"Anu ba naman Louise! Kelan ka ba magtitino?!" That's my dad. Psh! Matino naman ako. Sila lang naman 'yung hindi matino e. Pinasa pa sa'kin 'yung hindi nila pagiging matino. -_- nakakainis.
"Wala naman pong masama sa ginawa ko. Duhh~ self defense ko lang naman po 'yung pagsampal ko kay Leah e. Sya lang 'tong maarte. Tch!" Totoo naman e. 'Yung Leah pa nga ang nauna. Gumanti lang ako, or should I say pinagtanggol ko lang ang sarili ko laban sa kanya.
"That's it! 'Yan 'yung sinasabi ko. Iwasan mo ang makipag-away. Kung hindi ka pa magtitino, mapipilitan akong dalhin ka sa States. Whether you like it or not." Napaangat naman ang ulo ko sa sinabi ni dad. States?! No way! Ayoko pumunta dun.
"Fine!" 'Yan na lang ang naisagot ko. Tsk! States! States! Bwisit na states yan! Haisst!!!
"Simula sa monday papasok ka na ulit sa BAGO mong school. I'll transfer you AGAIN." Sabi ni Dad.
Tch! lagi naman akong nalilipat ng school. Sanay na ako dyan. Halos every month ata akong na i-ta-transfer e. Oh well, ganyan lang talaga siguro 'pag maganda ka. Kelangan kong ipakita sa lahat ang dyosa kong pagmumukha.
"Okay. Whatevah! Wala ka na po bang sasabihin daddy? Gusto ko na po kasing matulog." Pagkasabi ko nyan. Tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ko. Di ko na hinintay pa 'yung sagot niya. Para san pa? Di ko rin naman papakinggan e.
--
Pagkaakyat ko dito sa room ko, ay binagsak ko na ang katawan ko sa kama. Gosh! I hate this day. That Leah girl pasalamat siya at lilipat na ako ng school. Buset siya! Sinira niya ang araw ko. Dagdag mo pa 'yung napagalitan ako kay Dad, at napagbantaan pang dadalhin ako sa States! Haisst! Kelangan ko na talagang magtino. -_---MONDAY--
Nagising ako 6:00. Ugh! Monday pala ngayon. Papasok na naman pala ako sa NEW school ko.
Bumangon na ako sa kama at dumiretso na sa banyo para maligo. After 30 minutes siguro ay natapos na akong naligo. Inayos ko na ang sarili ko. Bago bumaba para magbreakfast.
Pagkababa ko, nadatnan ko si Dad at Mom na kumakain sa dining area.
"Good Morning darlin' " bati sakin ni mom.
"Morning" sagot ko naman. Tsaka na umupo at nagsimula ng kumain.
Habang kumakain ako. "Ano sa tingin mo 'yang suot mo?" Tanong sa'kin ni Dad.
"Damit? Sa tingin mo dad?" Balik kong tanong sa kanya. Aga-aga papagalitan na naman nya ako. Nakakainis na huh? Pasalamat siya at papasok ako ngayon.
"Where's your uniform?" Ay grabe. Ililipat pa nga lang niya ako diba? Uniform agad? Di ba pwedeng pumasok muna ako sa school na pinagtransferan niya sakin bago ko makuha 'yung uniform ko? Haisst! Kaloka.
"Oh. If I'm not mistaken DAD. Papasok ako ngayon sa BAGONG school. How come na mag-u-uniform agad ako? Remember transferee ako sa school kung saan mo man ako ipinasok." Sagot ko.
Di naman na siya sumagot at nagbasa na lang sa magazine na hawak-hawak niya. Tsk! Di na nasanay sa'kin.
After ko kumain nagpaaalam na ako kay Mom at kay Dad.
Lumabas na ako ng bahay namin at papunta na ako ngayon sa new school kuno."Manong saan po 'yung bago kong school?" Tanong ko kay Mang Lando. Personal driver ko siya.
"Ahh. Di po ba sinabi sa inyo ni sir?" Ay. Malamang manong sinabi na niya. Kasi di naman ako magtatanong kung alam ko na diba? Gusto kong sabihin sa kanya 'yan. Pero wala akong ganang magsungit. Lalo pa't iniisip ko na kelangan kong magtino para di ako makick papuntang States!
"Hindi." Sagot ko na lang.
"Sa Parkson Academy po." Parkson? Hmm... Saang school 'yun?
"Oh ma'am andito na po pala tayo." Sabi ni manong.
Pinagbuksan naman ako ni manong ng pinto ng kotse. At lumabas na rin ako.
So this is Parkson Academy? Natanong ko na lang sa sarili ko. Habang naglalakad na papasok ng campus. Malaki siyang school compare sa dati kong pinagtransferan. And mahahalata mo na puro high class ang mga students. Gaya ko. Pero may napansin lang ako.
AKO ANG PINAKAMAGANDA compare sa mga babaeng nakikita ko dito sa loob ng campus. Mukha silang mga palaka, 'yung iba naman mukhang mga clown. Ahahaha! Ako lang yata ang may matinong pagmumukha dito e. Ayos pala 'tong school na to e.
Dire-diretso akong pumunta sa office kung saan pwede kong makuha 'yung uniform ko, Pati na rin kung anong section ako, at 'yung schedules ko, pati na rin yung locker ko. Kasi nga magtitino na ako.-_-
After that dumiretso na ako sa section, oh section A pala ako. Star section. Nice. Maganda na nga ako matalino pa. Warfreak nga lang.
Nakasara na 'yung pinto ng makarating ako sa tapat ng section ko. Maybe I'm already late. Pero paki ko. Transferee here like duhh. Pumasok na ako ng diretso. Hindi uso sakin ang pagkatok! Tch! Masyado akong maganda para kumatok pa.
"Excuse me miss?" Sabi nung lalaking prof.
"Transferee" sagot ko naman. Pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga students. Siguro dahil sa bago ako, sa attitude ko or maybe dahil sa kagandahan ko. Tch! Mga inggeterang froglet.
"Oh, ikaw pala 'yung bagong student dito." Sabi nung prof. Tsk!
"Yeah! Pwede na ba akong umupo?" Tanong ko sa prof. Wala ba siyang balak paupuin ang isang dyosang katulad ko?
"Introduce yourself first." Sagot naman niya. Tsaka na umalis sa kinatatayuan niya. I take the floor at nagpakilala na.
"Louise Tan is the name." Pagpapakilala ko.
"That's all?" Nagtatakang tanong nung prof. Tch! Anong gusto niyang sabihin ko? Sabihin ko ang birthday ko? Favorites ko ganun? Tsk.
"Yah. Can I take my sit now?"
"Okay. Sit there miss Louise." Sabay turo sa upuan sa pinakalikod malapit sa may bintana. Habang naglalakad ako papunta sa may likod. Nakita ko 'yung paa ng isang babae na ihaharang niya sa daanan ko. Tch! Weak.
Tumigil ako sa tapat niya at pinagtaasan ko siya ng kilay. "Better Luck next time missy." Sabi ko at nilaktawan ko na 'yung paa niya. Bago ako makaalis narinig ko pa siyang bumulong ng BITCH.
Tch! Kabago-bago ko pa lang sa school na'to may friend na agad ako. So nice naman.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling
Teen FictionHindi porket mataray at masungit ako. Di na ako pwedeng ma-fall. Di na akong pwedeng mainlove. Tao din ako, nakakaramdam. At marunong magmahal. Marunong nga ba?