in Andromeda, the Galaxy though it's my favorite. It's A-N-D-R-E-W-M-E-D-A. Andrew for short, Drew for shorter."

Tumingin ako doon sa Georgina para i-approach ako. At naghintay. Naghintay. Hmph, paasa. Akala ko magsasalita s'ya.

"Eh." Ang mahina kong sabi ay naging rason para tumingin s'ya sa akin.

"Don't mind me." Dahil doon ay hindi ko na lang s'ya pinansin. Kung ayaw n'ya, walang pumipilit sa kanya.

Tumingin ako kay Bea at Albert. Sila kasi ang katabi ni Georgina.

"She's Georgina, Geo Supervisor," ang sabi ni Albert.

"I said, don't mind me!" ang pasigaw na sabi ni Georgina. Aish, ang sungit nga.

"She needs to know you," ang sabi ni Bea.

"But I said don't mind me!"

Biglang tumahimik ang paligid nang sumigaw si Georgina. Grabe, parang sumakit ang sentido ko kaya napahawak ako sa sentido ko. Gayon din si Albert. Maliban sa aming dalawa ay wala na.

"Georgina," ang sabi ni Roger sa isang malalim na boses. "I don't like your attitude."

Biglang tumahimik lalo at parang wala rin akong naririnig na paghinga. Then I knew na pigil ang paghinga ko. It was really awkward.

"Fine. Sorry," ang sabi ni Georgina sabay pangalambaba.

Weird. Real weird to hear a sorry from her.

"If we are all right now," ang sabi ni Andrewmeda, "let's start helping Ellaine for her first day of being a Supervisor of the Central Team."

If minds work together like Cerebrum and Cerebellum, so do we.

---

Mind Over MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon