CHAPTER 1

33 2 1
                                    


"The winner has two digits. Hold your number and be ready" MC

Oh my gosh ! Lord bigay mo na sakin ! Please huhu.

"THE WINNER IS NUMBER..." MC

*drum rolls*

"Lord ako na lang please ! Gusto kong manalo." Bulong ko habang nakatungo at nakapikit. Mahigpit ang hawak ko sa papel na naglalaman ng numerong 60.

"Please Mr. MC ! Banggitin mo yung number na to. Six at tsaka zero lang po" Ako

Dug dug. Dug dug.

Lakas ng tibok ng puso ko.

Ang tagal.

Kinakabahan na ako.

Eto na yun.

"09 ! Congratulations. Person who has digits zero and nine, come here and claim your prize." MC

Para akong binagsakan ng langit at lupa ng marinig na ibang number ang binanggit ng MC. Nanlambot ako dahil sa pagkadismaya.

Sinabi na kasing don't expect too much eh pero nag-expect pa di ako ng sobra. Eto na yun eh. Ticket papuntang Korea na sana to pag nagkataon. May libreng dorm, passport mo at iba pang kelangan para makalipad sa Korea sila na ang bahala. Allowance mo sa Korea, sila na rin bahala. Mga bagong damit, sapatos, gamit at iba pa, sagot din nila. Wala ka na ngang kakailanganin eh. Paninirahan sa Korea sa loob ng limang buwan? What the?!!! Heaven pag ikaw nanalo. 'You're breathing the same air with your Bias' ika nga pag nagkataon.

"Ang swerte naman ng babaeng nanalo." Narinig kong sabi ni Ella, friend ko.

"Oo nga." Tanging yun na lang ang lumabas sa bibig ko habang pinagmamasdan ang babaeng nagkamit ng inaasam-asam kong prize.

"Napakaswerte nya noh? Di na nya kelangan mag-ipon para makapunta sa South Korea. Pede nya ring makita ang sino mang Kpop star dun." Sambit ni Ella.

"Jen? Uy ! Friend? JEEEEN !!!" Ella

Nanlaki ang mata ko at lumingon sa kanya.

"Ah? May sinasabi ka? A-ah. Sorry. Ano nga ulit yun?" Sabay kamot ko sa ulo ko.

"Hayst. Sabi ko ang swerte nung nanalo. Ayun oh..." Sabay turo nya sa babaeng nanalo. "..yung babaeng naka-white na Wolf 88. Super swerte nya as in !"

"Oo nga tama ka Ella" Sabay tungo. "Buti pa sya, makakapunta sa Korea kahit di nag-iipon. Magkakapera ng won (uri ng pera sa Korea) kahit hindi pa nagtatrabaho. Makakaranas sumakay ng eroplano at papunta pang Korea yun. Pede nyang makita bias nya na parang umattend ng concert o fan meeting. Makakakain din sya ng iba't ibang klase ng Korean food na matagal ko nang gustong matikman. Makakapaggala sa Korea na parang gusto mo na dun na lang tumira habang buhay. At higit sa lahat, malalanghap na nya ang hangin na sinisinghot ni bias." Sabi ko habang dismayadong dismayado.

"Aww ang saket." Sabi ni Ella habang tinatapik ang dibdib nya. Sabay hagod sa likod ko.

"Samantalang ako, nag-iipon pero di pa rin sapat. Naghahangad na makasakay sa eroplano kaya Tourism ang balak ko sa college. Di makaranas ng Team Concert kaya lagi na lang Team Bahay at Team Di Pinayagan ang emote ko. Naglalaway sa mga Korean foods dahil hanggang sa picture ko lang sila makikita. Nakakapaggala nga pero di masyadong makalayo." Pagpapatuloy ko.

'Till We Meet Again (BTS Fanfic) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon