Louise's POV
"Gosh! Ngayon ko lang nalibot 'tong school mo. It's super laki." Manghang-mangha si Margau. Tss! Kung magcompare naman 'tong babaeng 'to parang hindi malaki 'yung school na pinanggalingan niya.
Naglilibot kasi kami nitong si Margau dito sa campus. Ako lang naman ang napagutusan para i-tour 'tong bitch kong pinsan.-_- bakit kasi di na lang siya sa kakambal niya nagpatour.
Habang naglilibot kami, may nakasalubong kaming mga unggoy. Yep unggoy-- si halaga, si krick, si allen, at si Nathan. And I guess papunta sila sa direction namin ni Margau. Bigla namang sumimangot si Margau ng makita ang mga paparating.
"Tch! Boys huh?" Aba! Taray talaga ng bitch na'to. Well, she hate boys. Especially her twin. Yep lalaki po 'yung kakambal niya. Pero di sila halatang magkakambal dahil na rin sa eyeglasses ni Labo. Mahilig kasi magbasa 'yung kambal niya. Bookworm e. Pero gwapo 'yun.
"They're my FRIENDS" habang nakatingin sa mga paparating. Oo, di kayo nagkakamali ng basa. Kaibigan ko na sila. Lagi ko lang naman kasi silang kasama papuntang cafeteria. And I think harmless naman sila. In fact, mabait talaga sila. Especially si Nathan. Childish but cute. Siya palagi ang nagbibigay ng corny jokes 'pag nagkakaron ng world war sa pagitan namin ni halaga.
Mawawala ba naman kasi 'yun? E Nakatadhana na ata kami para laging mag-away e. Kahit 'yung mga simpleng bagay lang na dapat hindi na dapat pinag-aawayan ay pag-aawayan pa namin. Pero sa huli magtatawanan na lang kami na parang mga baliw.
"Ms. Louise!!!" Si nathan 'yan. Ang Childish talaga ng lokong 'to kahit kelan. Pero cute, mas cute siya tingnan sa mga actions niyang ganun. Kaya nga medyo napalapit ako sa barkada nila dahil sa kanya.
Kung si nathan ganyan ang pagsalubong sa'kin ibahin mo si Allen, the playboy ever ng barkada nila. Minsan pa tinawag niya akong babe, e bigla na lang siyang binatukan ng ilang beses nung tatlo niyang mga kasama. Buti nga sa kanya.
"Woah! Ms. Louise sino 'tong napakagandan dilag na kasama mo?" Sabay baling niya ng tingin kay Margau. Uh-oh. Mr. Playboy mukhang mali ka ng binangga ngayon.
"Are you referring to me?" Sabat ni Margau. Uh-oh. Mukhang magkakaron ng world war 3 sa pagkakataong ito. Nakataas na ang kilay ng ever bitch kong pinsan. Ayaw nga kasi ni Margau sa lalaki. Lalo na sa playboy na katulad ni Allen.
"Woah! Chill Ms. Gorgeous, I know I'm handsome and you know already that you're gorgeous, so I think we're meant to be." Sabay kindat pa ni Allen kay Margau. Hala! Bahala na si Allen dyan. Lagot na siya kay Margau.
Kumunot ang noo ni Margau sa sinabi ni Allen, patay ka talaga sa kanya ngayon Allen. Sinipa ni Margau ang pinakaaalagan ni Allen tsaka niya ito sinuntok sa mukha. Uh-oh. I forgot to tell you guys, sadista po si Margau. Napa-aray naman sa sakit si Allen. Humagalpak naman sa tawa ang tatlo pa niyang kasama. Playboy kasi, 'yan tuloy nakatikim siya ng di niya inaasahan.
"Jerk!" Tsaka na nag-walkout si Margau. Sinundan naman namin siya ng tingin. Akala ko/namin tutuloy na siya sa pag-alis pero bigla siyang humarap samin at bumalik sa kinaroroonan namin, ng nakabusangot.
"Argh! Bitch samahan mo ako." Pag-aaya niya sa'kin. Pfft! Hahaha! Lakas ng loob magwalk-out di naman pala niya alam kung saan pupunta. Shunga lang?
"Okay let's go." Tumalikod na ako sa apat atsaka na sumama kay Margau. Saan naman kaya niya balak pumunta?
Lakad kami ng lakad hanggang sa mapadpad kami sa field ng school.
Na-upo kami sa isa sa mga bench dito at pinanuod lang 'yung mga students na naglalaro ng soccer.
BINABASA MO ANG
Catch Me, I'm Falling
Teen FictionHindi porket mataray at masungit ako. Di na ako pwedeng ma-fall. Di na akong pwedeng mainlove. Tao din ako, nakakaramdam. At marunong magmahal. Marunong nga ba?