Alas onse na at ilang minuto pa bago mag-alas dose. Nagbihis na ako ng pang-alis at inilabas na ang bag na dadalhin ko sa Korea.
Ngayon, papunta na kami sa airport dahil ala una ang flight ko. Kasama ko si mama, kapatid ko, pinsan ko, tito ko, at si Ella na kanina pa yakap ng yakap sakin.
"Mamimiss talaga kita bes." Ella. Sabay hagulgol sa tabi ko.
Nasa kotse na kami papuntang airport. And for your information, hindi sa'min ang kotseng ito. Ito ang kotseng pinagmamanehohan ng tito ko. Driver sya nito. In short, hiram lang namin 'to sa amo nya.
Makaraan ang ilang minuto ay nandito na kami sa airport. Grabe, first time kong sasakay ng eroplano. First time kong umalis mag-isa at magpunta sa malayo. First time kong mawawalay sa pamilya sa loob ng limang buwan. Lahat sakin first time. Ayssh! Ayokong umiyak!
Nandito na kami sa loob ng airport at inaantay ang tamang oras.
Ang paglipad ko papuntang South Korea.
Lugar na pinapangarap ko at ng lahat ng Kpop fangirls/fanboys. Lugar kung saan nakatira ang mga asawa ko--este boyfriends lang pala hehe. Magseselos si legal husband Jungkookie babes ko.
Maya maya'y may lumapit sa aming 4 na babae at 2 lalakeng nagsasabing sila ang mag-ga-guide sa akin sa Korea. Oo sila nga. Nakilala ko kasi yung isang lalaki. Si Mr. MC, kasama.
Kaunting minuto pa ang lumipas ay pumatak na ang ala una. Ang tamang oras ng pag-alis ko.
"WAAAAAHHH BES!! MAMIMISS KITA!!" Ella. Sabay yakap sakin. Wag kang ganyan. Naiiyak din ako.
"Nak mag-iingat ka dun ha? Wag kang makakalimot na magchat sa'min ha?" Pagpapaalala ni mama.
"Opo ma." Sabi ko habang pinipigilan ang luhang nais kumawala sa mata ko.
"Huhu. Kahit wag ka na mag-uwi ng laway ni Jin, at iba pa. Basta magchat ka, mas ok na yun. Kahit pics na lang siguro /singhot; ok na yun." Sabi nya habang umiiyak.
"Waaaahhh ate Jen mamimiss kita!!" Chelle, pinsan ko
"Mamimiss ko din kayo." Ako. Sabay yakap at beso ko sa kanya, ganun din kay mama, sa kapatid ko, kay Ella, at sa tito ko.
"Bye~ Ingat." Ang huling salitang narinig ko sa kanila.
Naglakad na ako kasama ang mga mag-ga-guide sa akin.
~~~
Nandito na kami sa loob ng airplane.
"Don't cry na be. Btw, ako nga pala si Alyssa. Kpopper din tulad mo hehe." Sabi ni ateng naka-orange na katabi ko ngayon. Kasama din sya sa anim na mag-ga-guide sa'kin.
"Ahh hello po ate Alyssa." Ako. Sabay pahid ng luha gamit yung panyo ko. "Bakit nyo po naisip na magkaroon ng raffle na ganto para sa mga kpopper tulad ko?"
"Actually Kpopper kaming lahat. Nag-usap-usap kami na bakit hindi na lang kami tumulong sa iba pa naming kalahi na kpop lovers din? Tutal may kaya na kami ngayon kaya nagtulong tulong kaming gumawa ng ganito. Then, nag-sari-sariling bili kami ng mga gamit na kailangan mo sa Korea."
"Wow nice. Ahm, nakita ko po sa picture, puro pambabae yung gamit. Ano po yun? Sinadya nyo na babae talaga ang manalo?"
"Ahm actually, hindi. Sadyang puro babae lang talaga yung sumali at bilang lang yung mga fanboys na sumali sa raffle. Tsaka before, expected na namin na babae ang mananalo. Kinutuban kami na babae. Kaya puro pambabae yung binili namin. Hehe." Alyssa
"Ahh buti na lang babae nabunot nyo haha." Ako
Galing naman. Pano nila nahulaan na babae mananalo. May lahing manghuhula ata? Haha
"Yah. At ikaw ang maswerteng nabunot kaya congrats." Alyssa. Sabay ngiti sakin. Ang bait nya kaya magiging komportable at alam mong magiging ligtas ka pag kasama mo sya.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again (BTS Fanfic) [On Going]
FanficA story that can relate fangirls of Kpop, most especially BTS.