Chapter 6

18 3 0
                                    

---

"Kaya mo 'yan, Ellaine. Just believe in yourself."

"Go, Ellaine!"

"You can do that."

"Keep thinking."

"Think it. Think about it."

Grabe itong maka-encourage sa akin. Oo nga pala, pina-practice na namin ang Central Telekinesis ko.

"Ellaine, you can do that," ang sabi ni Bea habang inaalog ako. Talaga naman itong si Bea, grabe.

Nagfocus ulit ako sa pebble na pinapagalaw nila gamit ang utak ko. Ano kaya kung ipanggalaw ko na lang ang noo ko? Mas madali, 'di ba?

"Kaya mo 'yan!" ang sigaw ni Roger habang nagtatatalon. Dumadagungdong na nga.

Tinigil ko ang pagtingin sa pebble na pinagagalaw nila just to look at all of them.

"Pwede po ba ako mag-concentrate?" ang tanong ko. Well, may pagka-sarcastic din naman ako.

"Pwede naman," ang sagot ni Andrewmeda.

Tss. Ang kulit naman pala nireng si Andrewmeda.

"Ha, ha, ha," ang sabi ni Strata at siniko niya ng bahagya si Andrewmeda.

"A-aray naman."

Umiling na lang ako. Wala akong patutunguhan kung mainit ang ulo ko. Shake them off, shake...off.

Kaya kong pagalawin ang pebble na ito.

Sinabi ko 'yun ng paulit-ulit sa isip ko. Kaya ko, kaya ko, kaya—

Biglang gumulong palayo sa center ng table ang pebble.

Stop.

Bigla ko na lang naisip 'yun at nagulat ako nang tumigil bigla ang pebble sa paggulong.

"Whoa," ang narinig kong sabi ni Albert at kahit hindi ako lumingon, alam kong siya 'yun.

"Congratulations, Ellaine!" ang sigaw ni Bea at inalog-alog niya ulit ako.

Napapikit at napahawak ako sa noo ko dahil nahihilo na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Dalawa lang ang pwede, paggamit ng Telekinesis o dahil sa pag-alog ni Bea sa akin.


"Okay ka lang, Ellaine?" ang tanong ni Albert habang nakatingin sa akin.

Napatigil naman bigla si Bea sa pag-alok at pag-congratulate sa akin.

"Ayos lang ako," ang pagsisinungaling ko. Ayoko naman kasing ma-cancel ang training. "Ah," tapos napahawak ulit ako sa noo ko dahil sumakit lalo ang ulo ko. Please naman, wala nang Mind Scanning!

"You're lying, Ellaine," ang sagot ni Albert at tumingin siya nang mas maayos sa akin. "You need to go to the clinic."

"Ayos nga lang ako," ang sabi ko at tinanggal ko na agad ang kamay ko sa noo ko para hindi na nila sabihin na ganun.

Walang makakabasa sa utak ko. Wala, yabang lang 'yun!

"Ellaine, ang kulit," ang sabi ni Albert habang nakatingin sina Bea sa aming dalawa.

"Ayos nga lang ako. Ikaw diyan ang makulit."

"Ang mga Savants na gumamit ng Telekinesis for the first time ay kailangang ipadala sa clinic," ang pagpaliwanag n'ya.

Mind Over MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon