Jessica Crage on the right ➡➡➡➡➡➡➡➡➡
Mica's POV:
HaiyyPanibagong araw na naman at papasok na naman sa school makikita ko na naman ang taong kinaiinisan ko.
Hindi ko alam kung bakit pero nakakainis talaga siya lalo na pag ramdam na ramdam ko ang presence niya malapit sa akin.
Bumangon na ako at pumunta na sa banyo. Ginawa ang aking morning routines at pagtapos nun ay nagbihis na ako ng uniform.
Inaayos ko na ang aking necktie ng biglang kumatok si mama.
"Anak! Kumain ka na lang sa baba aalis na ako"sabi ni mama.
Inayos ko na agad yung necktie ko at pumunta kay mama upang humalik sa kanyang pisngi.
"Sige ma ingat ka"pagpapaalam ko kay mama at lumabas na nga siya ng bahay.
Ako naman ay pumunta na sa dining area namin at kumain.
Pagtapos ko kumain ay nagtungo na ako sa school naglakad na lang ako kasi maaga pa naman.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong isa pang istudyanteng naglalakad mag isa st base sa uniform niya ay ka schoolmate ko siya dahil parehas kami ng suot na uniform.
Ang gwapo naman nito parang may lahing koreano dahil sa kanyang mata na may pagkachinito at maputing balat. Kapnsin pansin rin matipino nitong pangangatawan.
Bahala na nga nag dire diretso ako ng paglakad hanggang sa makarating na ako sa gate ng aming paaralan. Pagkatapos tingnan ng guard kung may I D o wala ay pumasok na ako.
Naglalakad na ako papunta sa classroom ng may humawak sa braso ko kaya medyo napapitlag ako.
"Ah miss pwede bang magtanong?"sabi ng lalaking nasa harapan ko.
"Ah miss sabi ko pwede bang magtanong"pag uulit niya sa kanyang katanungan. Pano ba naman kasi hindi pa ako nakakarecover sa pagkakagulat tapos makakakita ka pa ng isang anghel na tila bumaba sa langit sa sobrang kaamuhan ng mukha.
"A-ah sige, ano b-ba yung gusto mong i-itanong"medyo utal kong sabi kasi feeling ko ang init init na ng mukha ko ngayon dahil sa aking nakikita.
"Itatanong ko lang kung saan ang daan papunta sa section Jacinto?"pahayag nito"kasama kasi ako sa mga late enrollees eh kaya ngayon lang ako nakapasok"nakangiti nitong pahabil kaya lumabas ang mga mapuputi nitong ipin.
Feeling ko mas lalo akong namula dahil sa pag ngiti niya sana hindi niya mapansin nakakahiya baka kung ano pa isipin niya.
"A-ah doon d-din kasi a-ang section k-ko"nauutal ko paring pahayag.
"Ah ganun ba sabay na lang tayong pumunta doon tutal doon din naman ang punta mo"sumang ayon naman ako agad at nagsimula na kaming maglakad.
"May sakit ka ba bat ang pula pula ng mukha mo"tanong nito sabay himas sa leeg ko at noo.
"Ah w-wala, mainit oo tama mainit lang t-talaga"sabi at nagbigay ng pilit na ngiti.
"Sigurado ka"sabay himas niya uli sa leeg ko"oo nga parang wala ka namang sakit"pahabol pa niya.
Bakit ang gwapo niya hindi ko tuloy mapigilang mamula. Eh kasi naman eh nakakaiya.
Nag patuloy lang kami sa paglalakad patungo sa clasroom at bigla kong naalala hindi ko pa nga pala siya kilala matanong nga kung anong pangalan niya.
"Ah ako nga pala si Mica, ikaw anong pangalan mo?"pagpapakilala at tanong ko sa kanya trying hard para hindi mautal.
"Ay sorry nakalimutan ko nga pa lang mag pakilala. Ako nga pala si Xander Evans"sabay lahad niya ng kamay niya at tinanggap ko naman iyon at nakipag kamay.
BINABASA MO ANG
Enemy to Lover
Teen FictionNagsimula sa di magandang pagkikita at nauwi sa pagiging magkakaaway pero paano kung marealize nila na mahal pala nila ang isa't isa. Ano kayang kahihinatnan ng kanilang walang katapusang pag-aaway ? Ano ang kayang gawin ng pag-ibig para sa kanilang...