Chapter 7

18 4 0
                                    

---

"Besty, dito tayo umupo, ha?"

Itinuro ni Bea ang table na may apat na upuan dito sa Pantry. Kung ang iniisip ninyo ay mga pantry na puro lutuan lang, super mali. Parang canteen plus kitchen. As in lahat ng tao rito sa Minovmatt ay nagkakasya rito. Wow?

"Sige. Ako na ang bahala rito...besty?" Sa totoo lang talaga ay medyo nahihiya pa akong tawagin si Bea na Besty. Tapos napagisip-isip ko, bakit naman ako mahihiya? Besty ko na siya, hindi ba?

"Ayan! Oh, sige, bibili lang ako ng pagkain natin, ha?" ang sabi ni Bea at tumango na lang ako. Matapos noon ay lumapit siya sa akin para bumulong. "Huwag kang papayag na umupo sila Drew, ha? Si Strata, okay lang. Susunod daw siya sa atin dito."

Matapos sabihin ni Bea 'yun ay nagmadali siya na bumili ng pagkain. Linibot ko naman ang paningin ko sa buong Pantry at pinilit kong maabot ng tanaw ko ng dulo. Okay naman siguro si Georgina, ano? Baka naman doon lang sa Clinic kumakain si Georgina. Kawawa naman.

"Oiyo!"

Nagulat ako nang narinig ko 'yun. Ano raw? Toyo? Lumingon ako sa likod ko at si Albert iyon, kasama si best friend Andrewmeda niya.

"Upo kami rito?" ang tanong ni Andrewmeda.

"Nah," ang matipid kong sagot sabay nguti.

"Yah?" ang tanong ni Albert.

"Hindi nga. The seats are saved na po," ang sagot ko.

Tumango si Albert at Andrewmeda ng sabay na sabay. Matapos noon ay tumalikod sila ng sabay at tumingin ulit dito.

"Who are you seating with?" ang tanong ni Albert.

"Well...ano...kami nila Bea, Strata, at-"

"Don't tell me Georgina is included," ang sabi ni Andrewmeda na parang gulat na gulat, though I really know that it was his way of being sarcastic.

"You didn't let me finish," ang sabi ko. "Bea, Strata, and me."

Nang masabi ko na iyon ay hindi ko na sila pinansin.

"What about the vacant seat?" ang tanong ni Andrewmeda.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. Pati naman 'yung isang vacant na upuan, pinansin pa nila.

"Wala. Vacant ang tawag doon," ang sabi ko tapos tumungo na lang. Ang kukulit, parang batang...ewan ko nga ba.

"Okay po," ang sagot ni Albert at Andrewmeda.

Napangiti ako nang makalayo-layo na sila.

"Besty, what's the smile?"

Napatingin ako sa paligid ko dahil narinig ko si Bea at siya nga iyon.

"Nandito ka na pala," ang sabi ko sabay ngiti.

"Nah, what's the smile for?"

"Dahil naka-alis na sila Albert at Andrewmeda," ang sabi ko sabay iling.

"Nandito sila kanina?"

"Yup. At tinanong nila kung may kasama ako. Sabi ko, tayong tatlo nila Strata."

"Good thing, hindi nila napansin ang vacant seat, eh?" ang sabi ni Bea habang umuupo.

"Ayun nga," ang sabi ko na parang nalugi. "Pinansin pa nila 'yung vacant seat."

"Ansabi mo?"

"Sabi ko, vacant ang tawag doon," ang mabilis kong sagot.

"Good, very good. That'll shoo them."

Mind Over MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon