Chapter three

54 3 0
                                    

Natapos na yung concert at alam kong sobrang worth it yung price niya. Tho nawalan na ako ng mood dahil dun sa feelingerang fan i still enjoyed the last part.

Nandito kami ngayon ni zai sa kotse. Inaantay nalang namin si mama, papa at kuya.

"Grabe sis! Best birthday everrr! Thank you sisss!" Masayang sabi ni zai. Nginitian ko lang siya at binigyan ng thumbs up. Kumindat naman siya at nagpatuloy na ulit tignan yung pictures na kinuha niya kanina.

Medyo nabore ako sa loob kaya nagpaalam muna ako sakanya na lalabas lang ako saglit. Umupo ako sa bench malapit sa kotse namin. Since it's already midnight. Medyo malamig na ang simoy ng hangin.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" sabi ng mababang boses sa likod ko. Napastiff ako at tumingin sakanya.

SHIT. MINGYU 😱
ANOTHER SHIT! ANG POGI NIYA SA SUOT NIYA HUHU 😭 Simple lang pero lakas ng datinggg urghh 😍 (picture at multimedia)

Hindi ako nakasagot agad dahil sa gulat. Totoo ba to? Kinakausap niya ko?

"Ayy nagulat ba kita? Sorry ah" Sabi niya at umupo sa tabi ko at medyo nagising naman na ang diwa ko

"Uh-uhmm ano... Sina mama at papa inaantay ko pa"

"Eh bat di ka nalang sa kotse mo magstay? Ang lamig dito oh tsaka baka mapano ka" Omaygaaaad. Totoo ba to? Concern siya sakin? Hinubad niya yung parang coat niya kaya nakashirt nalang siya ngayon tas sinabit niya sa may balikat ko. Kahit papano nawala yung lamig na nararamdaman ko.

"Ahhh sige pasok na ko. Alam ko namang ayaw mo ang presensya ko eh" Malungkot kong sabi. Matesting nga!

Paalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang wrist ko "stay for a while please" hindi... hindi si mingyu tong kaharap ko. Nananaginip lang ata ako.

Si mingyu? gugustuhing makatabi ako sa upuan? Gugustuhing samahan ko siya? Not so him!

Umupo ako at sinapo ang noo niya at leeg.

"Hindi ka naman mainit. Mukhang wala ka namang sakit. Nagugutom ka ba? Ayy pagod lang a---"

"Osige aalis na ko! Sabihin mo lang na ayaw mo kong makasama hindi yung gagawa ka pa ng excuses! Pshhh malamang si vernon hyung gu-gustuhin mong makasama!" sabi niya ng medyo mataas ang boses sabay walk out.

"ARUYYYY NABATI KO ANG GOOD SPIRIT! WOO NICE ALIANNA!" sabi ko sa sarili ko.

Waaaa bat ganun nga ba inasta ko? Aishhhh! Masama bang macurious kung bakit bigla siyang bumait sakin? Masama bang magtanong? Woo! Dinaig niya pa ako pag nagppms eh

Bumalik nalang ako ng kotse at nadatnan ko dun si zai na nakangiti. Ngiting aso specifically!

"Anong ngiti yan?" Tanong ko sakanya sabay pikit. Nakakastress talaga siya!!

"Mukha kayong may tagong relationship ahh! Mukhang nagtatago ka na sakin bessy!" dinilat ko ng onti ang mata ko para tignan siya pero pinikit ko lang ulit.

"Secret relationship? Nino?"

"Wushuuu deny pa more! Mukha nga kayong may LQ kanina ehh"

"PSHHH Q LANG WALANG L. Urghhh nakakainis Zai!! Dat pala hindi ko nalang pinansin kabaitan niya edi sana hanggang ngayon kasama ko siya! Nabati ko eh! Yun na yun eh! Kainiiiiiis!" sabi ko

"Huh? Ano bang nangyari?"

"Eh kasi naging mabait siya sakin tas tinignan ko kung may sakit siya odikaya kung gutom ba siya sabay ayun sinigawan na ako kesyo ayaw ko daw siyang kasama! Masama bang magulat? Haleer ang cold niya sakin tas out of blue babait! Sinong di magtataka dun!"

Lovely Fangirl (SVT MINGYU FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon