Hello fo mga people. Last chapter na fo. Tapusin niyo ha? Ang hindi magbasa hanggang dulo ipapakulam ko hehe. Labyu.
Wonwoo
Hindi ko alam kung paanong sobrang bilis kong nakapunta sa bahay na inuupahan ni mingyu.
Tanga ka parin woo.
Tangina.
Bakit ko nga ba siya pinaalis?
Nakatatlong katok ako nang may biglang magbukas na magandang babae (ipapabugbog ko ang tumutol ha) , I believe she's Inang lengleng.
"Anong kailangan mo?" Masungit niyang tanong.
"Si mingyu?"
"Si Mingyu? As in yung naupa ditong kapre na umiiyak kanina?" Tanong niya.
Tumango naman ako, "nasaan siya?" Tanong ka.
"Pasok ka fafa." Pinapasok naman ako ni inang lengleng sa paupahan niya.
Naririnig ko pa ngang kumakanta ng pagsuko by jireh lim si seungkwan pero hindi ko na pinansin.
Gusto ko makita ngayon si Mingyu.
"Kanina, nandito siya." Panimula ni lengleng. "Kaso umalis siya agad." Sabi niya.
"Pwede bang sabihin mo na kung nasan siya?" Irita kong tanong kasi nagmamadali na talaga ako.
"Pwede mag intay kang bakla ka?" Sagot niya kaya tinignan ko siya. "I mean ahe, wag kang excited. Pag ako nanganak ng wala sa oras pananagutan mo ko." Sabi niya pa kaya lalong sumama ang tingin ko. "Joke lang okay?" Sabi niya saka umirap.
"Pinapasok kita para masabi ko sayong sa pag ibig, masasaktan talaga tayo. Sa pag ibig, iiyak talaga tayo. Pero normal naman yun. Dapat hindi tayo matakot masaktan kasi normal lang yun. We should always take the risk in love because love is worth crying. O bonggang engrish divuh? Kaya go lang ng go! Kasi wala namang ibang gusto ang puso natin kung hindi ang sumaya tayo." Mahaba niyang paliwanag kaya lalo ko lang naealize kung gaano ako katanga kanina para itaboy si mingyu.
"At nga pala, nasa may tulay si Mingyu. Mag papakamatay na ata." Sabi niya kaya agad akong napatayo.
"Seryoso ka?"
"Mukha ba akong nagjojoke, ha? Maganda lang ako hoy! Iyak siya ng iyak kanina tapos hindi ko na mapigilan tapos nakita ko nalang yung sulat niya sakin na nagsasabing salamat kasi pinanganak ako at salamat kasi nagin sorang bait at supportive kong inang at sana daw di ko siya makalimutan--" di ko na pinatapos si inang at dumiretso na palabas papunta sa may tulay.
Totoo man o hindi,
Kailangan kong makausap si mingyu. Kailangan kong mabawi lahat ng nasabi ko kanina.
Kailangan kong ipaalam sakanya na yung straight na ruler na nakilala at niligawan niya ngayon... Ruler parin. Pero mahal na siya.
Nakarating ako sa may tulay saka naabutang nakatayo sa may tulay si Mingyu.. Wait, totoong magpapakamatay siya?!
"Mingyu!" Sigaw ko. "Mingyu please wag!" Sabi ko kaya napatingin siya.
Di ko alam pero bigla nalang akong napaiyak nang makitang umiiyak rin siya.
"MINGYU MAHAL KITA." Sigaw ko. "MINGYU YUNG MGA SINABI KO KANINA... KALIMUTAN MO NA YUN PLEASE. MINGYU PINAPATAWAD NA KITA. MINGYU HANDA AKONG MASAKTAN PARA SAYO." Sabi ko.
"Wonwoo--"
"Mingyu.." Huminga akong malalim kasi halos di na ako makahinga sa kakaiyak. "Mingyu wag mo kong iiwan." Sabi ko. "Wag kang tatalon."
Umalis siya sa pagkakatayo sa may tulay saka lumapit saakin.
"Wonwoo, di naman ako tatalon." Sabi niya kaya nagulat ako. "Nag eemote lang ako." Sabi niya.
"A-ah g-ganun ba--"
"Pero ano nga ulit yung sinabi mo?" Tanong niya habang unti unting kumukurba ang ngiti sa labi.
"Sinigaw ko na di mo pa narinig?" Sabi ko.
"E ang layo mo e." Saka siya nagpout.
"Gago di ko na uulitin yun." Sabi ko.
"Okay." Sabi niya habang pinupunasan yung mga luha ko. "Tatalon nalang ako." Sabi niya saka lumapit ulit sa may hagdan at akmang tatalon. "Tatalon na ako." Sabi niya.
"Sige talon ka na."
"Hindi mo ba ako pipigilan?"
"Siguro hindi."
"Wonwoo seryoso ako." Sabi niya pero tinitigan ko lang siya. Maya maya e lumayo na nga siya at pumunta palaput sakin. "Sabi ko nga di mo ko--"
"I love you." Sabi ko.
"Ha ano--" di ko siya pinatapos saka hinalikan ng mabilis sa labi.
"I love you teddy bear ko."
-end-
Pabasa ng speech ko :)
BINABASA MO ANG
Ruler
Fanfiction{Meanie fanfic} "Mas straight pa ako sa ruler. Lul." ©️ i do not own the photo used