Chapter 3

1.1K 43 9
                                    

Benj's POV

"BENJ!" Sigaw ng kung sino man. Umagang-umaga, ang daming istorbo. Kitang natutulog pa 'yung tao eh at saka bakit kailangan pa sa tenga ko sumigaw?

Tignan ko kung sino 'yon at ang magaling kong kaibigan pala.

"Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga aga eh." Inis na sabi ko.

"Pinapa gising ka sa akin ni Tita eh. At saka anong maaga ? 6:00 na kaya." Hay nako si mama talaga. Tama ba yung narinig ko? 6:00 pa lang? Eh sobrang ang aga pa non ah. 8:45 pa ang simula ng klase.

"8:45 pa start ng klase." Sabi ko. Inis pa rin ako.

Nag kamot siya ng ulo at tumawa ng parang kinakabahan. "Oo nga noh?"

Napa iling na lang ako at niyaya na siyang bumaba. Pagkababa naman namin ay sinalubong agad ako ni mommy, hinalikan ko siya sa pisngi.

"Good Morning, 'nak. Kain na kayo ni Drake."

Tumango ako at kumuha na kami ni Drake pagkain. Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala si dad. "Nasan po si daddy?" Tanong ko.

"May business trip kasama ang Tito Daniel, Tito James at Tito Iñigo mo. Mamaya pala susunod kami ng Tita Kath at Tita Sofia mo sa kanila. Nandoon na kasi si Tita Nadine mo." Sagot ni mommy.

"Saan po at ilang weeks kayo don? Tanong ko pa.

"Sa France. We're not sure pa, pero 7 months minimum. It depends eh. Okay lang naman sa'yo diba? Nandito naman sila manang."

Tumango lang ako at kumain na. Pagka tapos namin kumain ay umakyat na ulit ako para maligo at magbihis. Tapos umalis na kami papuntang school.

Lexie's POV

Napanguso ako. Hay! Ang boring naman.

Kanina pa kami ni Shirley dito sa labas ng school. Siguro mga 6:00 nandito na kami. Si mom may kasalanan. Ewan ko ba kung anong nakain 'non at pinagtripan kaming ihatid sa school ni Shirley ng napaka-aga.

Dapat hindi ako nabo-bored ngayon kasi may kasama naman ako kaso lang etong si Shirley tinulugan ako. Humiga ba naman sa isa sa mga bench dito sa labas at natulog. Ginawa pang unan 'yung bag niya. Ako naman ay nakaupo sa bench na nasa across nung hinihigaan ni Shirley.

Kinuha ko ang phone ko at nicheck ang time. 6:30 pa lang pala. Hindi ko alam sa school na 'to, pero 7:30 pa binubuksan eh.

Nag phone na lang ako pero na bored din ako. Parehas lang din naman ang laman ng timeline ko kahit irefresh ko pa ng isang daan na beses.

I sighed at biglang may dumating na sasakyan. I recognized the car right away. Si Benj! At baka kasama niya din si Drake.

Yung limang babae na nandito ay nag sitilian agad pag ka labas na labas ng kotse ni Benj at Drake. Napairap na lang ako. Umagang-umaga ang iingay.

Tumigil naman sila sa sigaw ng tumabi saakin si Benj dito sa bench. Si Drake naman ay umupo sa isa pang bench na katabi ng hinihigaan ni Shirley.

"Hi!" Masiglang bati nito saakin at nakangiti pa.

"Hi." Walang gana kong sabi. Badtrip ako ngayon.

"Ang aga mo naman ata." Sabi niya.

"Si mommy kasi eh. Ewan ko ba 'don napag trip-an kami ni Shirley. Ni-adjust pa niya lahat ng clocks sa bahay para lang makapunta kami ng maaga dito. Ikaw, bakit ang aga mo?"

"Pinagising ako ni mommy kay Drake. Hanep din mga nanay natin eh. Tapos may business trip pa sila na magkakasama diba?" Baka naman may binabalak yung mga 'yon? Hay nako. Whatever na lang.

I Have Loved You All Along (NLex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon