*Sorry po kung ngayon lang ako naka UD ulit, ngayon lang kasi ako hindi na busy :) enjoy reading :*:)*
CL POV
Were heading to canteen para mag lunch. So far so good naman yung mga class namin puro introduction and such lang naman yung ginagawa ng mga prof namin.
Kanina ko pa napapansin na naka busangot tong dalawang katabi ko. Si Minzy and Bom. Ewan ko ba sa dalawang to, kapag tinatanong ko naman kung anong nangyari sa kanila ang parati nilang sinasabi "huwag mo ng itanong,mas lalo lang akong naiinis!!" Ohh diba,mga walanjo parang mga ewan.
Nung malapit na kami sa canteen andami naming naririnig na nag bubulungan na mga nakakasalubong namin. Like
"Ang gwagwapo talaga nila"
"Crush ko na sila"
"My ghaadd!! Hihimatayin ata ako sa sobrang hot nila!!"
Ohh diba ang weweird!!. Anyway, pumasok na kami sa loob ng canteen and as always natahimik ang kaninang napaka ingay na canteen. Ayaw ko kasi talaga ng mga maiingay. nakaka rindi.
Nang naka order na kami, pumunta na kami sa favorite spot namin sa canteen. Walang sinuman ang umuupo sa table namin na yun. Pero laking gulat ko ng may mga lalaking naka upo sa favorite spot namin at sa pagkakatanda ko ito yung mga lalaking transferee na classmates namin. At ang matinde ang iingay pa nila!!
Aba! Hindi ba nila alam na kami ang nagmamay ari ng table na inuupuan nila?!. Talagang ginagalit ako ng mga lalaking to ahh!!..
Ng makalapit kami sa kanila ibinagsak ko ng pagka lakas lakas ang hawak ko na pagkain ko kaya natahimik silang lahat at napatingin sakin.
"Miss sayang naman yang pagkain mo kung sasayangin mo lang, kung gusto mo akin na lang" nakangiting sabi ng mukhang siopao na lalaki
"Oo nga miss beautiful, gutsto mo bang maki upo samin?. Willing ako na umupo ka dito sa table namin kaso dito na lang sa tabi ko ang bakante" sabi naman nitong feeling gwapo at manyak na lalaki
"Hoy FYI Mr. Crazy Intsik Guy! Walang gustong tumabi sayo. Alam mo kung bakit? pangit ka na nga sasakan ka pa ng landi!!!" Nang gigigil na sabi ni minzy hindi ko alam nakalapit na pala to sa tabi ko
"Aba't sumusobra ka na Ms. Sadista Playgirl ha! Anong gusto mo kiss o hug?!" Sabi naman ulit nitong singkit na lalaki
Pinigilan ko ng magsalita si Minzy baka kasi hindi na kami makaka kain sa pag babangayan nilang dalawa. I took a glance one by one to them
"Para sa mga kaalaman nyong mga gunggong! Itong lamesang inuupuan nyo ay sa amin na pwesto walang sinuman ang nagtatangkang umuupo dito. Kami lang!! kaya kung gusto nyo pang tumagal dito sa school na to. Iligpit nyo na yang mga pagkain nyo at lumipat sa ibang table. Understand?!" pinandilitan ko sila isa-isa.
"Bakit meron bang nakasulat na mga pangalan nyo dito ehh wala naman kaming nakita nung chineck namin to kanina ahh!" Pilosopong sabi nung lalaking malaking mata.
"Hoy Doraemon wag ka ngang sumabat jan hindi pa ako nakaka ganti sayo kaya humanda ka, lintik lang ang walang ganti!!" Sabi ni bom
"Woah!! Doraemon daw?! Hahahaha shet!! Hahahaha" sabi nung lalaking malaking tenga
"Tss" sabi ni dara
Hinampas ko ulit ang mga kamay ko sa lamesa kaya natahimik sila ulit.
"Ayaw nyo talagang makinig sa akin ha?! Pwes mabuti pang paghandaan nyo na ang mga kabaong nyo kasi hindi na kayo sisikatan ng araw!!!!" Pagbabanta ko sa kanila
Infierness natakot ko naman sila. Isa isa nilang kinuha yung mga pagkain nila sa lamesa at isa isang umalis pero bago sila maka alis lumapit sa akin yung matangkad na tisoy na lalaki pero pangit pa rin sya sa paningin ko.
"Miss para sabihin ko sayo, walang magkaka gusto sayo na lalaki kapag ipinagpatuloy mo yang ugali mo. Maganda ka sana kaso pang demonya yang ugali mo. Bye, see you around" sabay smirk at alis
Aba't talagang ininsulto pa ang ugali ko?! talaga lang ha?! Ako? Demonya? Well oo demonya ang ugali ko kaya wag lang nila ulit akong gagalitin kasi sisiguraduhin kong sa empyerno ang bagsak nila!! Welcome to hell Goodboys.
-------------
Next update will be Dara's POV :) Vote.Comment.Share :*
|ⓐⓟⓡⓘⓛ|
BINABASA MO ANG
Bad Girls meets Good boys (EXO&2NE1)
FanfictionWere the BAD GIRLS, they're the GOOD BOYS. And BAD GIRLS Defeat GOOD BOYS!