Fan Mode Thirty Nine

10.5K 273 61
                                    

Fan Mode Thirty Nine

~**~**~**~**~**~**~

Dahil magkaklase kami ni Zero sa ibang special subjects na kinukuha namin, naging partners kami para sa isang project. Ang suwerte ko dahil specialty niya ang subject na ‘yun na siyang weakness ko naman. So malamang landscape na naman ‘yun, right? Building designs. At dahil mabait siya, siya ang gumawa ng concept.

Kaya heto ako ngayon at hinihintay siya sa oval para mapag-usapan namin ang tungkol sa ginawa niyang concept. Nakahanda na ang laptop ko dahil digital daw ang ginawa niya para doon.

Pinanuod ko ang mga taong nasa paligid. Nag-eenjoy sila at para bang walang pinoproblema sa life nila. Well, ako ba eh meron? Wala naman. May mga gumugulo lang talaga sa utak kong purple at medyo kinakabahan din ako sa muling paghaharap namin ni Zero.

Simula kasi noong nag-confess ako, hindi pa kami ulit nagkikita kahit na nagkakausap kami sa telepono. Hindi niya naman inangat ang topic na ‘yun, pero sinabi niya na may kailangan daw kaming pag-usapan. So malamang ‘yun nga ‘yun.

At ang isa pang gumugulo sa buntot kong purple ay ang tungkol sa Garnet. I mean, should I go? Or not? Dream come true ‘yun eh. Pero kasi… malayo ‘yun. Kailangan kong umalis dito sa Barrio Belleza. Boarding school ‘yun at malayo talaga ‘yun sa lugar na ito. Tapos nandoon pa ang binibining si Yumi Diaz. I mean, magiging magkasama kami sa iisang academy? Hihinga kami sa iisang lugar? Hindi ko yata ma-imagine. Hindi naman ako bitter, pero siyempre hindi rin naman ako ipokrita para i-deny na hindi ako kumportable sa ganoon sitwasyon. Haler. Sino ba ang magiging kumportableng makasama ang babaeng mahal ng mahal mo? Leche.

Pero sobrang gusto ko siyang bantayan! Sobrang naku-curious ako sa relasyon nila ni Zero at lalong-lalo na sa pagkatao niya. Pero ayoko rin namang ‘yun ang maging dahilan kaya ako tumuloy sa Garnet.

Kung tutuloy man ako sa Garnet, gusto kong para sa sarili ko ‘yun. Dahil iyon ang pangarap ko.

Ang sakit sa bangs, promise.

Naaninag ko si Zero. Oh, my. Papalapit na ang gorgeous self niya sa aking seksing pagkatao. “Hi, Zero!” masiglang bati ko.

Ngumiti siya nang tipid. “Pasensiya ka na at natagalan ako, Cassiopeia,” sabi niya. Ibinaba niya ang dala niyang bag. “Ayos lang ba talaga sa’yo na ako lang ang gumawa ng konsepto?”

“Oo naman! Kung puwede nga lang ikaw na ang gumawa lahat ng designs doon eh! Pero siyempre, nakakahiya naman sa’yo, so…”

Tumawa siya nang mahina. “Ayaw mo talaga ng subject na ito, ano?”

“Eh ang hirap kaya! At saka hindi ko talaga trip i-measure ang mga dapat i-measure diyan. Ang sakit sa bangs.”

“Sige, Cassiopeia. Ako na lang ang bahalang gumawa ng disenyo, pero gusto ko pa ring malaman ang mga ideya mo.”

“Oh, sure!” masiglang sabi ko.

Ngumiti siya, pero biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. “Cassiopeia, may gusto akong maintindihan.”

OMG. Ito na ba ‘yun!? Bigla akong kinabahan. Mukhang ito na nga. “Ano iyon, Zero?”

Tiningnan niya ako nang matagal. Hanggang sa nag-iwas siya bigla ng tingin at napadpad ang mga eyes niya sa oval. Biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Kumunot ang noo niya at bago ko pa siya matanong kung anong problema, bigla siyang tumayo. “Cassiopeia, saglit lang. May pupuntahan lang ako. Pasensiya ka na, pero saglit lang talaga ito. Hintayin mo ako rito at silipin mo na rin ang konseptong ginawa ko.”

Kumurap ako. “Ha? Pero, Zero—”

Mabilis siyang naglakad papalayo, pero agad din naman siyang lumingon. “Nasa bag ko ang flash disk. Kuhanin mo na lang. Pasensiya na talaga, Cassiopeia,” nagmamadaling sabi niya. Muli siyang tumalikod at mabilis na umalis.

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon