Picture of Xander Evans ➡➡➡➡➡➡➡➡
Nathaniel's POV:
Bwisit! Late na ako. Hindi ko namalayan ang oras at napasarap ang tulog ko. Napuyat kasi ako kagabi eh. Hindi ko alam kung bakit ayaw mawala sa isipan ko yung babaeng yon.Sinong babae?
Sino pa ba edi yung engot na si Mica. Hindi ko alam kung bakit ako nagpuyat kakaisip sa kanya. Ang alam ko lang eh natutuwa ako kapag naaalala ko ang itsura niya kapag inaasar ko siya at yun ang paulit ulit na lumalabas sa isipan ko. Ayaw ko man pero I cant deny the fact that I think of her all the night. Hindi lang yun, I have a strange feeling when I feel her presence near on me. I hate this strange feeling for petes sake!
Kaya eto ang kinalabasan late na ako ngayon. Kailangan ko na talaga iwasan ang babaeng yun. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala itong nararamdaman kong kakaiba. Hindi ko alam kung takot ba to o kung ano.
Pagpasok ko sa bathroom ay naligo na ako ng mabilis at nagbihis. Hindi na rin ako nag breakfast. Sa school na lang ako kakain.
〰〰〰〰
Tumatakbo na ako papunta sa classroom ng makita ko si maam na papasok na kaya mas lalo ko pang binilisan para maunahan ko siya.Hindi ko na nga nagawang mag ayos ng buhok dahil sa kakamadali para hindi ma late. Sa huli hindi ko naunahan si maam at sa huli late la rin. Ano ba yan nakakainis!
"Mr. Clarkson youre late again"pagbungad sa akin ni maam. Hay nako kasi naman yang babaeng yan hindi ako pinatulog eh.
"Sorry maam next time I will go to school earlier"paghingi ko ng pa ng paumanhin kay maam. Kahit apo ako ng may ari dito ayoko ng special treatment kaya ayus lang na pagalitan nila ako.
"Hmpf"may narinig akong impit na pagtawa kaya agad akong napalingon ako sa direksiyon kung saan nakaupo yung taong yung taong yon. At nakita ki si engot na pinipigilan ang pagtawa niya ng malakas.
"Why are you laughing Mrs. Ferrer?"tanong ni maam sa kanya ni maam. Napatigil naman siya at nanghingi ng paumanhin. Tiningnan ko nga ng masama. Alam ko kasing ako ang pinagtatawana niya.
Umiwas lang naman siya ng tingin aa akin at tinuon na ang atensiyon sa sinasabi ni maam sa harapan.
May bago pala kaming kaklase.
"Good morning my name is Xander Evans and nice to meet you classmates"sabay ngiti ng matamis kay engot. Nainis naman ako sa reaksyon ni engot kasi bigla itong namula. Sinamaan ko nga ng tingin si engot pati na rin ang lalakinb kakaupo lang hindi naman niya napapansin pero si engot biglang napaharap sa akin. Sinalubong niya ang mga masasamang titig na ipinupukol ko sa kanya.
Binigyan lang niya ako ng nagtatanong na tingin at umiwas na ng tingin sa akin at humarap na sa unahan. Bakit nga ba ako naiinis. Hindi ko rin alam basta alam ko nakakainis yung reaksiyon niya.
Ano ba yan! Hindi ko na alam ang mga ikinikilos ko. Tama pa ting mga kilos ko kasi hindi ko na talaga ito maintindin.
Itinuon ko na lang ang aking atensiyon kay maam na kasalukuyang nagsusulat ng kung ano man yon. At sa paraang yon nawala naman kahit papano yung gumugulo sa isip ko.
〰〰〰〰
Mica's POV:
Hay salamat natapos na din lahat ng subject pwede na akong umuwi at makapagpahinga na. Habang nag aayos ako ng aking gamit ay biglang nag salita si Jessica."Mics sigurado ka bang walang namamagitan sa inyo ni Xander?"tanong nito sa akin.
"Wala naman kas8 talaga kaming relasiyon. Bakit mo nga pala natanong?"balik tanong ko sa kanya. Ewan ko ba dito tanong ng tanong sinabi ngang wala eh.
"Kasi napansin kong iba yung ngiti niya sayo kesa sa iba. Sa iba normal na ngiti pero pag sayo yung ngiting abot tenga at alam mong totoo. Pero hindi ko naman sinasabi na plastik siya ah pero pagdating sayo iba"pagpapaliwanag niya sa akin"Atsaka kanina nung pagtapos niya magpakilala, di ba nginitian ka niya bat bigla kang namula?"dagdag pa nito. Hala nakita niya yon nakakahiya.
"Ah h-hindi naman a-ah"pagtanggi ko at napayuko bigla kasi pakiramdam ko namumula sa hiya yung pisngi ko. Sana hindi niya mapansin.
"Eh bat namumula ka na naman ngayon oh tingnan mo yung mukha mo"sabi niya. Sabi na eh hindi ako makakalusot.
"Eh kasi mainit lang, oo mainit lang talaga"pagpapalusot ko pa ulit. Sana makalusot.
"Hay nako Mica anong mainit. Mag ka dyan hindi naman ah alas singko na kaya, kaya hindi na ganun ka init para mamula ka"pagpilit pa rin nito.
Wala na akong nagawa kaya tumango na lang ako. Hindi talaga ako makalusot sa kanya.
"Oh edi umamin ka din na may relasyon kayo"pagpipilit talaga niya.
"Wala nga ang kulit mo"pagtanggi ko kasi wala naman talaga. Kaya lang naman ako namula kasi ang gwapo niya feeling ko crush ko na siya kahit ngayon ko pa lang siya nakita at nakilala.
Nakalabas na kami ng classroom at nagsimula ng maglakad palabas ng campus.
"Eh anong ibig sabihin ng mga ngiti niya at pamumula mo?"pagtatanong niya sa akin.
"Eh ewan ko kung bakit niya ako nginingitian"pagsisimula ko"at tungkol naman doon sa pamumula ko ay dahil c-crush ko n-na ata s-siya"nakayuko kong pahayag. Nahihiya kasi ako eh.
Hindi na siya sumagot at sa halip ay nag patuloy na lang kami sa paglalakad.
Nang makarating kami sa labas ng campus ay nagpaalam na kami sa isat isa at nag beso.
Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun o may smusunod talaga. Ay ewan parang napapansin ko lately ang dami ko nang napapansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad at upang makaeating na sa bahay.
Pagkarating ko sa bahay ay natulog agad ako. Mamaya na ako gugising kapag hapunan na maaga naman uuwi si mama ngayon eh.
〰〰〰〰
THIRD PERSON
Hindi alam nila Jessica at Mica na may sumusunod sa kanila at matamang nakikinig sa kanilang pag uusap. Hindi alam ng lalaki kung bakit niya sila sinusundan.Pagkasabing pagkasabi ni Mica na crush niya raw si Xander ay bigla na lang nakaramdam ng kirot sa puso ang lalaki at hindi niya maipaliwanag kung bakit siya nakararamdam ng ganun. Pagkatapos niyang marinig iyon ay umalis na lamg siya na nanlulumo.
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon kaya napagdesisiyunan niya pumunta na lang sa lugar kung saan makakapag isip siya.
➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿
BINABASA MO ANG
Enemy to Lover
Teen FictionNagsimula sa di magandang pagkikita at nauwi sa pagiging magkakaaway pero paano kung marealize nila na mahal pala nila ang isa't isa. Ano kayang kahihinatnan ng kanilang walang katapusang pag-aaway ? Ano ang kayang gawin ng pag-ibig para sa kanilang...