Lexie's POV
Narinig ko ang tunog ng alarm ko. Agad akong nagtakip ng tenga ko. Uggh. Ano ba yan! Meron na naman nga palang pasok.
Balak ko na sanang matulog pa ulit, pero biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Wala naman akong choice kung hindi papasukin diba? It'd be rude kung hindi naman.
"Good Morning!" Bati ni mother saakin. Gusto ko sanang itanong kung ano ang maganda sa morning pero baka mahampas pa ako kaya I just kept my mouth shut. "Mag ready ka na at baka malate ka pa."
Tumango ako, "Opo. Susunod na lang po ako sa baba." Labag na labag sa loob ko yung sinabi ko dahil gusto ko bumalik sa kama at matulog ng buong araw.
"Sige, bilisan mo ha?" At bumaba na siya.
Ako naman ay nag punta na sa bathroom at nag get ready.
Habang nag susuklay ako ay narinig kong sumigaw si mommy, "Lexie! Anong oras na oh. First day mo pa naman ngayon tapos malelate ka? Bumaba ka na. Nandito na din si Shirley." For sure nakikain na naman 'yon.
Edi ayun, bumaba na ako at ang bumungad agad saakin ay ang kumakaing Shirley. Sabi na nga ba eh.
"Hay salamat, bumaba na din. Ang tagal mo talagang mag get ready ha!" Sabi ni Shirley.
"Reklamo ka pa akala mo naman hindi mo na-appreciate yung pag ka tagal ko. Sarap nga ng kain mo eh. And besides, it takes time to be pretty kaya." Ako.
"Oh talaga? Sa dalawang oras na pagaayos mo, parang wala naman din nag-bago." Sabi ni Shirley na ikinatawa ni mommy. Grabe 'tong nanay ko. Si Shirley naman ay humawak pa sa mukha ko na parang bang may hinahap. Bwisit talaga 'to.
"O siya, umupo ka na at kumain. Baka ma late na talaga kayo." Si mommy. Edi kumain na ako.
Pag katapos naman naming kumain ay umalis na kami at pumunta na ng school.
Sa sasakyan naman ay daldalan lang kami ni Shirley. Halos mga 1 week din kaming hindi nagkita eh.
"Ganda natin ngayon ah. Noon naman ay hindi ka nag-aayos. Kanino ka nag-papapansin, huh?" And then she stared at me suspiciously.
Kumunot ang noo ko, "Porket nag ayos may pinapagandahan agad? Hindi ba pwedeng first day of school kasi?"
"Hmmm? Okay." Ang malisyosa talaga nitong babaeng 'to.
Napailing na lang ako at lumabas na ng sasakyan.
Nandito na kami sa school. Now it's time for the 'Grand Entrance'. Lahat ng mga "popular" ay laging may Grand Entrance every first day of school at may certain time pa kung kelan iyon nagaganap: 7:30 AM. Yung mga students ang nag-pe-prepare. May red carpet sa gitna ng hallway, mag sisimula yung red carpet sa gate then diretso sa classroom. Meron ding "special class" yung mga popular. Parang celebrity nga yung turing ng mga students ng LUV U sa mga Popular eh.
Sometimes di ko talaga ma-understand kung bakit sobrang iba yung turing saamin. Lahat naman kami dito ay tao, so why the special treatment?
Nauna muna pumasok kami ni Shirley. Kaming dalawa ay tinatawag na "The Fabus". Sila ang nag-bigay samin ng name na iyan. Short daw for fabulous.
Pag pasok naman namin ay naglapitan yung mga lalaki. Yung iba nag bigay ng chocolates at yung iba naman nag bigay ng mga flowers.
Next naman pumasok yung The Breakers. Tilian naman yung mga girls. May lumapit din sakanila at nag bigay ng mga kung ano ano, pero ni isa wala silang tinggap.
Now that is why I hate them. Pasalamat nga sila binigyan pa sila.
Umiling na lang ako at nagpunta na kami ni Shirley sa classroom.