Fan Mode Nineteen

7.1K 217 22
                                    

Fan Mode Nineteen

~**~**~**~**~**~**~

“Achoo!”

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.”

“Achoo!”

Nagbuntong-hininga siya. “Nilalamig ka ba?”

Umiling ako. “Hindi. Ako pa,” masiglang sabi ko.

“At masigla ka pa sa lagay na ‘yan?”

“Alangang manlumo ako?” Niyakap ko ang sarili ko.

“Akala ko ba eh hindi ka nilalamig?”

“Hindi naman talaga eh.”

“Eh bakit yakap-yakap mo ang sarili mo?”

“Ito naman, kapag ba niyakap ang sarili eh nilalamig na? ‘Di ba puwedeng hinahawakan ko lang ang braso ko?” Tumawa ako.

“Baliw,” bulong niya. Nagulat ako noong bigla niya akong hinila at niyakap.

Teka. Ulit nga. Niyakap. N. I. Y. A. K. A. P.

Oh, my fudging red velvet cake! Niyakap ako ni Zero Choi! Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ako nakaimik. Ikaw ba namang yakapin ng pinagpapantasyahan, este pinapangarap mo, makakaimik ka ba kaagad? ‘Di ba magugulat ka muna? Speechless.

“Ayos ka na ba?” mahinang tanong niya.

“O-oo naman. Ako pa.”

“Alam mo, Cassiopeia—”

“Ano?”

“Puwede mo namang sabihin sa akin kung hindi ka na ayos eh. Puwede mo namang sabihing hindi ka na kumportable. Hindi mo naman kailangang pagtakpan pa iyon.”

“Huh?”

“Magkabigan tayo, ‘di ba?”

Ay, oo nga pala. Tumango ako. Pero kasi…

“Kaya dapat sinasabi mo kung anong nararamdaman mo.”

Ha? Pati ang pagnanasa, este pagmamahal ko sa’yo, ha, Zero!? Sasabihin ko ‘yun!? No way! Saka ayoko ngang maging damsel in distress. Alam kong prinsesa ang buhay ko, pero ayokong maging prinsesang helpless ang peg. I mean, hindi ako in distress! Medyo stressed lang kasi sasabog na ang mga butterflies sa puwet ko dahil sa sobrang kilig.

“Ayos lang talaga ako, Zero,” sabi ko. Pero ang totoo talaga niyan eh nilalamig ako, my gosh. Hindi talaga ako puwedeng nauulanan kasi nilalamig ako. Tapos hindi pa ganoon kalakas ang immune system ko sa ulan. Pero ayoko ngang abalahin pa si Zero sa bagay na ito. Anong pangalan ko? Cassiopeia Cheng. Iyan ang pangalan ng isang damsel na hindi in distress.

“Eh bakit nanginginig ka?” tanong niya. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Oh, no! Ang puso ko! Hindi ito puwede! I mean, sumasabog na nga ang puso ko sa tuwing pinapanuod ko siyang kumakanta sa stage, tapos itong ganitong niyayakap niya ako? I must be dead. I must have gone to paradise. I must be…

“Cassiopeia?”

“Hmm?”

“Bakit ka nakapikit? Anong iniisip mo?”

Agad akong dumilat. “Ay, wala, wala. Ang bango mo kasi.”

“Huh?”

Syet! What did I say!? “I mean, ang bango ng mga mangga!”

Nagulat ako noong bigla siyang ngumisi. “Alam kong sinabi mong mabango ako.”

What!? Oh, no! “Sinabi ko ba ‘yun? Sabi ko ang mangga.”

Nagkibit-balikat lang siya. Ilang minuto ang nakalipas noong biglang umeksena si Mayordoma at si Katawang-tao sa moment namin.

“Jusko po, Senyorita at Senyorito! Nandito lang po pala kayo!” natatarantang sabi ni Mayordoma.

“Kanina pa po namin kayo hinahanap. Akala po namin ay nagtanan na po kayo,” sabi naman ni Katawang-tao.

Nagtanan? Duh. As if. Puwede ko pa sigurong kidnapin si Zero, pero ang magtanan kaming dalawa? Magiging purple muna ang mga baboy ko sa farm. “Naligaw kami eh. ‘Di ko matandaan ang daan pabalik.”

“Ha? Eh bakit hindi niyo na lang po kami tinawagan?” tanong ni Mayordoma.

“Wala kaming dalang mobile phones eh,” sabi ko. Naiwan ko ang telepono ko sa maleta kong purple. Si Zero naman… teka. Hindi ko maalala kung tinanong ko siya kung meron ba siyang dalang telepono. Tumingin ako sa kanya.

Hindi siya umimik. Nagkibit-balikat lang siya at sinundan si Katawang-lupa. Nakabalik naman kami nang buhay sa farm. Bahin nga lang ako nang bahin.

Magkakasakita yata ako nito.

Love-nat.

Biglang lumingon si Zero sa akin. “Cassiopeia,” tawag niya.

“Achoo! Ano ‘yun, Zero?” tanong ko.

“Puwede mo namang sabihin sa akin,” mahinang sabi niya. “Puwede mo naman talagang sabihin.”

Ang alin doon, Zero!?

“Ah, s-sige, sige,” medyo nauutal kong sabi.

Nagulat ako noong ngumiti siya nang tipid. “Aasahan ko ‘yan, ha?”

Ang alin, Zero!?

Naman! Ginugulo ko ang hair kong de salon. Naguguluhan na ako! Ano ba kasi ang pinagsasabi niya!?

~**~**~**~**~**~**~

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon