I Thought I'd Love You Never - CHAPTER 9

687 30 4
                                    

"Senyorita, baka pwede n'yo hong bilisan ng konti at baka wala na tayong maabutan." Boses iyon ni Paco sa labas ng silid.

Duh! Aniya sa sarili at pinaikot ang mata. Kagabi pa siya pinaalalahan nito na bilisan niya ang kilos dahil ayaw nitong mahuli sa misa.

"Coming!" sigaw niya. Pinasadahan niyang muli ang sarili sa salamin saka kinuha ang pouch at lumabas ng silid. "Ikaw ba ang magmimisa at nagma-" Nabitin ang sasabihin niya dahil paglabas niya'y prenteng nakasandal sa dingding sa harapan ng silid niya ang binata. Nakasuot ito ng grey na polo na nakarolyo ang manggas hanggang sa siko. Naka-maong ito at leather boots. He looks so ruggedly handsome. Ilang beses itong napakurap at biglang inayos ang kuwelyo ng polong suot.

"Wala ka bang ibang masusuot?"

Pinandilatan niya ito. "What's wrong with my dress?"

"W-Wala naman," anitong umiwas bigla ng tingin. "Baka walang tumingin sa pari at sa'yo na nakatingin lahat."

Pinamulahan siya ng mukha. Did he just compliment her?

"You always have a weird way of saying I'm beautiful. But thank you, pero hindi ako magpapalit ng damit."

"Hindi ko sinabing-" Napabuga ito ng hininga. "Tayo na nga."

"Ang weird mo," hindi napigilang sambit niya. Ang gwapong weird!

Napabuga ito ng hininga pero hindi sinalungat ang sinabi niya.

Ang owner ang sinakyan nila dahil didiretso naman sila sa bayan pagkatapos. Hindi nga nagkamali ng sapantaha si Paco dahil pinagtitinginan silang dalawa nang makarating sila. Napangiti siya nang makita sina Nanay Caridad sampu ng pamilya nito. May iilang bagong mukha siyang nakita dahil kahit nasa loob ng hacienda ang simbahan ay bukas iyon sa mga taga karatig baryo.

First time niyang magsimba na hindi ang Daddy ang kasama niya. It was a little uncomfortable at first, knowing how close he is and how his scent filled her lungs. But when she got used to it, she loved the feeling of having to sit beside Paco. She felt wonderful and very, very happy. Napatingin siya sa altar.

Thank you po. Masaya po pala rito. I'm sorry if I complained a lot. Sana masaya rin po si Mommy at Lola diyan sa taas. I miss them terribly now that I know what life could have been if they were here.

Please take care of them, Lord. Please take good care of Daddy and Tita Fe, too. I miss them so much, too. But being away from them made me realize how much I love them. I promise to be a better person for them.

Uhm... thank you po sa mga taong nakilala ko rito lalo na po sa katabi ko. I don't know why but I like him so much. I pray for his happiness too.

Pagkatapos ng misa ay nagpaalam si Paco na may dadaanan bago sila dumiretso na sila ng bayan. Nagtaka siya nang may kipkip itong bulaklak na pinitas mula sa hardin.

"Dadaan ka pa ng ligaw?" aniyang tinaasan ito ng kilay. Ngiti lang ang isinagot nito kaya nasira ang mood niya. Natahimik siya nang inihimpil nito ang sasakyan sa sementeryo. May humaplos sa puso niya. Lihim na sinusulyapan niya ang binata habang naglalakad sila patungo sa bibisitahing puntod.

Nanubig ang mata niya nang mabasa ang nasa lapida. Marcellina E. Ledezma. "Palagi kang dumadalaw rito?" aniya nang mapansing halos hindi pa nalalanta ang bulaklak na naroon.

"Medyo," sagot nito at itinapon ang lumang bulaklak at inilagay ang ilan sa kipkip na bulaklak. Nagsindi rin ito ng kandila. "Lola, andito po yung paborito niyong apo," anito.

Napahawak siya sa puntod na marmol. "Hello po, Lola, pasensiya na po't ngayon ko lang kayo nadalaw." Akala ko kasi, ayaw ninyo sa akin... Bumigat ang dibdib niya. Bahagya pa siyang nagulat nang abutan siya ng panyo ni Paco. Umiiyak na pala siya. Tinanggap niya iyon.

I Thought I'd Love You Never Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon