Uji sent you a message
10:39am
Uji: san ka?
Wonwoo: library
Uji: punta kang canteen
Wonwoo: bakit?
Uji is typing...
Uji: secret
Uji: ps. Importante to
Niligpit ko yung gamit ko. Ako pa talaga nag adjust ha.
Binalik ko nalang rin yung librong binabasa ko.
May klase si gyu, kung hahanapin niyo pero ako di ko siya hinahanap.
Pagkarating ko sa canteen e naabutan kong nakaupo si Jihoon habang hawak ang phone at kinakalikot yun.
"Anong meron?" Tanong ko kay jihoon.
Maya maya pa e bigla niya namang nilabas yung notebook niya kaya alam ko na kung ano ibig sabihin nun.
"Ang hirap kasi ng math e." Sabi niya.
"Nag engineering ka tapos magrereklamo ka sa math? Buang?" Sabi ko saka kinuha yung notebook.
"Ginusto ko ba? Di naman ako pumili ng course ko. Kung wala ka talaga babagsak na talaga ako." Sabj niya.
"I'm sorry i don't love you back." Panunuya ko.
"Pakyu." Sagot niya. "Nga pala, ikakasal na pala si tita mo?"
"Si tita Raqcuel? Pano mo nalaman?" Tanong ko
"Nagpost siya sa facebook tanga. Ayan puro mingyu kasi inaatupag. Teddy bear pa more." Nangisi siya.
"Edi wow." Sagot ko.
"Pero malamang sa malamang invited ka sa kasal ng tita mo diba?"
"Nasa states siya ngayon. Baka naman hindi."
"Bro, paborito ka nun. Di makakapayag yun na hindi ka pupunta." Sabi ni jihoon kaya napaisip ako.
Hindi namanaa bawal akong pumuntang states, pwede naman ako gumawa ng excuse letter. Saka mga isang linggo lang naman ako mawawala.
Kaso nga lang,
Parang ayoko umalis e.
-
•sorry po kung mahaba narration.
BINABASA MO ANG
Ruler
Fanfiction{Meanie fanfic} "Mas straight pa ako sa ruler. Lul." ©️ i do not own the photo used