After ng "lunch date" namin ni Mingyu, dinala niya muna ako sa isang arcade malapit dito since mahaba pa ang oras bago kami kailangang bumalik doon.
He is really weird right now as in. Tawa siya ng tawa even in small things at take note dahil sakin pa ahh!
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa bench at hinihintay siya kasi bumili pa siya ng ice cream for us. Pero infairness ang saya ng mga ginawa namin.
"Oh ang lalim na naman ng iniisip mo." Sabi niya sabay abot sa akin nung ice cream
"Ahhh wala. Napagod lang! Ikaw kasi ang hyper mo!"
"Eh kasi kasama kita eh!" Sabi niya sabay wink sakin.
OH MY GOD CHILL ALI WINK LANG YAN PERO REALLY OMG MINGYU WHY U LIKE THAT
"Alam mo wag kang maggaganyan ahhh pag ako nahulog sayo nakoo sasapukin talaga kita! Tatadyakan kita sa where it hurts most sainyong mga lalaki!"
Tumawa lang siya kaya natawa na din ako. Paano ba naman kasi pag pinagpatuloy niya talaga yang mga ginagawa niya nako lagapak ako niyan.
"Edi mahulog ka, don't worry sasaluhin naman kita eh." Napanganga ako sa sinabi niya. Is he effin serious? Nako kung ganun lang rin aba! Nabalik lang ako sa katinuan nung tumayo na siya.
"Tara na! Baka hinahanap na tayo dun." Tumingin siya sakin at naglend ng hand para tulungan akong tumayo. Kahit nanginginig kamay ko dahil sa kaba dahil sa sinabi niya eh kinuha ko pa rin yon.
Ngunit nung pagtayo niya sakin ay hinila niya ako palapit sakanya sabay
*tsup*
O.O
"Ang sarap pala ng strawberry flavor! Lalo na kung galing sayo pero siguro mas masarap yan kung galing na sa labi mo."
Napatulala nalang ako sa ginawa niya. PAANO BA NAMAN HE KISSED ME.
No what i mean is he kissed the side of my lip. Para lang tanggalin yung ice cream ko dun.
FUDGE MINGYU
"Hoyyyy ano tulala ka na diyan? Tara na!!! Saka ka na matulala pag sa labi mo na ako humalik sayo!" Sigaw niya dahil nakalayo na pala siya sakin.
Ramdam ko ang pagmula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Dali dali naman akong natauha. Kaya tumakbo ako palapit sakanya at binatukan siya
"YA PERVERT KA! BYUNTAE BYUNTAE!!" sabi ko habang pinagpapalo siya. Pero siya tawa lang ng tawa.
"Sus nagustuhan mo lang ehh" dahil dun pinagpapalo ko siya ng pinagpapalo.
Nagustuhan ko nga pero kasi namannnn di ako ready hayyyyyy.
Ng makarating kami sa school eh agad naman akong nagpaalam sakanya para hanapin si Zai.
"Zai!! Zai!! Omg i have a kwento! Akin muna si Zai Hoshi ah!!" sabi ko sabay hila sakanya at takbo papunta sa locker room
"Teka teka ali! Bat ba tayo tumatakbo? Sino bang tinatakbuhan mo? Anyare bigla ka nalang nawala!"
"eto nga, eto nga ikwekwento ko na!!"
Tumango naman siya na sign na magstart na akong magkwento.
"Nagdate kasi kami ni mingyu kan--"
"OMAYGASHHHHH!!! REALLY?? ANO NILILIGAWAN KA NA BA? ANO MU NA KAYO? KAYO NA BA? NAGPROPOSE NA BA? ANO ANO?" binatukan ko na siya agad dahil sa ka-OAyan niya
"Sige maghysterical ka muna diyan! Mamaya ko na ikwento pag tapos ka na!" Nagpiece sign naman siya at ngumiti ng nahihiya
"So eto nga. Naglunch kami diba tas nagarcadr after alam mo ba zai! He kissed me sa---"
"OMG ALI DI KA NA VIRGIN!! HALA BAK---" binatukan ko ulit siya
"HOY UMAYOS KA NGA ANONG DI NA VIRGIN GILID LANG NAMAN NG LIPS KO HINALIKAN DI NA VIRGIN ABA!"
"Hehe sorry naman. OA LANG TEH OA LANG HEHE" inirapan ko siya sabay kwento ulit.
Kinwento ko detailed sakanya lahat ng nangyari. Kung paano nagkayayaan maglunch hanggang sa mga sinasabi niya.
"Nako teh! Wag ka munang magpakakampante ngayon na tuloy tuloy siyang ganyan sayo! Hello?? Si mingyu yun teh! Sorry to say this pero as far as i know hate ka nung tao. Allergic sayo ganern tas biglang ganyan? Woah thereee!"
Napanguso naman ako sa sinabi ni Zai. Tama siya. He used to hate me na parang allergic siya sakin tapos ngayon magiging ganun siya.
"Pero gal, just go with the flow! Malay mo unti unti na siyang nagbabago! Pero takte kinilig parin ako sainyo tae kayo!!!" sabay naglupasay siya na parang nakukuryente. Abnoy talaga tong babaeng to.
"Asuuuuus if i know hindi ka kinikilig ngayon dahil samin eh" Napataas kilay niya dahil sa sinabi ko
"Kinikilig ka diyan kasi kasama mo si Hoshi kanina!! Ikaw ahhhh galawang breezy! ISA KANG HOKAGE ZAI!!" sabi ko at ako naman ngayon ang binatukan niya
"ABNOY! As if kiligin ako dun! Kaasar nga yun eh bwiset! Tara na nga ayaw kong pagusapan yung jellyfish na yun!"
Natawa nalang ako sa inasta niya. Nakoooo zai talaga! Paglabas namin ng locker room eh dumiretso kami sa kung nasaan ang seventeen.
Pagpasok palang namin eh nagkatinginan na kami ni mingyu at kumindat siya sakin sabay punas ng side ng lips niya. Ughh alam ko na pinapahiwatig niya.
Binelatan ko lang siya sabay punta dun sa kung saan ko naiwan bag ko.
"Alis na kami guys! Byeee"
Wag kang ganyan mingyu, mahulog lang talaga ako sayo ng over over eh tatadyakan kita sa where it hurts most. Hmp :">
BINABASA MO ANG
Lovely Fangirl (SVT MINGYU FAN FICTION)
FanfictionStorya ng isang fangirl na swerte pero hindi. Storya kung saan hindi mo madetermine kung swerte nga ba siya o hindi. Seventeen mingyu fan fiction ⭐️❤️