Nathaniel Clarkson sa side ➡➡➡➡➡➡
ENJOY READING!!!😊❤❤
Nathaniel's POV:
"IKAW!""YOU!"sabay naming bulyaw sa isat isa nang makilala namin ang isat isa."Ah guys magkakilala na pala kayo"sabi ni Jessica.
Alam nyo ba kung bakit kilala ko si Jessica simple lang kasi bestfriend ko yung babaeng yan at hindi ko alam na magkakilala pala sila nitong babaeng engot na maingay na to.
"HINDE!""NO!"sabay na naman naming sabi at nagbatuhanan ng masamang tingin sa isat isa.
"Ah guys huminahon muna kayong dalawa napaka highblood nyo nagtatanong lang naman ako eh"sabi ni Jessica na may pang asar na ngiti.
Aba isa patong babaeng to ang lakas kung makapang asar kita na ngang badtrip na yung tao eh.
"Hoy babae anong ibig sabihin ng ngiti mo na yan?" inis kong tanong kay Jessica.
"Wala naman ang cute nyo kasing tingnan"sabi nya"at bagay kayo"pahabol pa nito.
"NO WAY!"pag-angal ko"may taste naman ako pag dating sa babae noh"pahabol ko pa.
Pero maganda naman tong si engot eh hindi lang gaanong nag aayos.
"Never kong magugustuhan yang masungit na yan noh"pagsingit ni engot di ko kasi alam pangalan nya eh pero ok na yun mas komportable ako sa engot hahaha"napaka suplado bakla ka yata eh"pahabol pa nya.
Aba sinong tinatawag nyang bakla baka patulan ko na tong babaeng to.
"Sinong bak-"di ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating na yung adviser namin. Ay bat ba kasi dito ako pinaupo nitong si Jessica tuloy katabi ko tong babaeng to. Aish! Di ako nakaganti bwiset!
Mica's POV:
Buti nga hindi na sya nakapagsalita kasi dumating na si maam ang aming adviser."Ok Class ako nga pala si maam Grace Cruz ang inyong adviser sa buong taon"sabi sa amin ni maam Cruz at mukha naman syang mabait kaya walang dapat ipangamba.
"Your first subject is Earth Science(taken instead of Earth and Life Science for those in the STEM Strand) but for now we will start introducing yourself"sabi ni maam.
"And its start on you"turo ni maam sa babaeng nasa pinakaunahan sa may tabi ng pinto.
"My name is Irene Delos Santos 17 nice to meet you classmates"masigla nitong sabi.
Pagkatapos nya mag pakikilala ay ayun na nagsunod sunod ng magpakilala yung nasa row nila hanggang sa si Jessica na yung magpapakilala.
"Hi my name is Jessica Crage 17 and I love to play vollyball nice to meet you"pagpapakilala nya na may kasamang nakakamatay na ngiti at tinablan naman ang mga kaklase kong lalaki maliban kay sungit.
Nagpunta na ako sa harapan at ako na ang magpapakilala.
"Hi my name is Mica Ferrer 17 and I hope we will be friend"yan lang ang sinabi ko wala naman kasi akong hilig eh.
Pagkaupo ko tumayo na si sunget kasi turn na nya.
"Nathaniel Clarkson"walang emosyon nyang sabi at naupo na. Apo pala sya ng may ari ng school nato. Eh ano namang pake ko dun bahala sya sa buhay nya.
Hanggang sa matapos na yung pagpapakilala at lumabas na rin si maam kasi time na. Hay nakakatamad naman wala lang din kaming ginawa nagsasabi lang yung ibang teacher ng mga sari sarili nilang terms and condition.
Ito namang si Nathaniel sungit hindi rin nakikinig. Hahaha bagay sa kanya yung apelyidong sungit ang sungit nya kasi eh.
"Anong nginingiti mo dyan at bat ka nakatitig sakin ha engot"sabi nya sakin ng hindi manlang tumitingin. Gosh nahuli nya kong nakatingin sa kanya.
"Hindi kaya ako nakatingin sayo dun oh sa katabi mo at hindi engot pangalan ko Mica"sabi ko ng pabulong baka marinig kami ni sir eh.
Hindi na sya nagsalita sakto nag ring na yung bell.
KRIING!!!
Yes uwian na gusto ko na kasing matulog nakakaantok kasi eh wala naman kaming ginagawa.
Palabas na sana ako ng magsalita si sungit kaya napahinto ako.
"Akala mo nakalimutan ko na yung sinabi mo ah, bakla pala ah tingnan natin"sabi nya akala naman nya natatakot ako"di pa tayo tapos engot"sabi pa nya bago lumabas.
"Akala mo naman natatakot ako sayo"sabi ko din pero ewan ko kung narinig nya pa yon.
"Mica ano tara na sabay na tayo wag mo na lang pansinin yun ganyan talaga yan pero mabait naman yun sa ibang paraan nga lang"sabi nya kaya nagtaka ako paanong sa ibang paraan. Ay ewan bahala na nga.
"Sige tara"pag payag ko kaya lumabas na kami.
Naglakad na kami papunta sa gate at ng makarating kami don ay pumunta sya sa kotseng kulay pula.
"Hi kuya kaibigan ko po pala si Mica, Mica si kuya tonyo"pagpapakilala ni Jes sa akin.
"Hi po hihi"sabi ko na lang.
"Hi din"sabi nya sa akin mukha naman syang mabait.
"Mica gusto mo bang sumabay idadaan na lang namin sa inyo?"tanong sakin ni Jes.
"Ah hindi na dyan lang naman ako sa may pangalawang kanto kaya ko na. Salamat na lang"pagtanggi ko nakakahiya naman kasi.
"Sigurado ka?"tanong pa nya tumango na lang ako sakanya"oh sige ayaw mo talaga mag iingat ka ah bye Mica"nakangiti nyang paalam sa akin.
"Bye din sige una ko"ngumiti na lang sya at pinaandar na ni kuya tonyo yung sasakyan kaya umalis na rin ako.
➿➿➿➿➿
Pagdating ko sa bahay ay wala pa si mama pero may pera naman syang iniwan kaya bumili lang ako ng lutong ulam para sa dinner kumain naman na yun si mama sa labas kaya isang ulam na lang at dalawang order ng kanin ang binili ko.Pagtapos ko kumain ay natulog na ako nakakapagod ngayong araw kahit wala naman kaming ginawa.
➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿
ENJOY READING!!!❤❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
Enemy to Lover
Ficção AdolescenteNagsimula sa di magandang pagkikita at nauwi sa pagiging magkakaaway pero paano kung marealize nila na mahal pala nila ang isa't isa. Ano kayang kahihinatnan ng kanilang walang katapusang pag-aaway ? Ano ang kayang gawin ng pag-ibig para sa kanilang...