Chapter 1
Lorraine & Stiffen
[Lorraine Brega p.o.v]
BAGSAK ang balikat ko ng umuwi galing sa maghapong paghahanap ng trabaho. Pinuntahan ko na halos lahat ng kompanyang alam ko'ng may Job hiring at mga Job pair pero lahat ay hindi ako natatanggap.
Sumakit lang ang dalawang paa ko sa kakalakad sa buong araw. Malas pa dahil pati budget ko sa pamasahahe para sa susunod na araw ay nagamit ko na.
Tsk! Pagminalas ka nga naman oh. Hay, buhay...
"Oh, Anak nandiyan ka na pala." Namataan ako ni Nanay sa may sala na nagpapahinga ng aking pagal na katawan.
"Oho nay, kakadating ko lang ho." Sagot ko pagkatapos magmano rito.
"Kumusta lakad natin, Nak?" Tanong nito sa akin pagkaraan.
"Tsk! Heto wala paring swerte Nay e." Laglag balikat na sagot ko.
"Okay lang iyan nak, huwag ka lang mawalan ng pagasa. Hindi magtatagal e makakahanap ka na rin ng trabaho." Pagpapalakas loob nito sa akin.
"Salamat ho Nay. Pasensya na ho kayo huh? Kung wala pa rin ho akong maiaabot sa inyo ngayon."
"Ano ka ba naman anak. Okay lang iyan, napapagkasya pa naman natin ang buwanang bigay sa atin ng Tita Felly mo."
"Iyon na nga ho nay e. Nahihiya na ho talaga ako kay Tita Felly, pinagaral n'ya na po ako at pinatira pa tayo dito sa bahay niya. Pati po ang mga gamot ni Tatay ay siya pa rin ang sumasagot lagi. Kung tutuosin Nay sobra na ho talaga ang itinulong sa atin ni Tita, kaya gusto ko na talaga hong bumawi kay, Tita nay."
"Alam ko naman iyan anak. Alam kong mabait kang bata at maganda ang hangarin mo para sa amin. Tiwala lang Nak, tutulongan ka niya." Sabi ni Nanay na nakaturo ang mata sa munting altar na nasa ituktok ng katapat na hagdan.
Nakangiting tumango ako kay nanay.
Yeah. I know. Pasasaan at magkakaroon din ako ng trabaho. Hindi man sa ngayon, pero baka bukas na.
"O s'ya anak dahil andito kana maghahain na muna ako ng hapunan natin. Umopo ka lang muna diyan, alam ko pagod ka."
"Sige ho Nay. Salamat." Umalis na nga ito at naghain muna habang ako ay naiwan sa sala.
Habang nakaupo sa magandang sofa ay inilibot ko muna ang aking paningin sa magandang bahay na tinitirhan namin. Mahirap lang kami pero nakatira kami nila Nanay, Tatay at kapatid ko sa isang subdivision ng Camella homes. Kay Tita ang bahay na iyon at kami lang ang pinatira niya dito.
Si Tita Felly ay kapatid ni Tatay sa ina. Dalawa lang silang magkakapatid sa ina at pareho narin silang ulilang lubos. Si Tita, sa edad na kuwarenta ay wala pa ring pamilya hanggang sa ngayon, kaya buhos na buhos ang grasyang pinapadala nito sa aming mag-anak.
Nasa Canada si Tita at nagseserbisyo bilang isang Nurse doon. Masasabi kong sobrang bait ni Tita, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako nakapagtapos ng degree course sa ngayon.
Kahit hindi ko naman gustong mag Nurse ay iyon ang tinapos ko. Masunurin kasi akong bata so I obey Tita's decision to take a Nursing course, kasi yun daw ang in-demand na trabaho sa abroad.
Becoming a Nurse is never in my professional dream. Napaka allergic ko kasi sa mga karayom at dugo. Pero sabi nga nila learns to love your weakness. Kaya yun, di nagtagal ay nasanay na rin ako sa mga madugong pasyente at mga karayom na itatarak sa mga katawan ng mga ito. At isa pa, dapat lang na masanay talaga ako, dahil ako kasi ang personal Nurse na nagmi-maintain ng karamdaman ni Tatay. I'm already a licensed Nurse. Kaya lang isang taon ko palang nagagamit.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Ceo [REPOST]
Ficción GeneralUnpredictable Ceo He's Playful and She's Naughty He's Enchanter and She's in Denial #RomCom
![Unpredictable Ceo [REPOST]](https://img.wattpad.com/cover/52974074-64-k200459.jpg)