Prologue
Ako 'yung tipo ng taong walang pakialam sa nangyayari sa paligid ko o kahit pa man sa nangyayari sa mundo.
Ako daw ay isang napakasungit na babae na wala na daw ibang ginawa kundi ang magtaray at magtaas ng kilay. Pala-away din daw ako.
Lagi akong palipat-lipat ng school. Dahil sa pagiging warfreak ko.
Sabi pa ng iba, baka dahil daw sa pagiging masungit ko kaya hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend.
Tch! Wala naman akong pakialam kahit di ako magkaboyfriend ee.
"Di ko kelangan ng lalaki sa buhay ko. Itaga nyo yan sa bato!"
'Yan ang lagi kong sagot sa kanila.
Pero 'wag daw ako pakasiguro, baka daw may dumating sa buhay ko na magpapaibig sakin...
Pero... PWE!!!
Kaso napapaisip din ako.
Paano nga kaya kung may dumating talagang lalaki sa buhay ko?
Paano nga kaya kung dumating 'yung araw na mainlove ako?
Pero... Hmmm... Darating kaya 'yun?
Hayy... Di ko kelangang umasa sa mga bagay na yan.
Atsaka... Teka...
Bakit ko nga ba iniisip ang mga ganung bagay?
Pero babae parin ako,
At di ko maipagkakaila na kahit papaano e,
Umaasa rin akong may darating din na lalaki sa buhay ko,
na mamahalin at aalagaan ako.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling
Teen FictionHindi porket mataray at masungit ako. Di na ako pwedeng ma-fall. Di na akong pwedeng mainlove. Tao din ako, nakakaramdam. At marunong magmahal. Marunong nga ba?