Isang buwan na ang nakalipas simula nung nag aral/shoot ang seventeen dito sa school at so far so good naman ang nangyari.
Sabado ngayon pero nandito ako sa school namin. Bakit? Sinama lang naman ako ng magaling kong kuya para may PA siya slash sila. Hayup ang galingg!
Ngayon kasi nila ish'shoot yung music video ng mansae para sa nalalapit nilang comeback which is 4 months from now.
At kasalukuyang nakabusangot ang mukha ko ngayon, bakit? Andito din kasi si girl na fan din ni mingyu na kung magfeeling eh OA! Yung kinaiinisan ko sa past chapters!!
"Bes! Wag kang OA! Hindi naman si mingyu mo yung lalandiin nung girl!" Sabi ni Zai sa tabi ko na hinila ko rin para sumama dito
"Hindi naman talaga manlalandi yung girl! Sila yung manlalandi kay girl! Pabebe lang yung babae, asar ughh!"
"Oh eh hindi naman si mingyu yung manlalandi kaya chill ka lang diyan, tara punta tayo sa ice cream store sa tapat ng school, palamigin natin ulo mo!" nagmake face lang ako sa sinabi niya at pareho naman kaming tumayo, tutal trip kong mag ice cream ngayon.
"Kuya, diyan lang kami. Babalik din ako." Paalam ko kay kuya na kasalukuyang kasama si hoshi para turuan yung members sa positions nila sa mga part sa mv
"Ahhh osige! Bumalik ka agad ah!" Pagkasabi niya nun papunta na kami sa may gate ng school para lumabas ng biglang nakasalubong namin si mingyu na nakikipagusap dun sa babaeng ughh ultimate fangirl na kuno.
Inirapan ko lang siya nang magtama tingin namin at tingin diretso na animoy di ko siya nakita. Ughh nakakainis naman kasi!
"Mata mo girl! Kung umikot makakabuo na ng isang perfect circle!" sabi ni zai at tumawa.
ewan ko ba! Naiinis ako sa presensya niya!
"Che mana---" hindi ko na natuloy yung sinabi ko dahil biglang may nangback hug sakin
"What the!!" singhal ko. Liningon ko yung poncio pilato na yumakap sakin at WOAHLAAA! ISANG ANGHEL! Pero naalala ko bigla na naiinis ako sakanya kaya from this (😍) to this (😡) REAL QUICK MAN!!
"Knock knock!" sabi niya sakin sabay ngiting anghel
"W-who's there?" Utal kong sabi. Putek bigla akong kinabahan! Waaaa puso tama na sa mabilisang pagtibok baka mamatay ako.
"Manse"
"m-anse who?"
"Kaya pala ang sungit mo sakin ngayon, kasi may manse (mens.....e -- pronounciation ni mingyu) ka" at sa halip na matuwa ay hinarap ko siya para batukan.
"NAPAKA ANO MO EH NO! KORNY MO UYY LAYAS!" sabi ko sabay talikod sakanya pero hinawakan niya yung kamay ko para higitin ulit ako at biglang tanggal nung long sleeves na suot niya at sabay pulupot sa bewang ko.
"Lalabas ka ng may tagos? Wala ka na bang kahihiyan sa sarili mo?" bigla namang pula ng mukha ko sa sinabi niya sabay check sa may pants ko kung meron nga at shit, meron nga ughhhh
"Okay lang yan, ako lang naman nakakita kaya wag ka nang mahiya tho mahiya ka pala kasi yung iniidolo mo nakakita pero no worries naman na sakin yan, next time long pad na bilhin mo para sure" on the second thought hindi pala ako namumula sa kahihiyan, namumula ako dahil sa inis sakanya.
"PESTE KA! DIYAN KA NA NGA!"
BINABASA MO ANG
Lovely Fangirl (SVT MINGYU FAN FICTION)
Fiksi PenggemarStorya ng isang fangirl na swerte pero hindi. Storya kung saan hindi mo madetermine kung swerte nga ba siya o hindi. Seventeen mingyu fan fiction ⭐️❤️