CMIF 6: A day with a Gay

8 0 0
                                    

Louise's POV
" Lady Tan, may bisita po kayo." Huh? Bisita? Wala naman akong inaasahan a? Aalis nga dapat ako ngayon sa bahay kasi walang tao. Si Margau? Wala siya, ewan ko dun ang aga niyang lumabas ng bahay. Ni hindi na nga siya nagbreakfast. 'Yung kambal niya? Ewan ko din. Di pa ata lumalabas sa kwarto niya. Nagbabasa na naman siguro.

"Sino po Manang?"

"Worth Yu daw po ang pangalan." Halos mabilaukan naman ako sa sinabi ni manang(kumakain kasi ako). Si halaga andito? How? Ni hindi nga niya alam ang address namin.

"Ah. Ganun po ba? Sige po papasukin niyo na po siya." Ano naman kayang naisip ng lokong 'to at naisipan akong istorbohin? Naman!

"Yow. Ms. Tan." Aba! Ang kapal din ng mukha nito. Nagawa pang pumasok dito sa kusina. Feel at home lang ganern? Tinaasan ko nga siya ng kilay. Walangya to.

"Sungit." Bulong niya. Pero rinig ko naman. Tch!

"Next time, kung bubulong-bulong kayo siguraduhin niyong di maririnig ng ibang tao." Pagpaparinig ko sa kanya. Teka nga muna! Ano ba talaga kasing ginagawa ng taong to dito sa bahay ko?

"Teka nga! Hoy! Halaga. Ba't ka ba nandito sa bahay ko? Pano mo nalaman ang address ko? Kung meron mang nagbiay ng address ko sayo, sino?" Sunod-sunod kong tanong.

"Oy! Isa-isa lang naman. Unang una Ms. Tan, nandito ako para ayain kang magsimba, nang baka sakaling mabawasan naman 'yang katarayan mo. Pangalawa may nagbigay sa'kin ng address mo, pangatlo tinatanong mo kung sino? Syempre! SECRET!" At ABA! Walangya talaga tong lalaking to. May pa secret secret pang nalalaman. Pero anu daw? Aayain akong magsimba? Pwe! 'Tong lalaking to? Nagsisimba?

"Ikaw?! Nagsisimba?!" Shock na shock kong tanong. Mapagtripan nga 'tong isang to. *smirk*

"Oo naman Ms. Tan, anong akala mo sa'kin? Kagaya mo na maysa demonyo?" Napataas naman 'yung kilay ko dun. Ako? May pagka demonyo. E kung ilaglag ko na nga lang kaya talaga to sa impyerno ng mapanindigan na 'yung mga sinasabi niya. -_-

"E kung kaladkarin na lang kaya kita palabas dito sa bahay ko?"

"Ayos lang, ikaw din." Nakangisi pa ang loko. Argh! He never fails to annoy me. This guy! He's really getting into my nerves!

"Tsk! Buset ka. Makapagpalit na nga lang!" Sabay iniwan ko na siya dun sa kitchen at umakyat na sa kwarto. Narinig ko pa siyang sumigaw "ARTE-ARTE MO! SASAMA KA DIN NAMAN!" napairap na lang ako sa kawalan.

------

"Anong pinagdasal mo?" Really? Kelangan pa ba talaga niyang tanungin sa'kin kung anong ipinag-pray ko?

"Na sana mawala na 'yung SALOT sa buhay ko." Pinagdiinan ko talaga 'yung salot. Tch! Kairita siya e. Pero ewan ko ba. Kahit nakakairita siya. Sumama pa rin ako sa kanyang magsimba. Hayy. Nakaka-ewan.

"Grabe ka naman." WHAT. THE. FUDGE. halos masuka na ako sa loob ng simbahan ng mag-pout si halaga. Pwe! Kadiri. Ano bang nakain ng taong to? Mukha siyang ewan. Para hindi ako masuka sa nakikita kong pagmumukha ni halaga ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa harapan at nakinig na lang.

"Pst!" *ignore*

"Huy!" *ignore*

"Ms. Tan" *ignore*

"WHAT THE FUDGE! BAKIT MO AKO SINUNDOT SA TAGILIRAN?!" Sigaw ko kay halaga with matching tayo pa. Tumigil naman sa pagsasalita 'yung pare. Uh-oh I forgot, andito pala kami sa simbahan. And now, all eyes were on us. KAHIHIYAN.

"Sorry po. Excuse me." Paumanhin ko at nakayuko ng lumabas ng simbahan. Kahihiyan. Kahihiyan. Kahihiyan.

"Louise, sorry." Sinundan pala ako ni halaga? Tch! First time niya rin akong tinawag sa pangalan ko. So anong ibig sabihin non?

Catch Me, I'm FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon