Chapter One

124 4 1
                                    

•Alianna's •

"Zai!!! Bilisan mo namaaan! Baka mahuli tayo!" sigaw ko. Ang bagal bagal kasi! Inaantay na ko nung boyfriend ko!

"OA MO! Alas Dose palang! Anong oras start nun, 7 o'clock! Kung madaliin mo naman ako!" sabi niya habang nagsusuklay ng basang buhok!

"ANOBAAA MAS MAGANDA NANG MAAGA! Tsaka diba tinext na kita na papunta na ko? Bakit kung kelan naman ako dumating saka ka naligo!" Sermon ko sakanya. Pangasar kasi

"Oo na oo na! Kasalanan ko bang inuna ko muna panuorin ang seventeen bago ako maligo? ANG POPOGI BHE!!!!!! 😍😍😍 okay na sakin na sila ang matatanggap ko ngayong birthday ko!" sabi niya at kung nandito ka lang, makikita mong naghugis heart and mata niya nako nako.

"Anong mas gugustuhin mo, ang mapanuod lang sila sa tv o makita sila sa personal?" sabi ko in a sarcastic tone.

"Siyempre personal no! Gusto kong live na mapanuod si Hoshi na sumasayaw na mistulang siya ang may ari ng stage" Natawa na lang ako sa inasta niya kasi namaaan yung gestures hahaha

"OO NA BILISAN MO NA NGA LANG!" sabi ko sabay labas ng kwarto niya at dumiretso sa may sala.

Ayyy hindi pa pala ako nagpapakilala no? HAHAHA hi ako nga pala si Maria Leonora Teresa Tandang Sora charot hahahaha Alianna Sofia is the name but I prefer all of you to call me Alianna. At yung babae kaninang tinatalakan ko, siya si Zai. Bestfriend ko. Alezaindra is her name so since mahaba binigyan ko siya ng palayaw na Zai.

Wala namang interesting sakin bukod sa nanay at tatay ko ay nagtatrabaho sa pledis company (nakalimutan ko kung anong tawag sa work nila pero basta mataas na posisyon haha) at ang kuya ko ay dance and vocal instructor slash manager ng seventeen. Ang company nang aking bebe na si Mingyu-mylabss 😍. Pareho kami ni Zai na fan ng seventeen. Actually si Zai ngayon lang, ako matagal na. Simula nagt'train palang sila, idol ko na silang lahat although di pa sila grupo nun. Pero ang pinakaLOVES ko talaga ay si 김 민규 aka MINGYU 😍

Kahit pa na masungit siya. Laging poker face. Nakasimangot. Pogi parin siya. Ako parin ang number one fan niya ❤️ de pero masungit siya.... sa akin lang. Laging nakapoker face at simangot..... kapag nasa paligid lang ako.

okay na rin yon kasi SAKIN lang. Kaya nga di ko alam kung matutuwa ako dahil sakin lang siya ganyan dahil sa naiiba ako or what eh 😂. PERO WALANG MAKAKAPAGPIGIL SAKIN NA MAHALIN SIYA 😍

Kilala ko na siya, kahit bago pa siya magtrain sa pledis. Actually simula bata, crush ko na siya. Kapit bahay kasi namin sila dati. Hanggang sa lumipat kami ng bahay na mas malapit dito sa pledis nung nahire si papa. Pero simula bata talagang ilag siya sakin. Ewan ko ba sakanya. Di ko alam kung dahil ba sa inaasar ko siya lagi.

Hanggang sa nagtagpo ulit landas namin dito sa pledis. ACTUALLY PLEDIS ANG TAGPUAN NAMIN HIHI ❤️ de echos lang. Pero sabi ko nga kanina WALANG MAKAKAPIGIL SAKIN.

Aantayin ko nalang yung time na sabay na kaming pumunta sa company. Yung ako yung nagpupunas ng pawis niya tuwing nagp'practice sila. Yung ako yung nagbibigay ng tubig niya tuwing pagod siya. Yung ako magtatanggal ng sh----

"Oo, pinagmamadali mo ko sabay ikaw tong kanina pang nakatunganga diyan at pustahan pinagnanasahan mo na naman si Mingyu oppa!" malakas na sabi ni Zai sabay bato sakin ng unan.

"ARAY KOOOO! ano ba! IKAW KAYA ANG TAGAL TAGAL MO!!" malakas ko ding sabi sakanya. Wag kayo sanay na yan sakin at ganun din naman ako. Mas malala pa yan sakin.

Lovely Fangirl (SVT MINGYU FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon