Chapter 3

2.4K 81 0
                                    

Chapter 3

NAGISING si Kean dahil sa narinig niya na tila may mabasag na kung ano. Mabilis na gumana ang instinct niya sa isipin na baka may mga pulis na sa kanyang paligid.

Bumangon siya at kinuha ang baril na tinago niya sa ilalim ng kanyang unan. Akmang tatayo sana siya nang biglang sumigid ang sakit sa kanyang braso. Nang tingnan niya iyon ay may benda siya doon. Tiningnan niya ang mga gamit na nasa kanyang harapan. Nandoon ang palanggana na may nakalagay na bala. Meron ding scarpel at tyane na may bahid ng dugo.

Napakurap siya. Naalala na niya ang nangyari kahapon. May kinarnap pala siyang taxi at pinaulanan iyon ng bala nang habulin siya ng mga pulis na tinatakasan niya.

Pero sino ang gumamot sa akin? Ang naalala ko ay halos mag-agaw buhay na ako.

Pinilit niyang hagilapin sa kanyang isip ang mga nangyari matapos niyang iparada ang taxi dito sa bahay niya... dating bahay nila kasama ang kanyang pamilya. Nakuyom niya ang kamao. Ang bahay na ito ay puno ng pagmamahal at halakhakan nilang mag-asawa kasama ang kanyang anak nang isang araw pag-uwi niya sa trabaho ay naabutan na lang niya ang mga itong naliligo sa sariling dugo. Naabutan siya ng kanyang tiyuhin doon tapos ay bigla na lang itong sumigaw na pinatay daw niya ang kanyang mag-ina.

Si Tiyo Lucio! Siya ang may kasalanan kung bakit ako nakulong! Tukoy niya sa kapatid ng ama. Si Tiyo Lucio na kasi ang nagpalaki sa kanya dahil ulila na siya sa pamilya. Maagang kinuha ang kanyang mga magulang dahil sa car accident na kinasangkutan ng mga ito.

Ang kanyang tiyuhin ay naging witness sa diumano ay pagpatay niya sa kanyang mag-ina. Noong oras ng hearing nila ay ito ang nagsilbing martilyo upang malugmok siya sa kasalanan na hindi niya ginawa. Nagpaliwanag siya, nagmakaawa sa mga kakilala na tulungan siya pero minata siya ng mga ito at hindi pinakinggan. Buong akala ay totoo ang bintang sa kanya kaya naman ayaw na madamay sa problema niya. Ang nagsilbi niyang abogado noon ay walang ginawa, sa tingin pa niya ay nabayaran pa ito upang ipatalo ang kaso niya. Naging mabilis din ang pagdinig sa kaso na umabot lang ng isang buwan. Matapos niyon ay hinatulan siya ng habang-buhay na pagkakakulong. Tatlong taon din siyang nagdusa sa loob ng kulungan.
Pero ngayong nakatakas na siya ay hahanapin niya ang kanyang Tiyo Lucio. Sigurado siyang may kinalaman ito sa mga nangyari sa kanyang pamilya. At kung totoo man ang hinala niya na ito ang pumatay sa kanyang mag-ina, patawarin na lang siya ng Diyos dahil papatayin din niya ang kanyang Tiyo Lucio. Ipaparanas niya dito ang lahat ng hirap na naranasanan niya. Kasehoda na kamag-anak niya ito ay hindi niya palalampasin ang kaslanan nito.

Tumayo na siya at kahit na hirap na hirap dahil sa sugat niya ay pinilit niyang maglakad. Sa kusina niya narinig ang ingay kaya naman mabilis niyang tinungo iyon. Nagtago muna siya saglit at nakiramdam. Nang marinig niya ang yabag na papalapit sa kanyang puwesto ay lumabas na siya at tinutukan ng baril ang babae.

Babae?

Kapwa natigilan silang dalawa. Natulala ang babae sa kanya, mayamaya ay biglang tumili ng pagkalakas-lakas na halos ay matuliling ang tainga niya at kung hindi pa ito titigil sa kakatili ay baka mabasag ng matinis nitong boses ang kanyang eardrum.

"Tahimik! Sino ka?"

Pero patuloy pa rin sa kakatili ang babae habang nakaharang sa mukha nito ang mga kamay. "H-huwag niyo akong papatayin! Maawa ka." Nanginginig man pero hindi pa rin ito tumitigil sa kakatili.

"Puwede bang tumigil ka na sa kakatili mo? Kung hindi ay pasasabugin ko 'yang ulo mo para matigil ka lang!" Maawtoridad niyang sabi pagkuway kinasa na ang kanyang baril.

Tumigil naman ang babae at takot ang mga mata na tumitig sa kanya.

"Sino ka?"

"A-ako ang baabeng kinidnap mo."

Shower Me With Your Love (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon