Hindi pa pala ako nakakapagpakilala.
Ako nga pala si Jenny Dela Cruz, Jen na lang for short. Isang hamak na fangirl ng BTS. Marami pa akong fandom tulad ng IGot7, EXO-L, Sone, Pink Panda, Star1, Once, Cupcake, VIP, BOICE, at iba pa pero BTS ang pinakagusto ko. Solid ARMY here! Hehe. Tama ba? Ganun nga ba tawag dun? Hehe. And I am a Jungkook biased. Sa mga Jungkook biased, share-share na lang tayo. Hehe ayaw ko ng war. War of hormones. Haha. Ok, corny.
Grabe hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Kung panaginip man ito, ayoko nang magising pa. Hmm, pero kung panaginip lang nga talaga ito, bakit hindi ako magising? Sinampal-sampal ko na nga yung sarili pero waepek eh. Nasaktan lang ako haha. Baka kasi panaginip lang tapos may mangyaring maganda sa amin ni bias at madismaya lang ako kasi panaginip lang pala. Pero atleast kahit sa panaginip lang, naging kami ni Jungkook diba?
Ok ang gulo ko.
Hayst. Tama na nga ang pagpapantasya. Mag-aayos na lang ako ng mga gamit ko kasi bukas na alis ko.
Alam kong may mga gamit na sa dorm na naghihintay sa akin sa Korea pero iba pa rin talaga pag kasama mo ang nakasanayan mo diba?
Gaya ng mga paborito kong damit, itong BTS Shirt ko na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na nasuot pero hindi pa rin kumukupas ang ganda.
Itong unan ko na may mukha ni Jungkook na lagi kong katabi at kayakap sa gabi. Ito nga ang nagmimistulang best friend ko kapag wala akong kasama sa bahay. Kinakausap, iniiyakan, pinagsabihan ng problema, pinahahayagan ng nararamdaman, at kinukwentuhan. Haha baliw lang? Oo, alam ko. Shh. Quiet lang kayo ha?
Mga Kpop accesories na may sariling lagayan. Syempre, collection ko to eh. Hindi lang BTS, may EXO, Got7 at GG din. Yun pa lang nabibili ko eh. Hirap kasi maghanap.
Mga posters na nakarolyo pa kasi hindi ko maidikit sa saanmang pader sa kadahilanang wala pa akong sariling kwarto.
Isang folder na naglalaman ng mga bond papers na may sketch ng iba't ibang Korean stars gaya nina Lee Min Ho, Kim Soo Hyun, Lee Hyun Woo, mga Kpop Idols at iba pa. Hilig ko ang arts lalo na ang pagdo-drawing na isa sa mga talents ko gaya ni Jungkook. Yiiieee. Meant to be. Enebe.
At syempre itong cellphone kong punong puno ng memories ni Jungkook mula sa case ng cellphone na ginawa ko (DIY kung tawagin), lock screen at wallpaper, message background, at gallery na mas marami pa ang pictures niya kaysa sa akin at mga videos na nangangain ng space ng memory. Aakalain mong siya ang may-ari nito. Pero kung sa bagay, siya naman ang nagmamay-ari ng puso ko eh. AKSKFNALAHAXAKDVA! Haha ang harot !
Ayos dito. Empake doon. Paghahanda everywhere!
Ayan tapos na. Ready na ako. Excited na ako bukas. Yipeee !
"Yan yung bag mo?" Mama
"AYY JUNGKOOK-AH!!" Napatalon ako nang biglang nagsalita si mama sa likod ko.
"Mama naman eh. Nakakagulat ka naman po. Bigla-bigla na lang magsasalita sa likod ko. Hayss." Ako
"Haha. Aba'y sorry. Malay ko bang magugulat ka. Busy-ng busy ka kasi dyan sa pag-eempake mo eh. Nagulat ka tuloy." Natatawang sabi ni mama.
"Eh bukas na po kasi alis ko eh." Ako
"Ahh sa bagay. Teka ka nga. Bakit ba ang dami mong dala, Jen? Diba sabi mo kasama na sa prize yung mga gamit mo? So, bakit kelangan mo pa ng mga yan?" Pagtataka ni mama.
"Madami ba? Mukhang marami lang po siguro kasi dala ko yung unan ko na may mukha ni Kookie Babes ko. Nakasakop lang ng malaking space. Hehe." Pagpapaliwanag ko.
"Kelangan pa bang dalhin yun?" Mama
"Syempre naman. Wala akong kasama doon eh kaya kailangan ko yang unan na yan." Ako. Syempre para di ako mabaliw dun kasi ako lang mag-isa dun. Pero baliw na nga pala ako diba? Aish! Whatever!
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again (BTS Fanfic) [On Going]
FanfictionA story that can relate fangirls of Kpop, most especially BTS.