I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 7

731 27 0
                                    

Kinabukasan tanghali na siya nang magising. Masakit na masakit ang ulo niya. May nakahanda nang pagkain pagbaba niya ng kusina. Nakita niya si Buboy na naglalaro. Ibinilin daw ni Paco na magpahinga siya. Nakapagtataka. Wala ba siyang lilinisin ngayon?

Pinilit niyang inalala ang nangyari kagabi sa kabila ng pananakit ng ulo. Something happened last night that made her so happy. It must be something wonderful because she could feel it tugging in her heart but she just can't remember it. Naalala niyang napakasaya ng ginawa nilang pag-aani ng pakwan kahapon. At mas sumaya pa siya nang sumapit ang gabi at marinig lahat ng kuwento ng mga tao tungkol sa Mommy at sa Lola niya.

Nanakit din ang katawan niya pero mas minabuti niyang maglinis ng bahay. Para matuwa si Paco pagdating nito. Umangat ang kilay niya sa iniisip. Hello? Bakit naman niya hahangaring matuwa sa kanya ang mayabang na iyon?

Bigla siyang natigilan nang may mag flashback sa utak. Natutop niya ang labi. Hinalikan nga ba niya si Paco kagabi? Saka lang luminaw lahat... Kahit ngayon ramdam niya pa rin ang malambot na labi nito lumapat sa labi niya nang hinalikan niya ito. Oh my... tila aatakihin siya sa puso. How could she? Why did she? Oh my God... How could she kiss someone she barely knew? Ano na lang ang iisipin ni Paco sa kanya? Napakunot ang noo niya.  Since when did she care about what he thinks? Nasabunot niya ang buhok.  She is in deep trouble!

Walang tigil ang paglalakad niya sa bawat sulok ng bahay. Minsan napapakagat siya ng kuko. Minsan napapasapo ng mukha sabay iling-iling. Minsan ay napapabuga ng hininga at napapasabunot sa sariling buhok. Habang lumilipas ang oras ay tumitindi ang kaba niya.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Tinangka niyang magpahinga pero hindi niya magawa. Dapat may gawin siya. Napatingin siya sa kabuuan ng mansiyon. Umangat ang kilay niya. Tinawag niya si Buboy.

Nagtaka si Paco nang makasalubong si Buboy, pawisan at may bimpong nakasuksok sa likod. Napangiti ito ng makita siya.

"Ang Ate Clarisse mo? Bakit pawis na pawis ka?"

Napakamot ito ng ulo. "Pina-uwi na po niya ako pagkatapos ng project namin. Binigyan pa po niya ako ng tsokolet." Masayang ipinakita nito ang isang bar ng Snickers. Napangiti siya.

" Project?"

"Surprise daw po."

Kumunot ang noo niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya. Tumango si Buboy. Hinatid niya ang bata sa bahay nito.

Ang totoo'y hindi niya alam kung papaanong pakikiharapan ang dalaga. Hindi siya pinatulog ng halik nito. Hindi rin niya maiwasang isipin kung gaano ito kaganda nang gabing iyon habang naglalaro ng piko at habang sumasayaw. Hindi niya alam kung paano niya maaalis sa isip kung gaano katamis ang labi nito at kung paano niya pipigilan ang sariling hagkan ito ulit. Napabuga siya ng hininga. Lasing si Clarisse. Akidente ang nangyari. Baka nga wala itong maalala sa nangyari kagabi. Ipinasya niyang daanan ang kwadra at tingnan ang kalagayan ng mga kabayo lalo na ni Athena. Nagtagal siya roon. Nang tantiya niya'y tulog na ang dalaga'y saka niya ipinasyang umuwi.

Pagbukas ng pinto'y ilang beses siyang napakurap. Nag-iba ang ayos ng salas, mas naging maluwang iyon. Ang pianong nakatago sa sulok ay nakabukas at tila nag-aanyayang patugtugin. Sa gitna ng magarbong sofa ay naroon ang lamesitang yari sa mahogany na alam niyang dati'y nakatago sa sulok ng kusina. Ang kulay kremang kurtina ay lalong nakapagpatingkad sa buong kaayusan ng salas. Nakalatag din ang carpet na paborito ng donya. Namangha siya sa ayos niyon. Apo nga ni Donya Marcellina si Clarisse dahil pareho sila ng gustong ayos ng mansiyon. Hindi niya maiwasang mapangiti. Kaya pala pawisan si Buboy. Bigla'y gusto niyang pumanhik sa taas para purihin ang ginawa ng dalaga pero pinigilan niya ang sarili. Dumiretso siya sa kusina dahil kumalam ang sikmura niya.

I Thought I'd Love You Never Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon