CHAPTER 4

19 0 0
                                    

"Saranghae Jungkook!" Sabi ko.

"Nado saranghae my babe." Tugon ni Jungkook sakin.

(Saranghae - I love you
Nado - too
Nado + Saranghae = I love you, too)

Hahalikan na nya ako ng biglang...

"Be!!! Gising na! Andito na tayo sa Korea. Uy!" Sabi ni ate Alyssa.

Tsk. Panaginip lang pala. Kainis naman oh! Akala ko totoo na! Hayss.

Pero nasa Korea na tayo? Really? Oh may gawd!!

"Talaga po? Seryoso?" Sabi ko habang nakangiting abot tenga.

"Oo be. Leggo!!" Leggo? Yun ba yung nilalaro mo then pede kang makabuo ng iba't ibang bagay na gusto mo like robot? Ganern?

Ok sabi ko nga corny. Leggo means let's go. Let's go na nga!

~~~

Yey! Andito na ako sa Korea ! /suminghot; Sige singhot pa! Breathe in! Breathe in pa. We're breathing the same air Kookie babes. Breathe in pa more. Brr~ Ang lamig pala. Buti ready ako. Teden! Jacket! Nasa bewang ko lang sya hehe. Ok, let's suot-suot na this. Pero parang kulang pa ata?

"Oh may jacket ka na? May dala din kaming damit para sa'yo eh. Mas makapal." Sabi nung ateng naka-blue na kasama din sa guide ko.

"Talaga po?" Sabi ko.

"Oo eto oh." Sabay pakita sa'kin ng bag na may lamang damit. "Btw, ako si ate Ericka."

"Ahh hello po ate Ericka." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ayy di pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si ate Maria." Sabi ni ateng may nunal sa may ilong.

"Ako naman si kuya Mark." Ahh Mark pala name ni kuya MC. Taray! Kapangalan nya pa si Mark ng Got7.

"Ahm, hello Jen, ako naman si ate Angelika. Ate Angge na lang for short."

"Hi Ms. Beautiful. Jackson at your service." Bati nung isang lalaki. Mukhang playboy. Ang hangin nya. May wink pa. Parang si Jackson ng Got7 ang dating haha.

"Tumigil ka nga Jack! Jack lang pangalan mo hindi Jackson. Nag-assume ka na naman. At pede ba? Huwag masyadong mahangin!" Saway ni ate Maria.

"Ito naman. Gusto ko Jackson eh. Tutal magkasing gwapo naman kami ni Jackson ng Got7." Nag-assume na naman si kuya Jack. Mas gwapo po si Jackson. Kaya please, stop it. Stop it. Then suddenly, Got7's "Stop stop it" plays on my mind.

"Hajima haji haji haji hajima. 🎶" Oops bigla kong nakanta! (Hajima - stop it ; Haji - stop)

"Oh tigil na daw Jack. Haha sabi ni Jen. HAJIMA!" Sabi ni ate Alyssa habang ipinapakita ang palad as a sign of stop.

"Ge tama na nga yan!" Sabay baling ng tingin sakin. "Ahm, Jen!" Ericka.

"Ahm bakit po ate Ericka?" Tanong ko.

"Samahan na kita sa C.R. Magpalit ka na ng damit mo. Malamig na eh." Sabi sa akin ni ate Ericka.

"Hmm sige po. Kayo po?" Pag-usisa ko.

"May jacket na kami." Tugon ni ate Ericka.

"Ahh sige po ate. Tara na po. Nilalamig na ako eh." Ako

"Guys, samahan ko lang si Jen magbihis ha? Wait nyo kami." Pagpapaalam ni ate Ericka sa iba naming kasama.

After that, pumunta na kami ng C.R. at nagbihis na ako.

"Yan! Mas komportable!" Sabi ko pagkasuot ng damit na binigay sa'kin. Makapal ito at sukat na sukat sa akin.

'Till We Meet Again (BTS Fanfic) [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon