Fan Mode Ten

8.4K 238 22
                                    

Fan Mode Ten

~**~**~**~**~**~**~

“Sige na, please, pakibalik na ‘yung phone ko,” malambing kong sabi. At malamang ere lang ang kausap ko dahil hindi niya ako pinapansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ako naman ay sumusunod sa kanya. Malamang.

Ibinulsa niya ang mga kamay niya. Bakit kasi ang bilis niyang maglakad? Binilisan ko ang paglakad ko, at agad akong humarang sa harapan niya. “Wait!” Itinaas ko ang mga palad ko. Tiningnan niya lang ako. Agad naman akong napaatras. Bakit kasi ang lamig niyang tumingin!?

“Ano kasi… may mga importanteng bagay na nandiyan sa phone ko at… teka lang!”

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Nilagpasan niya ako. “Sandali lang, Zero!” Nagmadali akong maglakad para masabayan siya. Malamang hindi siya huminto. So ninja moves na ang kailangan. Mabilis akong humarang ulit sa dinadaanan niya.

“Sandali lang!” natatarantang sabi ko. “I’ll… I’ll do everything! I mean… pakibalik na kasi ‘yung phone ko, please?”

Tiningnan niya ako nang matagal hanggang sa nagbuntong-hininga siya. OMG. Bakit ang sexy ng sigh niya!? Agad akong umiling. Cassiopeia! Huminahon! Nakasalalay ang cellphone mo rito! “Sabihin mo muna sa akin kung anong ginagawa mo sa kuwarto ko,” malamig niyang sabi.

“S-sa… kuwarto mo?” nauutal kong tanong. OMG. Ito nab a ang moment? I mean, kailangan ko na bang mag-confess!? Pero wala pa akong flowers! I mean… teka, bakit ako ang magpe-prepare ng flowers? ‘Di ba dapat siya?

“Oo.”

“Kasi… ano, uhmm. Gusto lang sana kitang…” Ano, Cass!? Kidnapin? Mahalin? “Dalawin!”

“Dalawin?”

“Oo! I mean, ‘di ba kasi… well, ano… fiancé kita at—”

“Anong pinagsasabi mo?”

Napakurap ako. “Noong isang gabi. Sa party. ‘Di ba sabi nina Mama… ikaw raw ang fiancé ko?”

Mas lalong lumamig ang pagmumukha niyang guwapo. “Hindi ko alam kung bakit ganyan ang sinasabi mo. Kung ayaw mong sabihin ang dahilan kung  bakit nandoon ka sa kuwarto ko, magkita na lang tayo sa istasyon.”

“Istasyon? Ano ‘yun?” nagtatakang tanong ko.

“Police station.”

~**~**~**~**~**~**~

“Seriously, Cassiopeia!?” sigaw ni Cadmus sa akin.

“Huwag mo akong sigawan!” sigaw ko sa kanya.

“Eh gaga ka pala! Gaga!”

“Hoy! Makatawag ka naman ng gaga! Hindi porket niligtas mo ako sa police station kanina eh puwede mo na akong tawaging gaga!”

“Fine! Tanga!”

Tumawa si Bubbles. Kanina pa siya nakangisi sa tabi ko. Tiningnan ko siya nang masama. “Bakit kasi hindi mo ako pinagtanggol kanina noong dumating ang mga pulis!?”

“Eh wala naman silang gagawing masama sa’yo. Kakausapin ka lang naman nila.”

“Sa police station!?” sigaw ko. “Nakakahiya!”

Nagkibit-balikat siya. “Eh kaysa naman sa school, ‘di ba? May makakita pa. Mabuti nga at walang ibang nakakita eh.”

“Meron! Si Zero!”

“Malamang. Siya nga ang nagpa-pulis sa’yo, ‘di ba? So malamang makikita niya ‘yun.”

“Iyon nga ang nakakahiya eh!” sigaw ko.

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon