chapter 3

7 0 0
                                    


[Sofia POV]

Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ang ganda ko naman bagay na bagay saken tong bago kung uniform. 2nd year College na ako and nilipat ako ni mama dito sa Montenegro University for short M.U ayy nakakaloka parang sa love lang awwww.

Lumabas na ako sa kwarto ko then nag almusal na ang aga ng schedule ko haay kaya nga nilipat ako ng school because of my schedule tapos ganun parin ang schedule ko ang aga aga naman.

" Anak andyan na driver mo " tapos binigyan ako ni mama ng goodbye kiss

"Bye mama ingat kayo dito aahh " tumango lang si mama .

....

Habang nasa byahe ako iniisip ko na baka katulad din ito ng dati kung university na nang bubully ng babae yup nabully na po ako  tiniis ko lang lahat ng yun kasi naman ang ganda ko talaga maraming nangliligaw pero tinatanggihan ko kaya ayun nagagalit sila sakin sinasabihan na nila ako ng masasakit na salita haay sana iba na tong university nato kasi ayun sa research ko mga mayayaman lang raw ang pwedeng mag aral dito .

"Andito na po tayo ma'am" tinignan ko naman ang napakalaking university oh my gosh baka hindi ko agad makita room ko aish ang laki naman nito halatang mga elite lang ang pwedeng pumasok dito.

"Ma'am anong oras kapo magpapasundo?"

"Text ko nalang ikaw manong Edgar salamat po" umalis na ito .

Hingang malalim haaay naglakad na ako sa entrance gate nakakamangha talaga mga sosyal talaga mga babae dito yung iba parang tinalo pa ang clown sa make up hahahaha parang gusto Kong tumawa kaso pigil muna bago palang ako dito kaya chill mag judge muna ako .

Habang naglalakad ako may ibang mga studyanteng napapatingin saken auughhh I hate attention nakakaasar lang kasi parang hindi ka makakilos ng maayos diba.

"Hala ang cute nya naman "

"Hindi noh ang ganda nya grabe"

"Tinalo nya pa beauty ng queen natin oh mygosh "

"Pare hanep masarap kaya sya"

"Oo nga noh ang kinis"

Binilisan ko ang paglalakad ko kaiinis ang maniac and also thank you for the complement guys hahahahaha may queen pala dito .

"Hey miss transferee ka?" Tanong nitong babaeng kaharap ko

"Ahh oo eh"

"Oh anong course mo?"

"Business Management "

" waaah parehas tayo kaya sumama ka na saken oh my gosh your so pretty girl alam mo friend na tayo " tapos tumatawa pa sya

"Ahhh ok  "

Hinihila nya ako kaya ako nag papahila lang hindi ko naman kasi alam .

Tinignan ko relo ko malapit na pala kaming malate ...tumigil kami sa isang classroom and masasabi ko lang ang ganda glass lang kasi yung window kaya kitang kita mo talaga tao sa labas at sa silid.

Pumasok kami dun at halos lahat nakatingin saken kaya yumuko nalang ako " hala waaaahh ang ganda nya oh my gosh the goddess " maraming lumapit sa aking mga babae tapos hinawakan nila ako ngumiti naman ako sa kanila bigla naman silang tumili.

" what's your name pala hindi ko kasi na tanong "

"Sofia Scarlette Mendoza " ngumiti ako sa kanila .

" I'm Trisha by the way " tumango lang ako

Bigla nalang may tumikhim kaya na patigil kami tinignan namin ... Ang professor pala namin umupo na ako sa malapit sa window ang ganda lang tanaw dito ang soccer field.

"Miss Mendoza please come here infront and introduce yourself "

" I'm Sofia Scarlette Mendoza 17 years old"ngumiti ako sakanila "please be nice to me thank you " at bumalik na ako sa upuan ko .

Wala namang masyadong nangyari kasi first pa naman raw sabi ni Sir nag getting to know each other lang ...may dalawa akong bagong kaibigan si Trisha you know her and Jasmine .

Trisha is childish parang katulad ko rin minsan pero itong si jasmine mataray palaban and also hate nya raw tong si Tyron Delos Reyes hindi ko naman kilala.

"Guys cafeteria tayo nakakagutom naman " tumayo na si Trisha kaya sumunod nalang kami ni jasmine.

"So ganun ba binubully ka ng dating mong university" kwenento ko na sakanila kasi friends ko naman sila tumango naman ako sa kanila.

"Oh holy mga insecure yun sa beauty mo kung ako at n pinatulan ko na kaso hindi ako ayun " Jasmine

Umupo na kami sa table namin " kami na mag oorder  anong sayo " tanong sakin ni jasmine

"Chocolate drink chocolate cake then chocolate icecream "

"Hindi naman obvious na mahilig ka sa chocolates " tapos umalis na silang dalawa so ako itong naiwan .

Nilibot ko ang mga mata ko s loob ng cafeteria may iilan ang nakatingin saken pero napahinto ang tingin ko sa isang lalaking naka upo sa malayo  habang tinitignan nya cellphone nya *duhdugdug* ano bayan bat parang nararamdaman ko yung lukso ng dugo ehhh baliw na ata ako .

Pero tinignan ko ulit sya parang ang lungkot nya sino ba ang tinitignan nya sa cellphone nya tapos may tumulo sa mata nya umiiyak sya .Pinunasan nya agad ito at biglang tumingin sa akin bigla naman tumayo lahat ng balahibo ko sya naman parang na shock ng nakita ako pero alam nyo parang nakikita ko sarili ko sa kanya .

Bigla ko namang iniwas tingin ko sa kanya at saktong dating nila Trisha dito " wow chocolate hmmmm yummy "

Kinuha ko agad kung ng chocolate cake tapos linantakan ko na ng naubos ko agad yung drinks naman ubos ko agad tapos yung chocolate icecream na waaaahh habang kinakain ko ang ice cream alam Kong may nakatitig sa akin kaya pag Lingon ko yung kuya ulit ang nakita ko sya naman ngayon ang nakatingin sakin tapos this time umiiyak syang nakatingin sakin bigla naman akong napahinto sa pagkain ng icecream tapos tinignan ko muna tao dito kami nalang pala ang natira.

"Guys bilhan nyo pa ako ng icecream "

"Wait lang ha cr lang muna kami ikaw nalang kaya " tapos tumayo sila .

Bumili naman ako ng icecream at tinignan ko yung lalaki nakatingin parin sakin habang umiiyak .

Nilapitan ko ito ," kuya icecream oh favorite ko po yan " binigay ko sa kanya " tapos panyo oh umiiyak po kayo kuya may Mali po ba sakin kasi po iniiyakan nyo ako "

Tinanggap nya naman ito at tumiggil nadin sa pag iyak " s-salamat sorry may naalala  lang ako  sayo"

"Ahhh kala ko po kung ano na kinabahan ako dun " tapos tumawa nalang ako

"Ahh sige  po kuya..." Hindi ko kasi sya kilala

"Shun Sebastian Santos " ahhh bigla nalang sumakit ulo ko , s-shun auughhh pinipigilan ko talaga ang sakit ng ulo ko aish ano ba to .

" ahh kuya shun aalis na po ako sumasalit po kasi ulo ko baka sa sobrang lamig ng ice cream " at umalis na ako dun aishh ngayon lang tohh ahh biglaan .

MISSING PIECES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon