65

3.7K 173 54
                                    

Wonwoo

Dirediretso lang ako sa paglakad pagkatapos kong itapon yung cellphone ng letseng yun sa basurahan.

"Wonwoo!" Rinig kong tawag niya pero di ako lumingon. Di ako lumilingon. At hinding hindi ako lilingon.

"Wonwoo teka lang." Rinig kong sabi ni mingyu kasabay ng paghawak niya sa braso ko at paghila sakin paharap sakanya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya.

Pinunasan ko agad yung luha ko, "hindi ako umiiyak kingina ka. Pawis to kaya bitawan mo na ko." Sabi ko saka pinilit kinukuha yung braso ko.

"Wonwoo ano ba?" Sabi niya habang hindi pa rin ako binibitawan.

"Mingyu, ano ba rin ha?" Singhal ko kaya natigil siya. "Mingyu ano rin ba ako sayo? Alam mo naman na diba yung nangyari sakin? Gago ka mingyu pinaasa mo kong hayop ka! Bakit ba ang dali dali sainyong pag laruan yung mga tao sa paligid niyo, ha? Putangina ka ano to, play ground? Edi sana sinabi mo na sakin ng mas maaga pa. Kasi akala ko, akala ko love story to e! Toy story lang pala." Sabi ko saka tuluyang hinila yung braso ko.

"Wag mo na ko sundan. Bumalik ka nalang sa monika mo tapos pagpatuloy niyo kissing scene niyo mga kingina kayo."

Saka ako tuluyang umalis.

-

RulerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon