I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 8

702 24 0
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay naging magaan na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Habang dumadaan ang araw ay mas lalong nahuhulog ang loob ni Clarisse sa binata. Somehow, she has learned to enjoy the things they do no matter how tiring or how mundane they were. She feels happy everytime they are together. Inaasar pa rin siya nito ngunit kadalasan ay bumabawi ito kapag naiinis siya. And she finds it cute.  Seeing him making an effort to make her smile. Minsan ay sinasadya niyang mapikon para suyuin nito. She knows it's crazy. Well,  she feels crazy. She feels weird, too. Nawawala yata ang pagiging maldita niya. She never felt this way before. Sometimes it bothers her. Because good things do not last long in her life. She needs to stop liking him before she falls too fast.

"Clarisse, ready ka na? "

Napapitlag siya nang marinig ang boses nito sa labas ng silid. Kanina pa siya nito tinatawag nito mula sa baba pero hindi siya kuntento sa bihis kaya ilang beses siyang nagpalit ng damit. Pupunta lang naman sila ng manggahan kaya napagpasyahan niyang magsuot ng off shoulder blouse at jeans. Kaagad niyang pinasadahan ang sarili sa salamin. Naglagay siya ng lipgloss at light blush. Napasimangot siya nang marinig ulit ang boses nito.

"Almost ready!" sigaw niya. Saka sinipat ulit ang salamin bago dinampot ang bag.

"Kanina pa 'yang almost ready mo. Baka pagdating natin-" hindi nito natuloy ang sasabihin nang lumabas na siya. Napatda ito saglit saka humugot ng hininga.

"Yes? You were saying?" aniyang nakatikwas ang kilay.

Tinitigan siya nito at bigla siyang naasiwa.

"Baka hindi na magtrabaho ang mga tao dahil sa'yo," palatak nito. "Kailangan mo ba talagang magpaganda?"

Kung sa ibang pagkakataon ay nainis na siya. Pero pinamulahan siya ng mukha. Bakit ba hindi nito alam kung paano pumuri? The boys around her would flatter and flirt with her. But Paco would always confuse her. May papuri bang sinasabi ng pagalit?

"Gusto mag-ayos ako ulit? Papangitin ko lang ng konti." aniyang hindi naitago ang inis sa boses at akmang papasok ulit sa silid ngunit pinigilan siya kaagad ng binata.

"Huwag na," kaagad na sabi nito sabay hila sa kamay niya. "Tatakpan na lang kita."

Lihim siyang napangiti. Is he being possessive? Ngunit napalis ang ngiti niya sa sumunod na sinabi nito.

"Baka maubos ang araw natin sa 'almost ready' mo."

Umingos siya sabay kuha sa kamay na hawak nito ngunit ayaw nitong bitiwan iyon kaya napilitan siyang sumunod dito.

Ilang beses na napahugot ay napabuga ng hininga si Paco. Kanina lang ay nakalimutan niyang huminga paglabas ni Clarisse sa silid. Gusto niyang mainis sa sarili dahil halos matulala siya kanina. Hindi niya gusto ang epekto ng dalaga sa kanya.

"Bilisan natin, senyorita at baka nakapamunga na ang mga mangga. Gusto kong makita mo silang namumulaklak."

Iningusan siya nito. Bigla'y gusto niyang kuyumusin ng halik ang nakaingos na labi nito. Ipinilig niya ang ulo. Bumalik muli sa isipan niya kung gaano kalambot ang labi nito.

"Are you okay?" biglang tanong nito.

Tumango siya kaagad sabay sampa nito sa kabayo.

"You look constipated," komento nito.

"Mataas na kasi ang araw. Nakakahilo na."

Umingos na naman ito.

"Tigilan mo na 'yang kaka-ingos mo, para kang bata." babala niya. Dahil kapag hindi siya nakapagpigil, hahalikan niya talaga ang dalaga.

I Thought I'd Love You Never Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon