"RHIAS Sandali!" napatigil siya ng lakad nang may tumawag sa kanyang dalawang lalaki-si Kenshin at si Vincent.
Anong kailangan ng mga ito sa akin?
Matapos makapagpahinga sa clinic ay napagdesisyunan niyang umuwi na, tutal ay wala na siyang gagawin pa sa campus.
"Bakit?" tanong niya sa mga ito. Unang lumapit si Vincent sa kanya.
"Rhias, here take it." Isang supot ang hawak nito. Napakunot-noo siya. Iniisip niya kung ano ang laman ng supot.
"Gamot iyan. Pinapabigay ni Nurse Venice para magtuluy-tuloy ang paggaling mo." sagot nito sa iniisip niya. Napakapormal naman niya tratuhin ang kanyang ate.
"Salamat dito Vincent." nakangiti niyang sabi. Super concern talaga ni Nurse Venice sa pasyente nito. Napatunayan niya iyon dahil noong nasa clinic siya ay marami ring estudyante ang nagpupunta para magamot ang kanilang sakit. Hindi hinahayaan nito na lalabas ng clinic na may iniinda pa ring karamdaman.
Nawala ang ngiti niya nang biglang sumingit sa usapan si Kenshin. "Wala ka bang pinag-aralan Mr. Lopez at bigla-bigla kang sumisingit sa usapan?" prangka niyang tanong dito. Hindi na-offend si Kenshin sa sinabi niya bagkos ay hinatak pa siya nito, palayo kay Vincent.
"Ano ba Kenshin!" naiinis na siya sa ugali nito. Parang walang galang sa kababaihan. O baka naman talagang galit lang ito sa kabaro ko.
"Wag kang lalapit sa lalaking iyon." mariing utos nito. Napakunot-noo siya.
"At sino ka para sabihan mo ako kung sino ang lalapitan ko? Pinapa-alala ko na hindi tayo magkaibigan. Pinsan ka lang ng bestfriend ko, naiintindihan mo ba lalaki?" akala nito kung sino maka-asta.
"Basta sinabi ko wag kang lalapit sa kanya." mariin nitong wika.
"Wala kang pakialam!" she shouted. Aalis na sana siya dahil talagang pinaiinit ni Kenshin ang ulo niya, pero binatak nito ang kamay niya.
"When I said iiwasan mo siya, gagawin mo."
"And who the heck are you to---"
"JUST DO IT---" she slapped him. Walang sinuman ang nagsasabi ng gagawin niya. Ayaw niya sa taong uutusan siya sa mga bagay na hindi naman nito concern. That's her own life; no one should interfere with her business.
"Sino ka ba para sabihan mo ako ng gagawin ko? Hindi mo ako pinapakain kaya wala kang karapatan!" sigaw niya dito.
"Ako si Kenshin Hinata Lopez at gagawin mo ang lahat ng gusto kong gawin, sa ayaw at sa gusto mo."
She slapped him again, but it's harder than the first one. She can't believe this man! How dare he?!
"Isa pa gusto mo? Eh hayop ka pala eh! Hindi kita amo, bastos ka. Sobrang kapal ng mukha mo para utusan mo ako ng mga ganyang bagay." He leave her no choice, she decided to stay away from that man. Even if Sophia asks her to assist and to see her loving cousin, she won't do that.
He's unbelievable!
Dumaan pa ang ilang araw na iniiwasan niya si Ken sa tuwing makakasalubong niya ito. Makita niya lang ang pagmumukha nito, hina-high blood na siya. Masyado kasi itong maangas sa paningin niya, idagdag pa ang napakasamang ugali nito. Nalaman niyang Mechanical Engineering din pala ang kurso nito, pero iba lang sila ng section. Nagkaroon din siya ng bagong set of troupes sa klase niya. Si Arnold na kapwa-iskolar niya, si Avegail na dating loner dahil wala masyadong kakilala, si Ernie Bhoy na ka-school mate ni Avegail pero nuknukan ng kulit, si Alfie na mukhang heneral sa bigote nito, si Charl na mahilig mag-drawing, si Sarah na super loyal sa boyfriend nito, at si Lynn na halos ka-ugali lang ng kanyang bestfriend na si Allison.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex-Fiancé (Pocketbook Version)
RomanceI'm gorgeous. Graduated Suma Cum Laude at well-known University. Topnocher at 20xx Engineering Board Exam. Guys adore me. Girls hate me. But one thing I hate the most, when I saw the guy who broke my heart. Not in the hallway. Not in my bestfriend's...