Chapter 4
MATAPOS na kumain ay iniligpit na ni Odessa ang pinagkainan nila. Masaya siya na maganang kumain kanina si Kean. Kailangan nito talaga ang kumain dahil napapansin niya base sa mga mata nito na hindi pa ito kumakain man lang o nakakainom ng tubig kaya dry na dry ang balat nito.
Isang araw pa lang ang sugat nito sa braso at dumudugo pa rin iyon kaya naman kailangan na niyang palitan iyon ng benda at painumin ito ng pampahilom na binili niya rin kanina upang mabilis na gumaling ang sugat. Matapos na maglinins ng kamay at maglagay ng alcohol ay lumapit na siya kay Kean.
Napangiti na lang siya nang pagmasdan itong payapa na natutulog sa mahabang upuan. Umupo siya sa tabi nito at akmang gigisingin nang biglang bumukas ang mga mata nito at alertong inilabas ang baril na nasa ilalim ng unan. Muli ay itinutok nito iyon sa kanya.
"P-papalitan ko lang ang benda sa sugat mo. Huwag mo nang itutok sa akin ang baril mo." Sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. Naging tiwala naman ang lalaki sa kanya at ibinaba na ang baril. Umayos din ito ng upo at ibinigay sa kanya ang braso nitong may sugat.
"Ihahatid pala kita mamaya. Kailangan ko na rin kasi na umalis dito."
Saglit na natigilan si Odessa sa ginagawa. Oo nga pala, nag-prisinta ito kanina na ihahatid siya. Ano ang dapat niyang gawin? Kapag hinayaan niya ito ay makakatakas ito. Dapat na mahuli ito ng mga pulis upang maibalik sa kulungan pero bakit ganito? Bakit parang pakiramdam niya ay mali ang gagawin niya? Tinawagan na niya ang kanyang kapatid at anytime ay darating na ito.
"Bakit natigilan ka?"
"W-wala naman." Tinapos na niya ang pagpapalit ng benda dito at pinainom na rin niya ito ng gamot.
Nasa kusina siya nang makarinig ng ugong ng papalapit na police mobile. Bigla ay kinabahan siya sa maaaring mangyari sa kanyang pasyente. Sumilip siya sa may maliit na bintana at mula doon ay nakita niya ang paglabas ng kanyang Kuya Oliver sa police car. Ang mga kasamahan naman nitong mga pulis na sa bilang niya ay nasa sampo ay armado ng mga baril. Sa anyo ng mga ito ay alam niyang magpapaputok ang mga ito kapag may maling kilos na ginawa si Kean. At iyon ang hindi niya hahayaan na mangyari. Kailangan na muna na nasa mabuting kundisyon si Kean. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kanyang pasyente.
Kailangan kong balaan si Kean!
Akmang pipihit na sana siya patalikod nang biglang bumungad si Kean sa harap niya. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.
"Bakit may mga pulis dito? Nagsumbong ka ba?" Marahas nitong hinila ang braso niya.
"M-magpapaliwanag ako. K-kailangan ko kasi na gawin iyon para-"
"Shit! Talagang nagsumbong ka?" Lalo itong nanggigil nang makumpirma ang hinala nito.
"O-oo kasi iyon ang una kong naisip pero ngayon-"
Hindi na naituloy ni Odessa ang sasabihin nang biglang hablutin ni Kean ang bag niya at itinaob iyon upang malaglag ang mga laman. Kinuha nito ang cell phone niya at tiningnan ang call log doon. Nang mabasa nito ang huling taong tinawagan niya ay matalim ulit siya nitong tinitigan."Kaanu-ano mo si Oliver Joaquin. Bakit parehas kayo ng apelyedo?"
"K-kuya ko siya."
"Talagang sinadya mong- ahh!" Napaigik ito sa sakit dahil sa sugat nito. Panay kasi ang galaw nito kaya naman nai-stretch tuloy ang hiwa sa sugat nito.
"H-huwag kang masyadong gumalaw dahil-"
"H-huwag mo akong hawakan!" Marahas siya nitong tinulak at akmang lalayo na sana sa kanya pero sinundan pa rin niya ito. Mahina pa rin ito at kailangan siya nito.
BINABASA MO ANG
Shower Me With Your Love (Approved under PHR)
Romance(Soon to be published) Shower Me With Your Love Kean and Odessa Si Kean Marie Medrano, isang bilanggo na nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa isang kaso na hindi niya ginawa. Sa kanyang pagtakas upang linisin ang kanyang pangalan ay nagsangga an...