Chapter 2

1.1K 45 9
                                    

"Ang cute mo kapag nag ba-blush ka." PIGILAN NIYO AKO! KINIKILIG AKO. OH MY GOSH!

"Uhm.. Thank You?" Hindi ko talaga sasagot ko.

Tumango siya, "Sige una na ako. Kumain ka na ha, kung di ka pa kumakain." At nag-smile siya.

Konti na lang talaga sasabog na ako sa kilig! Gusto ko mag tatalon kaso baka may makita saakin. Mamaya na lang sa bahay!

Yumuko muna ako sa table para mapigilan ko ang kilig ko. At ng pag angat ko ng ulo ko ay nandito na ulit si Benj. Hala?

May inabot siya saakin, "Sandwich. Baka nagugutom ka na eh." At nag wink siya saakin. Ihhhh! Wag ganyan!

"T-thank you." Sabay yuko ko. Nahihiya ako at kinikilig.

Shirley's POV

Foreveralone ang peg ko ngayon dito sa canteen. Lexie, nasan ka na ba? Bahala na. Kakain na lang nga ako. 

"Mag-isa ka lang?" Ay. Istorbo naman 'to. Ang sarap na ng kain ko e.

Tinignan ko kung sino 'yun at muntik na akong masuka. Anong ginagawa dito ni Drake?

"Oo eh. Iniwan kasi ako ni Lexie." Sabi ko. Nahihiya ako.

"Pwede share na lang tayo ng table? Iniwan din ako ni Benj eh." At kinamot niya ang ulo niya. Ang cute talaga niya! 

"S-sige." Ano ba yan! Sa sobrang hiya ko, nautal tuloy ako. What are you doing to me, Drake Lagdameo?

Kalma ka lang, Shirley. Kaya mo yan!

"Sa tingin mo mag-kasama yung dalawa?" Si future husband ko. Masiyado ba akong feeling? Sorry naman!

"H-huh? Hindi noh. Hate na hate kaya ni Lexie si Benj." Yun ang alam ko. Hindi ko lang alam kung totoo ba talaga yung sinasabi saakin ni Lexie.

"Magaling ka ba mag-keep ng secrets?" Si Drake. Anong secret kaya yon?

Wait, baka naman aamin na siya saakin na gusto niya din ako? Sana nga! Pero bakit naman kailangan pa namin i-keep na secret? Hay nako!

"Oo naman! Ako pa," bumulong ako, "Future wife mo ata 'to." 

"Ano?" Hala! Narinig kaya niya 'yon? Patay tayo diyan! Sana hindi.

"W-wala. Anyway ano ba yung secret?" Sinwitch ko agad yung topic. Mahirap na, baka masiyado akong maging obvious.

"Promise mo, wag mo sasabihin 'to kahit kanino ha? Kahit kay Lexie." Pati kay Lexie? Hay nako. Mahirap-hirap 'to, pero sige na nga!

"Promise." At itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"Pinky Promise?" At inilahad niya ang pinky niya saakin. Hala? Anong gagawin ko? Oh my gosh! Mahihimatay na ata ako. 

Napa ngiti siya at kinuha ang pinky ko at siya na ang nag-palipit ng mismong pinky ko sa pinky niya. Oh my! Pwedeng sumigaw? AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!

"A-ano na kasi yung secret?" Chinange ko na ang topic. Hindi ko na kaya!

"MaygustosiBenjkayLexie." Ano daw? Wala akong naintindihan! Masiyadong mabilis yung pagkasabi niya!

"Ano? Dahan dahan naman, Drake!" 

"May" Sabi niya. Pero this time mabagal na. Ang dali naman niyang kausap.

"May?" Repeat ko.

"Gusto"

"Gusto?"

"Si"

"Si?"

I Have Loved You All Along (NLex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon