Fan Mode Seven

9.1K 237 14
                                    

Fan Mode Seven

~**~**~**~**~**~**~

“It hurts!” hagulhol ko. “It hurts, you know?”

“It’s OA, you know?” Inirapan ako ni Bubbles. Tiningnan ko siya nang masama.

“Bakit ang sama mo?” asar kong tanong sa kanya.

“Eh ikaw, bakit ang tanga mo?”

Binato ko siya ng tissue. “Eew! May sipon ‘yung tissue tapos binato mo sa’kin? Kadiri ka!” sigaw niya. Tumayo siya at kumuha ng alcohol sa bag niya.

“Leche. Hindi ba halatang I’m hurting inside!?”

“Hindi. Mas halatang nag-iinarte ka lang.”

“Hindi ako nag-iinarte! Look, I’m telling the truth! Fiancé ko nga si Zero!” sigaw ko.

“Whatever your illusions tell you,” maarteng sabi niya.

Nakakainis! Ilusyon lang ba ‘yun!? Imposible! Noong sinabi ni Mama ‘yun sa akin at sa harapan pa mismo nina Zero at ng nanay niya, I’m sure eh gising na gising ang diwa ko pati ang lahat ng body parts ko. Kaya sigurado akong hindi ako nananaginip noong mga panahong ‘yun! I swear. Malunod man si Cadmus sa putik.

No, hindi ako papayag. Baka nakalimutan lang ni Zero ang mala-dyosa kong mukha. Mukha lang siguro akong impakta doon sa party kaya hindi niya ako nakilala. Tama.

Mabuti na lang at matalino ako. Top 40 nga ako, ‘di ba? So malamang may maliwanag na ideyang sumulpot sa sinapupunan ng utak ko.

~**~**~**~**~**~**~

“Seriously, Cass? Mukha kang desperadang tanga,” komento ni Bubbles.

“Heh, manahimik ka.” Nagpatuloy ako sa pag-compile ng iba’t-ibang pictures ko. Nilagay ko ang mga pictures sa isang box na kulay lavender. Ipapadala ko ito kay Zero. Hand-carry, malamang. Mayaman ako eh. Marami akong messengers.

Tingnan ko lang kung hindi mo maalala ang pagmumukha kong maganda, Zero. Baka kako kapag nakita mo ang mga ito eh pagpantasyahan mo na ‘ko every night. Ngumisi ako. What a beautiful thought.

So pagkatapos kong iabot kay Manong Messenger # 1 ang box, binigay ko sa kanya ang personal address ni Zero na nakuha ko pa kapalit ng bonnet ni Cadmus. Hindi lang naman kasi ako ang nag-iisang fan girl sa mundo. Malamang may mga nakakakuha rin ng mga hidden information tungkol sa Zeus maliban sa kagandahan ko.

Hindi naman sobrang layo ng tinitirahan ni Zero sa bahay namin. Sabi ko na nga ba’t soulmates talaga kami eh. Ilang sandali lang, bumalik na si Manong Messenger # 1.

“Manong!” excited kong sabi. Promise, excited ako! Gumigiling-giling pa nga ang puwet ko sa sobrang excitement eh. “Ano? Naiabot mo ba? Personal niya bang—teka, ano ‘yan?”

May inabot siyang box sa akin. “Eh, Señorita, binalik po ng katulong nila. Hindi raw po sila tumatanggap ng kahit na anong bagay galing sa fans. Kung gusto niyo raw po, doon niyo raw po ipadala sa fan mail ng grupong Zeus,” medyo kinakabahang sabi ni Manong Messenger # 1.

“Ano!?” sigaw ko. “Eh kapag doon ko ‘to pinadala, malamang next year pa niya ito mabubuksan!”

Napangiwi si Manong Messenger # 1.  Nagpamewang ako. Narinig kong tumatawa nang malakas si Bubbles sa isang sulok habang nanunuod ng TV. Kung hindi ako nagkakamali, ako ang pinagtatawanan niya. Leche.

Tiningnan ko nang matagal si Manong Messenger # 1. Bakit kasi hindi tinanggap!? Nakakainis! Pero… wait lang. Para saan pa’t naging Top 40 ako sa klase? Napangisi ako nang malapad. Wait ang see, Zero. Makakarating din sa’yo ‘to.

~**~**~**~**~**~**~

“So talagang papatulan mo ‘yan?” nakataas-kilay na tanong ni Bubbles sa akin.

“Oo naman!” mabilis kong sagot. Sinulatan ko na ‘yung form at inabot sa babae ‘yung box. “Ate, pakiingatan ‘yang package, ha! Kailan ba ‘yan makakarating sa addressee?”

Tiningnan ni Ate ‘yung form. “Malapit lang naman ang address. Baka mamayang gabi o bukas ng umaga, matatanggap na ‘to ng padadalhan mo.”

Ngumiti ako nang malapad. Sana mamayang gabi eh ma-receive na ni Zero ang package. Tamang-tama. Mapapanaginipan niya ako. Bakit kasi ang talino ko, ‘di ba?

Kinagabihan, excited akong gawin ang isang sagradong ritwal. Pinatay ko ang lahat ng ilaw sa loob ng kuwarto ko at inihanda ko ang maliit na table na pabilog. Nilagay ko doon ang mga binili kong iba’t-ibang enchanted candles. Sabi ni Ale sa bangketa, effective daw ang ritwal na ito para ma-in love sa akin ang mahal ko. Bukod sa madali lang gawin ang ritwal, mura pa ang kandila. Tig-one thousand pesos each lang.

Sinindihan ko ang mga enchanted candles at pumikit. Ang sabi ni Ale sa bangketa, isipin ko lang daw ang taong mahal ko. Mag-eemit daw ng brain waves ang utak ko at magco-collide sa usok na nanggagaling sa kandila. At dahil enchanted candles daw ito na nagmula pa sa bundok ng mga makapangyarihang aswang, may basbas daw ang mga kandila para matanggap ng taong iniisip ko ang mga brain waves ko. Magkokonek daw ang aming mga brain waves kasi nga soulmates kami.

Grabe. Ang genius ni Ale sa bangketa. Mabuti na lang at binili ko na ang lahat ng stock niya.

Pumikit ako. Malamang agad kong na-envision ang guwapong mukha ni Zero. Pero bakit ganoon? ‘Di ko siya madescribe! Kabisadong-kabisado ko ang pagmumukha niya, pero natatameme ang utak ko kapag ine-envision ko siya. At bakit hindi ko ma-envision ang pagmumukha kong maganda!? Hindi ito maaari! Kailangan kong isiping magkasama kaming dalawa at mahal niya ako. Dapat ngingiti siya sa akin, tapos yayakapin niya ako, tapos hahalikan niya ako, tapos…

“Anak ng—!” Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto kong worth milyones.

“Hoy, Cassiopeia!” sigaw ni Cadmus.

Grr. I hate him sagad. “Ano ba!?” sigaw ko. Marunong ka bang kumatok, ha, Taong Buwaya!? This is my room!”

“Pakialam ko ba sa kuwarto mo? Teka…” Tumingin siya sa paligid. “Bakit mukhang perya ng mangkukulam itong pipitsuging kuwartong ‘to?”

“Anong perya ng mangkukulam!? Kuwarto ito ng alagad ng pag-ibig!” sigaw ko sa kanya.

Nginisian niya ako at tiningnan ang mga enchanted candles ko. “Hindi ko alam na naghahanda ka na para sa burol mo. Pero in fairness, scented candles. Nag-abala ka pa. Puwede namang katol na lang eh.”

“Gaga! Hindi ‘yan scented candles! Enchanted candles ‘yan!” sigaw ko.

“Enchanted candles? Oh, my. Don’t tell me, doon ka bumili kay Ale sa bangketa?” natatawang tanong niya.

“Oo, paano mo nalaman?”

“Malamang kasi bumili rin ‘yang kapatid mo sa kanya.” Dumating si Bubbles. “Can’t you even guess fake ones? Oh, well. I guess stupidity really runs in the family.”

Umabante si Cadmus. “Hoy! Kung makapagsalita ka, ‘kala mo naman eh hindi ka kabilang sa pamilyang Cheng!”

“Teka, teka! Anong fake ones!?” Tumingin ako sa mga enchanted candles.

“Iyang mga ‘yan. Peke ‘yan, Hangal. Pinerahan lang kayo ni Ale sa bangketa,” maarteng sabi ni Bubbles.

What!? Leche! Sumimangot ako. “Teka, bakit ba kayo nandito, ha?” tanong ko. May inabot si Bubbles na package sa akin.

“May delivery for you. Galing daw sa isang lalaking nangangalang Tokugawa Jiro.”

“Tokugawa Jiro? Who’s that guy?” tanong ko. “Who’s that—OMG! ‘Yun ang totoong pangalan ni Zero Choi!”

OMG, OMG, OMG! I don’t care what Bubbles said kanina. Effective ang enchanted candles! Nagtagpo ang brain waves namin ni Zero! Mahal na niya ako! Ang proof? Itong package! Pinadalhan na niya ako ng regalo. Grabe, agad-agad. Ganoon na niya ako kamahal. Inabot sa akin ni Bubbles ang package at agad kong tiningnan iyon.

“I’m so excited! This is the best gift that—huh?”  Napakurap ako.

Return to Sender

What the hell!?

~**~**~**~**~**~**~

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon