Chapter 5- Mysterious Guy *teaser*

679 22 10
                                    

ONE Week after Rhias and Kenshin broke up, Rhias is still in pain. She can't move on just like that. Memories still hunting her, she still love him despite of having Kenshin another girl. How could he broke my poor heart?

Isa pang iniiyak ng kanyang puso ay ang natuklasang kasabwat ang kanyang mga kaibigan na sila Sophia sa kalokohang ginagawa ni Ken. Hindi ko naman sila ginawan ng kasalanan ngunit bakit nila ginawa sa akin iyon?

Pinipilit niyang bumangon mula sa putikan na pinag-iwanan ng taong kanyang pinagkakatiwalaan. Alam din ng kanyang pamilya na wala na sila ni Kenshin, na binalik niya ang singsing nito na ginamit pang-propose sa kanya. Or should I say, props niya lang.

Ilang linggo na din siya dito sa Manila para sa review sa paparating na board exam ng Mechanical Engineer. Pinipilit niyang alisin ang nangyari sa kanya dahil nakakagambala ito sa kanyang pag-aaral.

Hindi siya makausap nila Lynn dahil ginagawa niyang busy ang sarili. May mga nagtatangka ding manligaw at lumapit na taga ibang eskwelahan ngunit wala pa rin siyang imik. Paulit-ulit ang kanyang ginagawa. Dorm-Review Center-Dorm-Simbahan lang ang pang-araw araw na routine niya. Lunes hanggang Biyernes ang pasok niya pero pang-umagang schedule ang kanyang pinili.

At sa bawat araw na papalapit na ang board exam ay siyang kinahihinaan niya ng loob. Pagod na siya. Pagod na pagod sa araw-araw na ginawa ng Diyos para sa kanya.

Huwebes nagdesisyon siyang sa isang sikat na fastfood chain siya kumain. Medyo may kalayuan ito sa tinutuluyan niya pero dahil para maiba naman ang makain ay nagtungo pa rin siya. Nang makakain ay agad siyang umuwi. May kadiliman na din ang daan at ang alam niyang delikado ang mag-isa kapag gabi, lalo na kung dayo ka lang.

Nanlamig siya. May nararamdaman siyang may sumusunod sa kanya. Mabilis siyang maglakad, ang problema lang, medyo lampa siya. Dahil may kahabaan ang kanyang biyas, at dahil sa ilang araw na siyang pagod at puyat, kulang ang kanyang lakas para bilisan ang kanyang lakad. Ramdam niya ang lapit na ng sumusunod sa kanya. This is not happening, right?

May halong takot at pagsuko ng makikita sa kanyang muhka: takot dahil nunca niyang maranasan ang ganitong sitwasyon, pagsuko dahil wala na siyang lakas na manlaban kung sakaling may magbalak ng masama sa kanya.

Pagod na ako. Tama na. Pwede na ba akong sumuko?

Sampung hakbang na lang at makakarating na siya sa mataong lugar nang may biglang humawak sa kanya. "Miss, tara. Doon tayo sa sulok." nanlamig siya. Nagdasal siya nang maramdamang may patalim nang nakaamba sa tagiliran niya. Lord, if this is my fate to die now, I'll accept it.

Gustuhin man niyang sumigaw para humingi ng tulong, manlaban para sa buhay niya ngunit di niya magawa na tila sumuko na siya sa laban ng buhay. Is this the real Rhias? Duwag? Mahina?

All she can blame is herself.

Then suddenly unexpected thing happened. She's ready to die when someone spoke near them. "That's taking advantage, Dude. Bakit mga babae target mo?" I'm sorry Lord...who's that?

Naalis ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki dahil nabaling ito sa nagsalita sa kanya. "Paki mo ba?" ani nito. "Jackpot ako sa chikababes na 'to. Sobrang ganda at sexy..."

Hindi na nito natuloy pa ang sinasabi sapagkat nasipa na niya ito kaagad, dahilan upang ito'y nasubsob sa daan. Kaagad inagaw ng tumulong sa kanyang lalaki ang kutsilyo at iniamba nito sa lalaking nagtangka sa kanyang buhay. "Pre, kung hahawak ka lang ng kutsilyo para mangdali ng ibang taong may kinabukasan pang kakaharapin, you better do it somewhere else. In prison, maybe?" walang atubiling hinawakan ng misteryosong lalaki ang holdaper/rapist at tinutok ang kutsilyo sa leeg.

"This is how you do this."

Nanginginig ang holdaper/rapist dahil di nito kaya ang lalaki, mas matangkad ito dito, mas malakas tignan. "Sir Chief! Nahuli ko na po siya!" biglang sigaw ng lalaki. Natingin siya sa likod. May nakatambay na pulis sa di kalayuan. Bakit kanina wala 'yun doon?

Sumasakit ang ulo niya para isipin pa ang dahilan ng biglaang paglitaw nito.

  ------*****------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss is My Ex-Fiancé (Pocketbook Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon