Chapter 5

2.6K 83 3
                                    

Chapter 5

"KAYA MO BA?" Tanong ni Kean kay Odessa.
Napahugot ng malalim na buntong hininga si Odessa. Pinapayapa niya muna ang sarili dahil gusto niya na magawa ng maayos itong pinapagawa sa kanya ni Kean.
Ang plano nila ay mang-carnap ng sasakyan. Umaga na kasi at kailangan din nilang umalis sa lugar na ito dahil siguradong naglilibot pa rin ang mga pulis na naghahanap sa kanila.

"Kaya ko!"

"Good!"

Pumuwesto na si Odessa sa may gilid ng highway habang si Kean naman ay nasa likod lang niya at nagtatago sa likod ng malaking bato. Naghintay sila na may dumating na kotse at makalipas ng kalahating oras ay swerte nila dahil may dumaan na. Isang owner type na jeep iyon.

"Parahin mo 'yan." Sabi sa kanya ni Kean.

Sumunod siya. Pinara niya iyon, tumigil naman ang sasakyan. Bahagya siyang sinilip ng lalaki. Nakangisi ito habang nakatingin sa kanya. Paano ay bukas ang ilang butones ng damit niya dahilan para makita ang cleavage niya. Urgh! Ngayon lang talaga niya gagawin ito! Kailangan lang talaga nila ng sasakyan.

"Ano ang kailangan mo, Miss?"

"Hmm... nasiraan kasi ako ng sasakyan. Puwede ba akong sumabay sa 'yo?" Pinalambing pa niya ang boses. Ngumiti sa kanya ang lalaki at muntik pa siyang mapangiwi nang makita niya ang ngipin nito. Naninilaw kasi ang mga iyon.

"Oo ba, basta ba punta muna tayo sa langit bago kita ihatid sa pupuntahan mo."

"Sige ba!" Yuck! Gusto niya sana idugtong.

Sumakay na siya sa passenger seat. Akmang paaandarin na iyon ng lalaki nang biglang dumating si Kean at tinutukan ng baril ang sintido nito. Natakot naman ang lalaki at kusa nang lumabas ng sasakyan. Pinanood niya kung ano ang gagawin ni Kean sa lalaki, wala naman kasing bala ang baril nito.

Napangiti na lang siya nang utusan niya ang lalaki na maglakad palayo sa kinaroroonan nila. Twenty steps ang sinabi ni Kean. Nang matapos ay nagbanta si Kean na babarilin ito kapag lumingon. Sumakay na ito ng owner at pinaharurot ang sasakyan. Nang lingunin niya ang lalaki ay nakalikod pa rin ito at tila natakot nang humarap.

"Ang galing pala ng ginawa mo kanina." Mayamaya ay sabi Kean habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe.

"First time ko lang ginawa iyon." Pagmamalaki niya.

"Pasensya ka na kung pinagawa ko iyon sa 'yo. Iyon na lang kasi ang paraan, e."

"Okay lang tsaka tingnan mo may nagamit tayo. Atleast ay hindi tayo maglalakad, 'di ba. Bawal din sa 'yo ang mabinat mamaya niyan ay magkasakit ka ulit. Hindi na sapat ang gamot sa medicine kit ko." Nakangiti niyang sabi. "Isa pa ay napatunayan ko na hindi ka talaga masama. Mas lalo akong naniniwala sa 'yo na inosente ka."

Mapait na napangiti si Kean. "Sana lang ay tulad ka rin ng iba."

Napangiti si Odessa saka hinawakan ang kamay nitong nasa manibela. "Marami pang tulad ko na handang tumulong sa 'yo."

"Pero salamat pa rin dahil ikaw ang binigay ng Diyos sa akin."

Lihim na nakagat ni Odessa ang kanyang mga labi. Pinipigil niya ang kiligin dahil sa sinabi nito. Siya daw ang binigay ng Diyos. Aba at sino ang hindi kikiligin doon? Muli ay napatingin siya kay Kean. Ang mga sinabi nito kanina ay sinabi na rin ng dati niyang nobyo na si Third- ah! Halos ay nalalimutan na pala niya ang tungkol sa kataksilan ng lalaki na iyon dahil sa mga nangyayari sa kanya ngayon. But anyway, iba ang naging dating sa kanya nang sabihin iyon ni Kean, punong-puno iyon ng sensiridad sa boses nito at natutuwa siya nang dahil doon.
_____

TATLONG ORAS din ang naging biyahe nina Kean at Odessa. Ngayon kasi ay pupunta sila sa dating katulong ni Kean sa bahay. Ayon sa kuwento nito ay mapagkakatiwalaan daw nila si Manang Guada dahil naging matapat daw ito na tagasilbi sa kanila pero kinailangan na umalis ito sa trabaho dahil sa asawa nito na may sakit. Dagdag pa ng binata nang mahatulan daw ito ng habang buhay ng pagkakakulong ay nagpapadala daw ng sulat ang dating katiwala. Nakikisimpatya at naniniwala din na wala siyang kasalanan.

Shower Me With Your Love (Approved under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon