Mica's POV:
TOK! TOK! TOK!Ano ba yan ang ingay natutulog pako eh ang aga aga mambulabog ni mama. Ano ba kasing meron?
"NAK GUMISING KA NA BAKA MALATE KA PA FIRST DAY PA NAMAN NGAYON!"bulyaw ni mama sa labas ng pinto ko.
Ay oo nga pala anong oras na ba kasi. Ay bwiset 5:43 na eh 6:30 pa naman pasok ko baka malate ako nito.
"Opo ma babangon na po"sabi ko na lang kay mama.
Pagbangon ko dumiretso na agad ako sa banyo at ginawa ang aking morning routines.
➿➿➿➿➿
Pagtapos kong magbihis ng aking uniform ay bumaba na ako at sakto naghahanda na si mama ng pagkain."Good morning ma"bati ko kay mama pagkakita ko sa kanya.
"Oh, good morming din anak kumain na tayo at baka malate ka pa"sabi ni mama pagkatapos nyang maghanda.
Habang kumakain kami ni mama ay napansin kong panay tingin sya sa cellphone nya. Bakit kaya? Matanong nga.
"Ma bakit parang kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo may problema ba?"tanong ko kay mama pero ngiti lang sinagot sakin ng bruha. Ay bruha talaga hahaha! Joke lang.
"Ma parang iba yung ngiti mo ah ano yan kwento naman"puna ko sakanya kasi may something sa ngiti nito na hindi ko mafigure out.
"Wala, bilisan mo na nga lang dyan at baka malate ka pa"sabay ngiti na naman ng nakakaloko.
Nacucurious ako kung anong pinaggagawa nito ni mama pag wala ako.
Nakabihis na rin pala si mama at ready na pumasok sa work. Tapos na rin kaming kumain kaya sabay na kaming pumasok ihahatid na daw nya ako sa school.
➿➿➿➿➿
Mabilis kaming nakarating sa school kasi naka motor naman kami eh."Oh anak mag iingat ka ah at mag behave ka lang wag gagawa ng kalokohan ah. Oh sige na pasok ka na"sabi sakin ni mama at kiniss nya ako cheeks. Ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya at nag paalam na kami sa isat isa.
Papasok na ako sa school ng may sumanggi sa akin na grupo ng mga kababaihan.
"Aray"bigla kong bulalas kasi ng mabangga nila ako sa balikat o baka naman sinadya akong banggain.
"Ay sorry paharang harang ka kasi eh"may pagka bitchy nitong sabi ay hinde bitchy pala talaga. Aba loko to ah. Pero mas minabuti ko na lang manahimik kasi wala namang maitutulong kung sasagot pa ako.
"Sorry"yan na lang ang nasabi ko ayaw ko naman kasing masaktan kilala kasi ang grupo na ito dahil sa kanilang angking ganda at isa sila sa mga mayayamang student na nag aaral dito sa school na ito.
Pagtapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako ayoko ko nang may masabi pa silang hindi maganda sa akin. Pero bago ako makaalis ay may nagsalitang babae sa likod.
"Sa susunod kasi tumingin kayo sa dinadaanan nyo para hindi kayo nakakabangga"sabi ng isang babae na may pagtataray kaya naptingin ako.
Pagtingin ko eh nakataas ang kilay nya sa mga babaeng nakabungguan ko.
"At sino ka naman para pagsalktaan kami ng ganyan"mataray na sagot nung parang lider ng grupo.
"At sino ka rin para mambangga at may gana pang magtaray"sagot din ng magandang babae na mataray din ang pagkakasabi nagtitigan sila tila walang ayaw magpatalo pero nagulat ako magwalk out yung parang lider nung grupo ng mga kababaihan kaya nagsisunuran yung mga alipores nya.
Pero tumigil pa ang isang alagad ng demonyita at nagsalita.
"Hindi pa tayo tapos"sabay titig ng masama sa babaeng sumagotsagot sa amo nya hahaha parang tuta lang may amo.
Yung babae naman inambahan lang ng sampal yung alipores at bigla na lang itong tumakbo.
"Ayus ka lang ba?"tanong nito sa akin.
"Ah...eh...O..oo hehe"sabi ko na medyo nauutal ang ganda nya kasi eh nakakaintimidate kasi eh hehe.
"Oh wag kang matakot sakin hindi ako katulad nila, by the way my name is Jessica Crage"sabay abot nya sakin ng kanyang kamay.
Tinanggap ko naman yun ayoko namang maging rude no kaya nagpakilala din ako.
"Ako nga pala si Mica, Mica Ferrer"sabay abot ko sa kamy nya.
"Nice to meet you"sabi nya ng nakangiti kaya napangiti na rin ako kasi mukha naman syang mabait.
"Nice to meet you too"ngiti ko rin sakanya.
"Oh pwede ba kitang maging friends? Please"sabi nya sa akin ng nakapout. Aww ang cute nya.
"Sure why not, ok friends na tayo"pagsang ayon ko sakanya. Ang sarap lang siguro nya maging kaibigan.
"Anong college or highschool?"tanong nya sa akin.
"Ah highschool grade 11 ako ikaw?"tanong ko din sakanya.
"Magkabatch pala tayo grade 11 din ako eh"pagkasabi nya nun ay sabay na kaming naglalakad kasi malapit na kaming malate 6:20 na. Pumunta na kami sa section namin pero matanong nga kung anong sectipm nya.
"Ano nga palang section mo?"tanong ko sa kanya.
"Jacinto ikaw anong section mo?"sabi nya kaya napangiti ako.
"Jacinto rin"sagot ko ng nakangiti.
"Oh halika na malelate na tayo"sabi nya kaya dumiretso na kami sa room.
Sa second floor lang naman yung room namin tapos pagakyat ng hagdan ay room na agad namin kaya mabilis lang kaming nakarating.
Pagpasok namin sa room ay naghanap na kami ng mauupuan at buti nalang meron pang bakante sa may bandang gitna kaya upo na kami pero may bakamte pa sa tabi ko kasi sa kaliwa ko kasi si Jessica eh.
At biglang may pumasok na lalaki kaya natahimik lahat. Bakit anong meron? Nagulat ako ng sumenyas si Jessica dun sa lalaki na dito daw sya umupo sa may bakante sa tabi ko.
Pagupo ng lalaki nagulat ako at pati rin sya.
"Ikaw""You"sabay naming bulalas.
➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿
SANA PO NAGUSTUHAN NYO HIHI!!❤❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
Enemy to Lover
Teen FictionNagsimula sa di magandang pagkikita at nauwi sa pagiging magkakaaway pero paano kung marealize nila na mahal pala nila ang isa't isa. Ano kayang kahihinatnan ng kanilang walang katapusang pag-aaway ? Ano ang kayang gawin ng pag-ibig para sa kanilang...