Chapter 4

1K 48 8
                                    

Shirley's POV

Right now, Lexie and I are on the way to our school. Sobrang nakakatamad pumasok, pero kailangan eh. Besides, nandoon naman si mylabs ko kaya okay lang 'yan. Joke, ang kire ko naman.

After ilang minutes lang ay dumating na din kami. Hindi naman kasi malayo ang bahay namin sa school. Este, bahay nila Lexie. Speaking of Lexie, etong bruha ay tuwang-tuwa. Kanina pa abot tenga ang ngiti. Ano kaya nakain nitong babae 'to? No, scratch that. Ano naman kaya ang pinakain ni Benjamin Jalbuena dito?

Ngayon naman ay naglalakad na kami papuntang classroom.

"Hoy lukaret!" Tawag ko kay Lexie, "Bakit ang saya saya mo ata ngayon?"

"Wala lang. Good mood lang talaga ako ngayon." Sabay ngiti niya ng matamis. Napailing ako. Ganito ba kapag in love?

"Aysus. Pakipot ka pa. Sasabihin mo lang na si Benj ang dahilan eh." Sabi ko na ikinagulat niya.

Hinampas naman niya ako, "Bakit hindi ba totoo?" Nangaasar na tanong ko sakaniya.

Umirap na lang siya. Napangiti ako. Silence means yes.

"Anong nangyari ba kahapon? Kwento naman diyan."

Nakarating na kami sa classroom at umupo na sa upuan malamang.

"Sige, kwentuhan kita mamayang gabi." Sabi Lexie pagkaupo namin. Napasimangot naman ako. Mamaya pa? Kating-kati na ako malaman kung anong nangyari kahapon eh.

Mag rereklamo pa sana ako kaso naunahan niya ako magsalita, "Oh ayan na pala si Drake mo." Sabay nguso niya sa may pinto kung nasaan siya at si Benj. Pero may kausap silang babae.

Napakunot ang noo ko. Nag seselos ata ako.

Imbes na kiligin ako, nabadtrip tuloy ako. Sino ba 'yon? Hindi naman sila nakikipag kausap sa ibang babae ah?

"Kilala mo ba kung sino 'yung dalawang 'yon?" Tanong ko kay Lexie. For sure badtrip din 'to.

Tinignan ko siya at yung ngiti niyang abot tenga ay napalitan ng simangot.

"Malay." Tipid na sagot niya at ipinasok ang earphones sa tenga niya. Selos nga.

Ako naman ay nag phone na lang. Napabuntong hininga ako, umagang-umaga nababadtrip ako.

Lexie's POV

Kinilig ako ng nakita ko si Benj. Nakatingin kasi saakin ito at naka ngiti. Pero napalitan 'yon ng pagka badtrip ng may dalawang babae na lumapit sakanila ni Drake.

Usually hindi naman nila pinapansin ang mga lumalapit sakanila, pero anong meron sa dalawang 'yon at bakit pinansin nila?

Dahil sa kabadtrip-an ko, nakinig na lang ako sa songs sa phone ko. Thank God for music.

Hindi ko namalayan na dumating na pala si Drake at Benj.

"Hi, Shirley." Bati ni Drake kay Shirley. Si Shirley naman ay tinanguan lang si Drake at nag go back sa pag phone niya. Nakita kong kumunot ang noo ni Drake.

Nag selos din ata 'tong si Shirley. I don't blame her.

Ang alam ko lang ay mali 'to. Mali na nag seselos kami ni Shirley. Kasi unang-una, hindi naman boyfriend si Drake at si Benj.

I Have Loved You All Along (NLex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon