Chapter 2
43 Degree"MISS, wala na ho ba talagang kahit anong trabaho para sa'kin?"
"I'm so-sorry Ms. Lorraine wala na talaga kaming vacant na trabaho sa ngayon." Sabi nung babaeng binigyan ko ng resume ko.
Laglag na naman ang balikat na umalis ako sa establishmento na iyon.
Maybe wala talaga akong lugar sa pang office work. Ugf! Nakakainis naman eh. If I didn't get a job, mapipilitan talaga akong mag Nurse ulit nito. But I'm not happy with that profession. Ayoko! Maghahanap parin ako.
Palakad-lakad muli ako kahit saan, kung saan may mapagpasahang resume ko. Sa anim na resume na dala ko, ngayon iisa nalang ang natitira. Sana naman swertehin ako sa pang huling mapagbigyan ko nito.
Nasa tabi ako ng daan at naghihintay ng masasakyan na jeep ng maisipan kong bumili muna ng candy. Biglang napabaling ang mga mata ko sa binabasang diyaryo ng magtitindang si manong. Latest issue 'yon ng Manila Bulletin sa araw lang na iyon.
"Manong, pwede ho pasilip ng diyaryo mo? Wala na ho kasi akong pambili." Pa cute kong tanong kay manong at napapakamot pa sa batok ko.
"O sige Ineng." Inabot niya iyon sa akin. Inilipat ko agad ang pahina kung saan ang Job hiring section.
Urgent hiring
Personal Secretary of the CEO
Apply now!
@ SMITH GROUP AND COMPANIES
At least 2years college graduate
Experienced or unexperienced
Fresh graduate is also includeUnexperienced? Ako yun.
Napakurap-kurap na agad kong hinagilap ang address ng mismong establishmenton. Ngiting-ngiti ko iyong isinauli kay Manong.
"O tapos kana ba, Ineng?" Tanong sa'kin ni manong.
"Opo manong. Ang swerte po talaga ng diyaryo n'yo sakin," nakangiti kong sagot rito.
"Huh?"
"Manong! Tandaan nyong mukhang ito huh? Kapag ako natanggap sa trabahong aaplayan ko ngayon. Promise ho, babalik ako dito sa pwesto mo at papakyawin kong lahat ng paninda mo at ililibre pa kita ng kape sa Starbucks. Promise."
Kakamot kamot lang ng ulo si manong sa sinabi ko. "Ah, sige Ineng. Patnubayan ka nawa ng diyos. Mag-ingat ka sa iyong paroroonan."
"Ang bait mo ho manong. Sige ho salamat, mag-ingat din ho kayo dito."
Dali-dali akong pumara ng jeep at sumakay, excited na excited akong makarating sa kung saan ako mag-aaply. Buti nalang at 10:30am palang, pwede pang makahabol sa pagpasa ng resume ko.
Pagkababa ng jeep ay agad akong napatingala sa mataas at matayog na gusali na nasa harapan ko ngayon.
SMITH GROUP AND COMPANY
Yes. This is it! Sana ito na nga Lord. Dito na sana ako palarin.
Peep!
Peep!
Peep!
Napatakip ako ng tenga ko ng biglang may nagmamadaling puting kotse ang biglang preno sa kinatatayuan ko. Nanginig na napaatras ulit ako at hindi na itinuloy ang pagtawid sa kabilang highway.
Shit! Muntik na akong madale!
Napakalakas ng tahip ng dibdib ko ng muntikan na akong mabundol ng may-ari ng puting kotse'ng iyon.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Ceo [REPOST]
Ficción GeneralUnpredictable Ceo He's Playful and She's Naughty He's Enchanter and She's in Denial #RomCom