Chapter 4- Her Past part 3 of 3

3K 55 16
                                    

 "YOU'RE compatible." Awtomatikong tumaas ang kanang kilay ni Rhias nang may magsabi sa kanila ni Kenshin ng katagang iyon. Wala siyang tiwala sa tabas ng dila ng kababata niyang si Jorie. Naglalakad sila ng pangalawa papuntang bahay niya kasi gusto ng kanyang Mama na makita ito, nang bigla silang tawagin ng nakatambay niyang mga kababata. Wala sigurong mapagtripan mga 'to.


 "Rhias pinagpalit mo na ako? May sumpaan tayo noong mga bata pa lamang ah! Hindi mo na ba natatandaan?" sabad naman ni Marco, o 'Ulo'. Malaki kasi ang ulo nito sabi ng tito niya, maging ng ibang kalaro niya. Napakunot-noo siya.

"I don't remember having any promise with you Marco." Natingin siya kay Lexlyn, o Lingleng. "Patahimikin mo 'yang irog mo Lingleng. Tanda ko sa iyo nangako 'yan." bawi-bawi din pag may time aba!


 Agad namang namula si Lingleng. Hindi lingid sa kaalaman nila na may gusto ito kay Marco. Paano ba naman lagi nitong pinagsisigawan na sa kanya lang ang huli.


"Marco, wag ka daw maingay. Kulit din kasi ng lahi mo eh." sita nito. Napangiti siya.


Sila kasing apat ang solid na magkakalaro noon pa man. May lumilipat lang sa subdivision nila kaya lumalaki ang tropa nila. Kaylanman hindi siya nakipagplastikan sa mga ito, biruan kung biruan lang.


"Nasaan si Cedric at Joven? Pati sila Raven at Angel? Magsasama-sama lang kayo kulang-kulang pa." puna niya sa mga ito.


"Nanchix mga 'yun." sagot ni Jorie sa tanong niya.


"Nahawaan niyo na yata eh." Napalatak siya. "Masasamang impluwensya kayo."


"Nagsalita ang hindi Rhias ah." bawi sa kanya ni Jorie. Napailing na lamang siya dahil hindi niya ito maintindihan.


Tumuloy na sila ni Kenshin sa bahay niya. Tanaw ng kanyang mata ang kanyang aso na nakikipagbuno sa isa pang aso. Nang makarating sa paroroonan, may naamoy kaagad siya. Spaghetti. Sinong may birthday? tanong niya sa sarili.


Nang makapasok ay agad niyang hinanap ang ina. "Ma! Mama!" tawag niya dito.

"Bakit?" angil nito sa kanya. Nakasuot ito ng apron at may hawak na sandok.


"Sinong may kaarawan?" alam niyang nagluluto lang ito ng ganong klaseng putahe kapag may mahalagang okasyon, lalo na kapag may kaarawan. Mahilig kasi ang pamilya nila sa spaghetti. At alam din niyang walang may kaarawan sa bahay nila ngayon. Siya ang susunod na magdiriwang, 2 linggo mula ngayon.


"Wala." hindi na niya ikinabigla ang sagot nito, pero hindi maiiwasang kumunot ang kanyang noo sapagkat ni minsan ay hindi nagluluto ang Mama niya ng spaghetti. Baka for a change. Si Mama talaga!


Pinaupo na niya sa sala si Kenshin at siya ay umakyat muna para makapagpalit. Kumunot muli ang kanyang noo nang may makitang malaking bear sa kanyang higaan, may kasama pang bouquet of roses at isang malaking box. Bakit may malaking butas yung kahon?

My Boss is My Ex-Fiancé (Pocketbook Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon